Chapter Two

122 3 0
                                    

Aiden's POV

When I remember what happened earlier this morning, I can't help but smile. Di lang naman yung kaway-kaway part pero pati na rin yung mga babaeng pinag-chichismisan ako-- well, kami kanina sa cafeteria ni Olive. Sya yung humalik sakin kaninang umaga. She was the one I am waving at.

Naalala ko pa kanina, yung nga reaction ng mga babae pagkapasok ko sa cafeteria. Tsk. Kaya ayokong mag-transfer pero ano pa bang nagagawa ko? Si Kuya na ang nag-decide. I can turn down anyone's desicion except him. He made me what I am now. All thanks to him.

Ohh.. Aiden Matthew Domingo nga pala. Senior and taking up Accountancy. Mukha man akong walang alam pero may ibubuga naman ako. Trust me when it comes to Mathematics, that's my forte. Kaso pag Social Studies na, pass.

I was walking home nang may kumapit sa braso ko. Tinignan ko yung babae, and it's Olive once again. Di ko sya girlfriend, nililinaw ko lang. Anak sya ng ka-partner ng daddy ko sa business. Ang ama ko ay isang architect at ang tatay nya naman ay isang engineer. They have done a couple of projects now. At successful naman ang mga yun.

"How's your first day?" Tanong nya bigla.

"The usual boring day." Kahet na may nangyareng nakakatawa kaninang umaga. It's not actually boring. And that suprised me, di ako na-boringan sa unang araw ng klase. That girl entertained me well enough.

"I've heard pinag-uusapan ka na daw."

"And so? Bayaan mo sila. Nosy people." Nung makarating kami sa tapat ng bahay ko, I bid her goodbye and she walked away. That was a relief.

Yung mga estudyanteng nag-chichismisan kanina, sinasabing girlfriend ko daw si Olive. Natawa na lang ako. Oo, siguro nga maganda sya, matangkad at mayaman. But she's not my type. Ewan ko ha.

Pagkapasok ko, sumalubong sakin si Kuya.

"Oh, andyan ka na pala!" Bigla syang napatigil ng biglang mag-ring ang phone nya. Sinenyasan nya ako na maghintay at tumango lang ako

"Sundo?.. Eh.. Gala?.. Naman o.. Ngayon na nga lang-- Ugh. Fine.. Wait for me." Nakasimangot nyang binaba ang phone nya.

"Ano yun?"

"Tsk. Ang magaling kong girlfriend, nagpapasundo. Hay buhay." Napakamot sya sa batok nya.

"Kaya ayokong magka-girlfriend eh." Naiiling na sabi ko.

"Tsk. Sinasabi mo lang yan. Alis muna ako." Paalam nya. Dumiretso ako sa kwarto para magpalit. Tinext ko si Brent na gusto kong pumunta sa kung saan at syempre um-oo ang loko.

Umalis na ako at agad na pumunta sa resto bar. Buti na lang at malapit lang yun sa bahay at kayang lakarin.

"Bro!" Bungad sakin ni Brent pagka-kita nya sakin.

"Aga mo ata." Bigla nya akong binatukan.

"What was that for?!" Napahawak ako sa ulo ko.

"Naks. Yan ba ang epekto ng paglilipat ng school? Tsk." Bestfriend ko yan. Si Neil Brent Martino. Nagdadrama yan. Iniwan ko daw kase sya.

"Psh. Alam mo namang di ako makaka-hindi kay Kuya."

"Alam ko. Kaya ilibre mo na lang ako." Nakangiting sabi nya. And the usual Brent is back. He ordered fries, hamburger, spaghetti, and rootbeer. Sa kanya lang lahat yun. Imba talaga tong lalaking to.

"Galing ka ba sa gyera at utom na gutom ka?" Pinapanood ko lang sya kumain. Pera ko kase yan, sayang naman kung di ko eenjoying panoorin.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Sa school lang ako galing. Gutom ka rin ba? Gusto mo rin ba ng fries?" Napailing na lang ako. Di talaga ata nya matutunan ang salitang sarcasm. Naknang.

Dating the Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon