Chapter Thirty One

52 2 0
                                    

Shannon's POV

Tapos na ang exams! Mabuti naman. After fuckin' five months, sembreak na! At last, rest for school shits.

Pero di talaga ako maka-get over. Ang sakit talaga sa ulo nung test sa Trigonometry. Curse whoever invented those shits. Grabe, ang sarap punitin ng papel.

"Hay salamat. Tapos na." Aiden looked really stressed. Knowing him, he takes exams light pero iba ngayon. Ngayon ko lang syang nakita na ganto ka-seryoso sa exams.

"Hibernation time." Natawa ako sa sinabi ni Aivee. Matutulog na naman to buong magdamag at bawal na namang gambalain. Weird habits don't really die.

"Magpalit ka muna ng damit bago ka matulog. Mamaya mag-hibernate ka nang naka-uniform. Tsk." Payo ko sa kanya pero inirapan nya lang ako. Bastos talaga tong babaeng to.

"Hoy, yung sinabi mo sakin ah. Wag mong kakalimutan!" I wonder what is Aiden talking about.

"Oo na. Oo na. Ihatid mo na ako. Inaantok na ako. Puta."

"Susunduin ka ba ni Brent?" Biglang tanong ni Aiden sakin.

"Yeap. May pupuntahan daw kami." Tumango-tango sya.

"Mag-ingat ka, sis. Bye." Aivee gave me a hug.

"Ge. Bye, syota ni Martino." I waved at them to bid goodbye. Napangiti ako sa kanilang dalawa, di man nila alam, para silang perfect match. Yung tipong pag nakita mo, alam mo nang sila.

"Tara na?" Napatingin ako sa lalaking naka-motorsiklo. Jusmiyo. Para syang kabute.

"Nyeta. Sulpot ka ng sulpot." I wore my yellow helmet and ride on his bike.

"Kesa naman di ako dumating diba? Wag ka nang mag-reklamo, kumapit ka na lang." I placed my arms around his waist. Bat kaya bad mood to? Baka nahirapan sya sa exams. Tsk. Yan kasi, laging pumupunta sa bahay at nakiki-tambay.

"Anong problema mo?" Tanong ko pero umiling sya. Sakin pa talaga sya nag-sinungaling.

"Meron eh. Sabihin mo na." Di nya ako sinagot at binilisan na lang nya ang pagpapatakbo ng motor.

~~~~~

After a few minutes, we ended up being on a park with cans of softdrinks at hand. Di ko akalain may nakatago syang inumin sa compartment ng motor nya. It's kinda weird though, that we're all alone here. Wala ni isang tao.

Pareho kaming nakasakay sa swing. Medyo di nga lang ako kumportable sa skirt ko. Di na kasi ako nagpatahi ng uniform dahil last year na pero di ko akalaing ganto ka-iksi na. Aish. Hassle.

"Anong problema mo? May nangyari ba?" He stood up first and remove his jacket. Nilagay nya iyon sa paanan ko.

"Thanks." I muttered and he went back to the swing. Pagkatapos nyang makaupo, di na naman sya umimik. Nakakapanibago naman ang lalaking to.

"Hey, I'm trying to help here. Sagutin mo naman ako oh." Napatingin sya sa direksyon ko at nagpilit ngumiti.

"Okay lang ako. Ano ka ba?" He looked away. Binatukan ko sya.

"Hoy, Martino. Wag ka ngang mag-drama dyan. Seryoso kasi.. Anong meron? Mahirap ba yung tests o ano? Girlfriend mo ako, hello?" Inilapag nya ang lata ng softdrink sa lupa at tumayo. Pumunta sya sa bandang likuran ko at marahang tinulak ang swing na kinakaupuan ko.

"Seriously, Martino? Di ka na ba marunong magsali--"

"Shhh.. I'm thinking." I heard him say in a serious tone. Napatingin ako sa taas and I saw an orange sky. Kaka-sunset pa lang kasi.

Dating the Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon