Chapter Twenty Six

55 2 1
                                    

Shannon's POV

It was Saturday. Ngayon ko lang napansin na next week na pala ang final exams. Ni di pa nga ako nakakareview eh! I guess I was too preoccupied with all the problems I have and even Brent was one of those problems. Lagi na lang akong niyaya pumunta sa kung saan-saan. Pareho sya nung bestfriend nya. Mga gala.

For the past few weeks, ako lang mag-isa sa school. Sa totoo lang, gusto ko ng bumalik ang lahat sa dati kaso nga lang, di ko naman pwedeng burahin sa isip ko yung katotohanan. Mas matanda ako sa kanilang lahat ng isang taon kaya siguro tama lang na ako ang mag-adjust.

There had been some points wherein I blamed Brent for this. Kung di naman kasi nya ako dinala dun, di ko rin naman malalaman ang lahat pero may sinabi sya sakin na kahit papano, nagpa-realize sakin na mali talaga ang manisi ng iba.

"Blaming other people doesn't lessen the pain. Mas bibigat ang mararamdaman mo kung maninisi ka ng taong alam mong wala namang ginawang masama. Sinabi na ng mama mo to sayo diba? I know I partaked to as why you are blaming me now. Pero sana, wag mo akong itulak palayo lalo na ngayon na alam kong kelangan mo ng kasama."

Those words were like knives which made some impact to my heart. At yung mga salitang yun, ang naging basehan ko para sa over-all project namin sa Journalism. Sa project naming iyon, kailangan naming kumuha ng topic at gumawa ng isang chart. It's up to us whether what things we will include in the chart but we need to defend it.

I chose the topic Lies and Blame. Siguro pinili ko to kasi kailangan kong ilabas ng kaunti lahat ng nararamdaman ko. I wonder what is Aivee's. Sa pagkakakilala ko sa kanya, di sya pipili ng madrama. Yun pa, ayaw nyang may makakitang mahina sya.

I was working on my project when Aiden called me. Himala nga na napatawag tong gagong to eh. Busy ata kay Aivee.

"Hello?" Inipit ko ang phone ko sa pagitan ng tenga ko at balikat ko.

[Buhay ka pa pala! Buti naman sumagot ka! Lifesaver!] Sigaw nya sa kabilang linya. Hyper. Puta.

"Ano bang kailangan mo? I'm doing my project for Pete's sake!" I heard him sigh.

[Magsama nga kayo ng bestfriend mo! Pareho kayong subsob sa pag-aaral! Ano bang project yan?] Chismoso. Anak ng tokwa. Ayoko ngang sabihin sa kanya. Corny nung project eh. But I admit it's kinda challenging.

"Basta! Ibaba ko na." I was about to end the call when he stopped me.

[Tulungan mo naman ako oh. Kilalang-kilala mo si Aivee. Ano bang pwede kong gawin para sagutin na ako nun?] Natawa ako sa tanong nya. Para kasing paiyak na sya.

"Oh. Wag kang iiyak ah!" Pang-aasar ko.

[Gago! Ano nga?] Maka-gago naman to. Close ba kami?

"Knowing Aivee, papahirapan ka talaga nun. Why won't you ask your bro? Muntik nang maging sila."

[Yan na ba yung suggestion mo? Ano ba yan? Nagsayang lang ako ng load.] Aba. Akala ko ba close sila?

"Wait! Anong meron? Something is off with you."

[Aivee and Drew talked. Alam kong di ako dapat magalit dahil wala pa naman akong karapatan. Inassure na rin ako ni Aivee na ako ang pinipili nya pero kasi..]

"Kasi nag-dodoubt ka sa sinabi nya? Hoy Aiden! Pagpakalalaki ka nga!" Binitawan ko muna ang ballpen ko at tumayo.

"Kung di mo kayang pagkatiwalaan ang sinabi ni Aivee, umalis ka na sa tabi nyang haup ka! Umayos ka nga!"

[Oy! Chill ka nga! Bat na galit na galit ka?!] Nasapo ko ang ulo ko.

"I can't believe that I entrusted Aivee to you, asshole. How could I trust Aivee to someone who don't even trust her?! Oh god."

Dating the Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon