Shannon's POV
Ugh. Lecheng hang-over yan. Ang sakit ng ulo ko. Sanay akong uminom kaso mukhang napadami talaga ang nainom ko kagabi. Unlike Aivee, kapag nakakainom ako, nakakalimutan ko lahat ng detalye. Though, kapag si Aivee naman ang nalasing, she'll tell all the things she hide.
Agad akong bumangon kahet ang sakit ng ulo ko. Sana may gamot sa baba. Tsk. Siguradong papagalitan na naman ako ng mga tao sa baha-- Wait. Speaking of bahay, paano ako nakauwi? Inumpog ko yung ulo ko sa gilid ng pinto ng banyo.
"Aish. Ano ba nangyare kagabi?" Tanong ko sa sarili ko. I shook my head and took a bath.
Pagkatapos nun, nagsuot ako ng pambahay. Wala naman akong lakad ngayon. For sure, my parents are not around again. Maybe business or personal issue. And I don't care. Bahala sila.
Bakit malayo ang loob ko sa kanila? Kasi wala naman silang paki sakin. For them, giving the expensive things will be okay. Kumbaga, yun na yun. No more personal attachments and maybe that's the reason kung bakit di ako nakikipag-kaibigan sa ibang tao.
Yes, I do talk with other people but it doesn't mean I befriend them. Ganun naman yun diba? Nakikipag-usap ka sa iba pero iilan lang yung taong talagang pinagsasabihan mo ng sikreto o kung ano man. The others are just people we socialize with.
Bumaba ako sa kusina. Day-off ang mga kasambahay and that means.. I have to cook my own food. Every Saturday is a Hell Day for me. Di naman kase ako marunong magluto. I can do frying but that's it. Kaya minsan, when I have an extra allowance, nagpapa-deliver na lang ako. Kaso ngayon.. Wala akong extrang allowance dahil kakapasok pa lang naman namin.
"Argh. Fuck. Wala naman palang lulutuin!" Sinarado ko yung refrigerator. Walamg kwenta. Ang laki-laki pero walang laman. Tsk.
Umakyat ako at nagbihis. Mukhang makikikain na naman ako sa mga Tiu. Hay buhay. Nagpalit uli ako ng damit. Kinuha ko yung wallet ko at nilock na lahat ng pinto sa bahay. Kaso pagkabukas ko ng pinto..
"Hi!" Bungad nya sakin. What the? Actually, it's not that early. 11:24 na nga eh pero anong ginagawa nya dito?
"Anong ginagawa mo dito, Brent?" Yup. Si Brent ang sumalubong sakin kanina.
"Wala lang. I brought some Chinese takeouts. Gusto mo?" Ohemgee! FOOD!!
"Dapat sinabi mo agad na may pagkain ka. Tsk." I open the door wide enough for him to enter.
"Mukhang pagkain ka pala." Hinampas ko yung braso nya. Di naman ako yung tipong Feeling Close pero ewan ko ba, pagdating kina Brent at Aiden, lumalabas ang kadaldalan ko. It's unusual because as I've said, I only socialize but I don't befriend them.
"Eh walang pagkain tapos wala pang magluluto at walang lulutuin." Natawa sya habang ako, inaayos ko yung mga plato.
"Why? Day-off ang mga kasambahay?" I nodded.
"That's why. Now I understand. Di ko alam kung trip mo yan. Binili ko lang yan sa dinaanan ko kanina."
"Sanay ako sa Chinese food. Mahilig magluto si Kuya Andrew nyan." After I finished arranging everything, umupo na ako sa harap nya.
"Teka.. May Kuya ka?" Natawa ako at umiling.
"That's Aivee's older brother. Half Chinese kasi sila, in case you don't know." Ohh. I think ngayon lang nya nalaman yun ah.
"Anyways, thank you for bringing this." Sabi ko sabay kain ng siomai.
"Ngayon ka pa lang ba kakain?" He was focusing on the asado while I eat most of the dimsums. Madami kase syang dinala.
BINABASA MO ANG
Dating the Unexpected Guy
Teen FictionWhen everything starts with a mistake, will it end also in one? Will two people who met in an unexpected circumstance have an unexpected story? Pero paano kaya kung may nangyare sa nakaraan na napakahirap kalimutan at may mangyayaring hindi inaakala...