Chapter Eight

66 2 0
                                    

Maxene's POV

I am Maxene Loise Enrique. Girlfriend ni Drew Irvin Domingo. Transferee ako mula sa Monreith University. Kasabay kong lumipat si Aiden, kakambal ni Drew. Mas matanda nga lang si Drew ng ilang minuto.

Andito kami ni Drew sa mall kahet na Monday ngayon. We cut classes often just to meet.

"Max, may gusto kang puntahan?" Napatingin ako kay Drew.

"Gusto ko ng milk tea." He nodded. I held his hand tight.

"Why?" He asked. Napatingin ako sa kanya.

"Ha? Wala." Honestly, may problema ako. Aivee, his past. Though di naging sila ay threat pa rin sya sakin. Kahet alam kong di nya ako iiwan, kelangan kong magpaka-sigurado.

I know Aivee is not as strong as I think but still, I want to give her the benefit of not knowing her well. Good thing, may Aiden na umaaligid sa kanya. In that way, I can say she's a little distracted.

Pero nung isang araw, habang magkasama kami ni Drew sa mall, nakita namin si Aivee at sinundan sya ni Drew ng tingin. That brought our first quarrel after some years.

Mula noon, mas naging madalas na ang pag-aaway namin.

"Huy, ano sayo?" Nabalik ako sa reyalidad.

"Ha? Uhm, wintermelon milk tea. 75% sweetness." I mouthed a sorry to Drew. He just smiled. Umupo kami sa nag-iisang bakanteng lamesa doon. Madami ng tao.

"Musta ang bagong school? Met new friends?"

"Nope. I don't befriend anyone there." Kumunot ang noo nya.

"Bakit naman?"

"What? I don't need them. Ayokong makarinig ng drama o kung ano man. Besides, maiksi rin lang naman ang panahon ko sa eskwelahan na yan." I saw him nod, alam kong gets na naman nya ang ibig kong sabihin.

"I've heard malapit na exams nyo ah. You shouldn't have cut classes today." I really don't care about exams. Si Drew lang naman ang nagpupush sakin para mag-aral.

"Next next week pa naman. Kaya yan." Our milk teas were served.

"Hay, yan ka na naman eh. Senior ka na pinapaalala ko lang." I took a sip. Ayan na naman sya.

"I know. You don't have to repeat it all over again."

"Max, gusto ko lang maging maayos grades mo."

"Okay. Then, ikaw ang mag-aral."

"Max, don't you think it's important? Para sayo ba laro lang ang pag-aaral? You should have not studied if that's the case." That's it. I stood up and got my things.

"I'm tired of hearing those. Wag kang umasta bilang magulang ko. Please lang. Kaya ako nagca-cut ay para mawala ang atensyon ko dun pero andito ka nga at kasama ko pero pinapaalala mo sakin na may kelangan pa akong gawin. Drew naman!" I walked out. Puro na lang aral ang nasa utak nya. Hello! Andito girlfriend nya! Bwiset!

I just decided to walk around the mall alone. Tsk. Nakakabanas minsan yung lalaking yun. Di ako nag-boyfriend para may talking organizer ako.

Sometimes, I think that his maturity is going overboard. Oo, Senior na kami pero minsan naman, we have to leave our student side. Di naman kase habang buhay estudyante kami. And in months time, tapos na ang buhay-estudyante namin.

Nang maubos ko ang milk tea ko, I looked for a trash bin kaso wala akong makita kaya inikot ko ang buong 4th floor. And luckily, I found one beside the escalator.

Dating the Unexpected GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon