Aivee's POV
After hearing Aiden's confession, we still talk, but there's this awkwardness between the two of us. Buti nga, di ata napapansin ni Shannon eh.
I didn't expect that from him. Of all people, sa kanya ako di umaasa ng ganoong klase ng pagtingin. I thought, he was just another person to meddle in my life. Isa lang syang tao na makikisabay sa buhay ko but no. I was wrong. Manggugulo rin pala sya.
Nasa library kami ni Shannon dahil may kailangan kaming gawin para sa Research namin. We've decided to work by two. Dismissed na lahat ng estudyante kaya halos wala ng masyadong tao sa campus.
"Umamin ka nga sa akin, Aivee. Anong nangyari sa inyo ni Aiden?" Napatingin ako kay Shannon habang nagbabasa sya ng libro.
"Ano bang sinasabi mo dyan? W-wala ah." I focused to what I am copying from the article.
"Don't lie. Sa akin ka pa talaga nag-sinungaling kung di ka rin naman tanga." Binatukan nya ako. Binaba ko yung ballpen na hawak ko sa table.
"Ano ba kasing gusto mong sabihin ko? Anak ng tokwa."
"The truth. Nag-uusap nga kayo, wala namang barahan na na nagaganap. Nakakapanibago. Alam mo yung lagi kayong nag-aaway tas biglang parang ceasefire na agad." Napansin nya dahil di kami nag-babarahan? Wow.
"Shannon.."
"Oo. Alam ko pangalan ko. Wala akong amnesia para makalimutan yun. Okay?" Binatukan ko sya. Bwisit eh.
"Shannon, he confessed that he likes me." Bulong ko.
"Emeghed!" Sigaw nya. Tinakpan ko yung bibig nya. Napasimangot yung librarian, nag-peace sign na lang ako at inalis ang palad ko sa bibig nya.
"Seriously? Anong sabi mo?"
"Wala. Wala akong sinabi." Pinalo nya ako.
"Tanga. You should've said a word. Ang pangit naman nung ginawa mo sa kanya. Di man lang matatawag na friend-zoned. Ano sya? Silence-zoned? Walang sinabi-zoned? Kroo kroo-zoned?" Sinamaan ko sya ng tingun.
"Corny." Binalik ko ang tuon ko sa ginagawa ko.
"But it's true. Di mo man lang sinabi na hanggang kaibigan lang or something. Buti di ka nya sinapak, mahirap kaya mag-confess." Inirapan ko sya. Kaya ayoko ring malaman nya eh, she won't drop the topic.
"Tsk. Bakit umamin ka na ba? Shannon, usually boys do to confession. Okay?"
"Alam ko but putting myself in their shoes, kailangan ko ng isang sakong self-confidence para gawin yun." I closed the notebook where I am writing.
"Ano ba kasing dapat maramdaman ko sa sinabi nya?"
"Eh ano ba kasing na-ireact mo nung umamin dati sayo si Drew?" Natigilan ako.
"Bull's eye." Sabi nya habang naiiling.
"Magkaiba yun, okay?"
"Aivee, gusto kita. Pwede ba kitang ligawan?" Tinignan ko sya ng maigi pero parang di naman sya nagloloko.
"Drew, are you serious? I haven't been in a relationship." He held my hand.
"Then, make me your first, Aivee. Ako na lang oh."
I just shrugged the thought. Ugh. Stupid memories. Bakit ba kase walang delete button ang utak?
"Aivee, same words. Both are confessions. Ngayon, sabihin mo sa akin ang kaibahan."
"They're different people. Isang gago, isang conceited. Magkaiba sila." Kinuha ko yung isang libro at binasa.
"Let me ask you, ano ba talagang na-ireact mo sa sinabi ni Aiden? Di ako naniniwalang wala kang sinabi. Knowing you, sa isip ka madalas mag-react."
BINABASA MO ANG
Dating the Unexpected Guy
أدب المراهقينWhen everything starts with a mistake, will it end also in one? Will two people who met in an unexpected circumstance have an unexpected story? Pero paano kaya kung may nangyare sa nakaraan na napakahirap kalimutan at may mangyayaring hindi inaakala...