Chapter Four (Part Two)

84 2 0
                                    

Aiden's POV

"Let go off her, asshole." Yan yung sinabi ko nang makita ko si Aivee. Fuck, ang bilis namang gumalaw ng siraulong yun! Parang saglit lang ako nawala ah.

"Ano ka ba nya? Kaibigan? Kung maka-asta ka naman! Wag kang magmalinis dyan."

"I'm her boyfriend. Kaya bitawan mo sya." Nakita kong nanlaki ang mata ni Aivee.

"Ohh.. Edi ipahiram muna sakin ang girlfriend mo." And there, I lost it. Sinuntok ko yung lalaki. I heard him cursed but I quickly held Aivee's hand and we ran together.

"Teka! Aiden!" Tumigil sya at tinanggal yung stilletos nya. Kumunot ang noo ko sa ginawa nya.

"What? Mahirap tumakbo pag naka-heels, noh?" Hinawakan nya ang kamay ko. "Tara na." At ayun, sya naman ang hinila sakin.

Tumakbo kami hanggang sa makarating kami sa labas ng venue. Nalagpasan na nga namin yung parking lot eh.

"Hoo! Kapagod!" Tumigil kami. Agad nyang tinanggal yung pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Sorry!" Nanlaki ang mata ko nang tanggalin nya yung zipper ng dress nya.

"Hoy! Anong ginagawa mo dyan?!" Natawa na lang sya.

"Luh. Green-minded." Nagulat ako nang pagkatanggal nya, naka-tank top sya at maong shorts.

"Plano ko talagang tumakas sa party na yun. Nakita na naman ni Kuya na pumunta ako. Okay na yun." Nilagay nya dun sa bag nya yung natuping dress nya. Sinuot na rin uli yung stilletos nya.

"May plano kang isama ako sa pagtakas mo?" Out of nowhere kong tanong. Naglalakad kase kami. Though, di ko alam kung saan kami eksakto papunta.

"Sa totoo lang, nakalimutan kita. Di ka kasama sa plano at ang plano ko talaga maya-maya pa ako tatakas. Kaso yun na yung tyempo eh." Umupo muna kami dun sa may gilid ng kalsada.

"So kung di pa nangyare yung sa kanina, di mo ako isasama sa pagtakas mo?" Napatingin sya sakin.

"Siguro. But anyways, thank you nga pala. Though, ang tagal mong dumating ah." Ay may nakalimutan ako!

"Oh. Buti na lang pinaalala mo yan." I handed her the box. Yun yung binalikan ko sa kotse kanina.

"Ano to?" I smirked. Pinabili ko yun kay Kuya nung isang araw. It's a pair of black earrings na ang shape ay sun.

"Tignan mo na lang kaya?" She opened the box.

"Para san naman to?" Napatingin ako sa kanya.

"Regalo? Kase.. Wala lang." Nakita ko na sinuot nya agad yun.

"Thanks kahet wala kang matinong paliwanag para dito." I saw her smile. Sa totoo lang, di ko rin alam kung bat ako nagpabili nun. Remembrance? Maybe.

"Hoo! Bat ba kase tank top ang sinuot ko? Aish. Bobo." Napakamot sya ng ulo. Tinanggal ko yung coat ko at binigay sa kanya. Kinuha naman yun agad.

"Bat ba ang baet mo ngayon?" Tanong nya.

"Kase sa umpisa pa lang naman, di na ako masama. Ikaw lang nag-iisp nun." Iniwas nya yung tingin nya sakin.

"Boo. Talo." Natatawa kong sabi.

"Gutom ka na? Treat ko. Dali!" Hinila nya ako patayo. I think she's changing the topic.

"May pera ka?" Hinampas nya ako.

"Grabe ka! Ganun ba talaga kahirap tingin mo sakin?" Natatawang sabi nya.

"San ba?" Tanong ko.

"Kumakain ka naman sa karinderya diba?"

"So.. Ganun ba talaga ka-ignorante ang tingin mo sakin?"

Dating the Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon