Shannon's POV
Tapos na ang paghihirap! Back to normal na next week. Wooh! Buti naman! Agad akong lumapit kay Aivee pagkatapos kong ayusin ang gamit ko.
"Gala tayo." Pag-aaya ko kay Aivee.
"Nah. I need fuckin' sleep. Yung gago o yung manliligaw mo na lang isama mo."
"Heard my codename. Anong meron?" Sabat ni Aiden.
"Buti alam mo na ang tawag ko sayo. Tanong mo dyan sa gustong gumala. Aalis na ako." Aivee waved at me and made her way out.
"Problema nun?" Umiling ako.
"Wala. Ganun talaga yun. Pagkatapos ng exams, makakatulog na lang bigla at di na magigising. Mga labing-dalawang oras yun matutulog at kapag nabulabog sya, lagot ang may sala." Natawa sya. Yeah. Aivee's weird habits are funny.
"Seryoso? Weirdo pala yung babaeng yun eh. Anyways, may lakad kaso kami ni Kuya ngayon. Si Brent na lang isama mo. Sorry ah." I nodded. Di naman nya ako responsibildad diba?
"Ah. Sige. Bye." He bid me goodbye at umalis na rin sya.
I called Brent at di sya sumagot. Psh. Baka may klase pa. I decided to take a cab to Monreith University.
Pagkadating ko dun, walang katao-tao. Mukhang may klase pa nga. Umupo ako sa lobby nila. I glanced at my clock, 3:21 na pala. Medyo malayo kasi ang Fuentabella Academy sa Monreith University. Though, halos lagi kaming tambay dito ni Aivee dahil nga may Drew noon, at ngayon, nagbabalik na naman ang lalaking yun.
I texted Brent to tell him that I'm here at his school. Mamaya kasi magulat sya.
Kinuha ko muna ang libro ko sa Ethics, just to check if I got answers correct. Dun kasi ako kinakabahan, pinetiks ko pa naman yun kagabi. Tapos ang hirap ng exam kanina dun.
"Shannon." Napatingin aksa lalaking bagong dating. Si Brent. Tinago ko ang libro ko sa bag ko.
"Oh. Tapos na klase mo?" Umiling sya. Wag nyong sabihing nag-cut na naman sya?!
"Don't tell me.." Tumango sya at hinila ako papunta sa di ko alam kung saan.
"Hay nako. Dahil sayo, nasasanay na akong mag-cut." Nakarating kami sa likod ng campus nila.
"Wag mo akong sisihin. Wala naman akong sinabing mag-cut ka eh. You have you own free will, stupid."
"Ayaw kitang maghintay. Tsk. Akyat." Tinuro nya yung bakod na di naman gaano kataas but still..
"Ano?! Naka-palda ako! Gago!" Napakamot sya sa batok nya. Di nag-iisip eh.
"Plan B." At ayun, hinila nya ako uli. Inalis nya ang isang pot ng halaman at nakakita ako ng daanan.
"Wow. Tsk. Expert ka na ba talaga dito?" Sabi ko habang lumulusot sa medyo maliit na daanan.
"No. Actually, pangalawa pa lang to. Pero alam ko ang mga daang to dahil kay Aiden." Napailing ako. Tsk gago talaga eh.
"Pa-saan ka ba?" Tanong nya habang naglalakad kami.
"Di ko alam. Gusto ko lang gumala."
"Gala? Nakakasawa sa mall. Ah. May alam akong lugar. Di ko lang alam kung mag-eenjoy ka pero tara?" San naman kaya yun?
"Yeah. Kahit saan basta ihahatid mo ako." Natawa sya at tumango.
Sumakay kami ng tricycle.
"Saan tayo papunta?" He smiled.
"My favorite place when I was a kid."
"Dito na lang po. Salamat." Nagbayad sya at bumaba na kami.
BINABASA MO ANG
Dating the Unexpected Guy
Novela JuvenilWhen everything starts with a mistake, will it end also in one? Will two people who met in an unexpected circumstance have an unexpected story? Pero paano kaya kung may nangyare sa nakaraan na napakahirap kalimutan at may mangyayaring hindi inaakala...