Chapter Three

91 2 2
                                    

Aivee's POV

It had been three days mula nung pumasok kami uli. Bukas na yung party and guess what? Wala pa akong kasama. Tsk. Magso-solo flight na lang siguro ako bukas.

Aish. Umagang-umaga yang lecheng party na yan ang pinoproblema ko. Bat ba kase required ang may date? Hello, di naman lahat ng in-invite nila from the business world ay kasal na o may boyfriend/girlfriend. Oo, 20 na ako pero NBSB pa rin ako. Yeah, NBSB ako pero naramdaman ko nang ma-brokenhearted. Weird ba? Well, galing kase nung gagong yun eh.

"Aish. Pano na ba ako bukas?!" Sigaw ko habang sinusubsob ang ulo ko sa desk. Wala pa namang tao since maaga pa.

"Tsk. Manghila ka na lang kaya ng kung sino diba?" Suggestion ni Shannon. Napatingin naman ako sa kanya.

"At sino namang kakaladkarin ko dun, aber?" She motioned me to get closer which I did.

"Edi yung katabi mo. Siguro naman pwede na yang pagmumukhang yan dun."

"HELL NO!" Napatingin sakin yung lalaking bwisit na hanggang ngayon di ko kinakausap at wala akong planong kausapin sya, ever!

"Arte mo naman! Alam mo, okay na yan kesa wala kang baon for one whole month." Sabi ni Shannon habang kinakalikot ang phone nya.

"Mas gugustuhin ko pang mamatay sa gutom kesa may makasamang bwisit ng apat na oras!"

"Sus. Hello? Ilang oras ka ba sa eskwelahan? Diba sobra pa sa apat? Pero nakakaya mo naman diba?" She has a point. Pero kase.. Nakakahiya kaya.

"Alam mo ka---" Di ko na natuloy ang sinasabi ko dahil nag-call na ng attention para sa Flag Ceremony.

Hay, ano nang gagawin ko ngayon?

Pride o baon?

Shannon's POV

I can sense na sobrang problema na ang bruha sa party bukas. Di ko sasabihin na kasama din kami ng pamilya ko sa party na yun. Kase for sure, magpapakampante na yan at magso-solo flight na yan dahil alam nyang may pwede syang samahan.

Shannon Marie Lagdameo is my name. At ako ang dakilang bestfriend ni Aivee. Well, yun lang naman siguro ang kelangan nyong malaman. Nothing more and nothing less.

Absent yung prof namin so considered na free time ang one and a half hour. Perks of being a college student.

Nakaupo kami ni Aivee sa sahig ngayon. Magkatapat kami pero magkatinginan lang kami. Alam ko namang wala pa yan sa wisyo eh. Actually, mukha syang high school student na balak mag-confess ng feelings sa crush nya. Yung tipong tulala tas parang di nakatulog sa kaiisip.

"Hey. Tama na nga yang pag-iisip mo sa date na yan. Para kang tanga dyan." I commented. Tinignan nya ako ng masama.

"Eh sa nakakatanga naman talaga. Grabe naman kase bigla-bigla tong si Kuya. Okay lang sa kanya kase pag CEO, okay lang walang kasama pero yung invited lang, yun ang kelangang may date. Naknang. Nakaka-stress!" Natawa ako ng palihim. Tuwing test week ko lang kase syang nakikitang nagkakaganyan.

"Buti nga, nakakaya ng Kuya mo yun eh. It's a big company. You know that's it's very hard to handle, right? Bayaan mo na sya. Samahan mo na lang muna."

"Siguradong ma-oout of place lang naman ako dun eh." Napailing na lang ako. Ganyan kase yan. Overthinker. Lahat na lang ng bagay, masyado nyang pinag-iisipan.

"Stop this now, Aivee. Alam mo, go and ask him." Bulong ko sa kanya. I glanced at Aiden. Naka-earphones sya at may hawak syang libro ng.. Err.. Mathematics. Allergic ako dyan eh. Kidding.

Dating the Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon