Chapter Twenty

51 2 0
                                    

Aivee's POV

It was Monday. Simula na naman ng isang linggo. I remember what happened last Friday. I got drunk and Aiden brought me home.

Hanggang ngayon, naiilang pa rin ako sa kanya. Di lang dahil sa umamin sya. Ang pangit kasing tignan na siya pa ang naghatid sakin. And for sure, may nasabi ako ng kung ano which either offended him or what.

"Huy. Tulala ka dyan. Kopya na." Aiden snapped. Kinuha ko ang ballpen at notebook sa bag ko. Ugh. Bat ba kasi Home Economics ang unang subject ngayon? Boring. Puta.

Going back, dahil di ko alam kung ako na naman ang lumabas sa bibig ko nung isang araw, di ko alam kung pano ko sya pakikitunguhan. I remember everything from the moment I drink up to going home but I can't remember what I said. Weird, right? Ganun kasi talaga ako. I rememeber the before and during of my drinking session. Pero ang sinabi ko after nun, yun ang nabubura.

Dati, nung una akong nakainom, I was with Shannon and Drew. That was three years back. And yeah, minor pa ako nun. But so what? Teenagers at that age even do worse things than drinking. You know what I mean.

Nagising na lang ako bigla na flood ang phone ng messages ni Shannon na puro: Yiee! Crush mo pala si Drew ah! I remembered every detail about that night, naalala ko na naka-limang baso lang ako ng alak then Drew and Shannon brought me home. Drew and Shannon were the last persons I was with before I slept. Pero wala akong naalalang nay sinabi akong ganun. Na-video-han pa nga yun ni Shannon eh, that's why I believed. At dun ko na-discover ang kaweirdohan ko.

Sinong taong nalasing ang maalala pa ang nangyari pero makakalimutan ang mga sinabi nya? What's worse is, secret dapat yun noon. And I'm afraid I did the same to Aiden. Baka kung ano ang nasabi ko sa gagong to.

"Alam mo, di nakakatulong ang pag-iisip ng malalim sa klase." Napatingin ako kay Aiden.

"Oh ngayon? Anong gusto mong gawin ko?"

"Wala naman. Try mo lang makinig. Sayang tuition mo kung di ka nakikinig. Tapos First ka pa sa lagay na yan. Hay nako." Inirapan ko sya. Di ko alam kung nangongonsensya sya o nang-aasar. Baka naman pareho.

"Kelangan na ba kitang palakpakan sa mga sinasabi mo?"

"Alam mo Ms. Tiu, bago mo ganyanin, alamin mo muna ang mga sinabi mo sakin nung isang araw. Tsk." Natigilan ako. Shit.

"Ano bang nasabi ko?"

"Di mo maalala?" Bigla nyang tanong.

"Magtatanong ba ako kung alam ko? Logic, Mr. Domingo."

"Puta. Matapos mo akong di patulugin ng dalawang gabi, di mo pala alam ang sinabi mo sakin. Oh edi wow." What the fuck is this person saying?

"Sabihin mo na kasi. Bwisit."

"Excuse me, Mr. Domingo and Ms. Tiu. May problema ba?" Napatingin ako sa prof namin.

"Wala po, Ma'am." Sagot ko.

"Sabihin nyo lang kung di kayo interesado sa subject ko, you could step out of the room." At ayan na ang sikat na linya ng mga teacher kapag may maingay.

"Sorry, Ma'am." Aiden said. Our prof went to our lesson pero ako, wapakels. Nasa libro na naman yan, and knowing this prof, she's just stating the content of the book.

~~~~~

We have a consecutive free cut. Thank God our English profs have a seminar. Wala ako sa wisyo na magsulat ng essays and the like. Wala si Shannon, sya kasi ang student representative for that seminar. For short, medyo tahimik ang buhay ko ngayon.

Dating the Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon