Kanina pa ako naiinis. Nagsisimula na namang magalit at magbunganga ang girlfriend ko. Hindi pa rin matanggap na lalakad ako kasama ng tropa at hindi siya.
"Nasaan na kayo? Bakit ang tagal ninyo? Gardenit! Filipino time talaga kayo!" Bulyaw ni JN sa kausap sa telepono sa bandang roon.
At ito na nga, tumawag na rin ang napakaselosa kong girlfriend.
“Ano ba? Ito na naman ba pag-aawayan natin?! Tutuloy na nga kami. Wala nga kaming kasama na babae. Bakit ba praning ka na naman?!” singhal ko sa kausap. Hindi ko na mapigilan ang inis.
Narinig ko namang tinatawag na ulit ang flight papuntang Palawan at pangatlong beses na iyon.
"Huy. Ano? Iinjanin mo rin ako?" Tawag sakin ni JN habang tumitipa pa ako sa aking telepono para sa huling mensahe sa aking girlfriend bago magtake-off.
"Anong nangyari, nasaan daw sila?" Inosenteng tanong ko pagkatapos isilid sa bulsa ang telepono.
"Mga gago 'yon. Ang titino kausap! Tutuloy pa ba tayo?" Napahinto naman siya at lumingon sa akin sandali.
"Eh nandito na tayo. Kung di naman pala sila nagpabook at pinagkaisahan lang tayo eh di ituloy na natin ito." Tugon ko. Bagamat masama pa ang timpla ko ngayon ay hindi ko pinahalata sa kasama.
"Ew. Kadiri. Gayness. Hahaha. Sana pala yung girlfriend ko na lang ang sinama ko dito. Hmf! "
Hindi na lang ako sumagot. Mas gusto ko nga iyon, para sana matahimik ang mundo ko kahit saglit. Napansin ko namang medyo marami-rami na rin ang tao. Pasakay na kami ngayon sa eroplano.
"Sino ba namang hindi gumusto noon? Wala eh. Wala, wasak na ang tropa. Minsan na nga lang ulit magsama sama na wala raw girlfriend na kasama, manloloko pa!" Usisa ko sa kanya nang makaupo na ng komportable.
Umiling lang siya. Minsan na nga lang ang tropa magkita kita dahil may mga trabaho na, tapos mga gunggong pa iyong lima. Naghahalo halo na tuloy ang inis ko. Itutulog ko na lang ito.
***
Hindi ko namalayan agad na nasa airport na pala kami ngayon ng Palawan. Ito ang unang beses ko makasakay ng eroplano. Kahit na ilang beses na akong nadestino sa malalayong lugar sa Pilipinas ay puro barko lang ang alam ko, dahil na rin siguro sa trabaho kong pagdedesenyo nito.So sumakay na kami ng multicab. Nagpadala sa agos ng karamihan ng tao patungo sa sinasabi nilang “kabayanan”. Medyo bahala na.
Pag-on ko ng aking telepono, bumungad ang text ni Jaren na agad kong sinabi kay JN, "Sa Payuyo Pension House daw tayo tumuloy, huwag na sa hotel. Kadiri naman talaga."
At tumawa naman siya sabay sabing, "Ayoko na. Pwede bang umuwi na?"
"Ngayon pa?!" At nairapan ko siya kahit na hindi iyon para sa kanya kundi sa girlfriend kong tinotoyo na naman.
Huminto naman ang aming sinasakyan sa isang hindi pamilyar na lugar. Syempre, hindi talaga namin alam. Nagkayayaan lang ang tropa noong highschool na dito magaganap ang munting reunion. Rush pa nga iyon kasi nagpapromo bigla ng discount sa pamasahe. Hindi naman namin alam na hindi pala nagpabook iyong lima.
Naiinis na talaga ako pero hindi ko matiis kundi suyuin. Hindi naman sa pagyayabang pero pang-anim ko na itong girlfriend. Kahit na napakatoxic na minsan, tinitiis ko na lang dahil tumatanda na rin kami, gusto ko last na ‘to.
"Medyo malayo iyon dito. Pero ayun, sakay kayo sa tricycle at pahatid kayo roon." Sagot kay JN ng isang tindera ng mais sa may sidewalk, sa tapat ng gate ng isang malaking school, nang tanungin ang direksyon patungo sa sinasabing Payuyo pension house.
"Ano naman daw ang pinagkaiba ng Payuyo sa hotel?" Bigla kong basag sa katahimikan na parang hindi man lang pinag-isipan.
"Aba malay ko?", sagot naman ni JN. "Payuyo? Baka house sa hotel?"
"Gano'n din iyon." At muli ibinaling ko na lang ang atensyon sa aking telepono.
Huminto na ang tricycle at hindi naman masakit sa bulsa ang bayad naming sampung piso.
Nakatayo na kami ngayon sa tapat ng isang house . . pension house . . Payuyo pension house . . Payuyo pension . . Payuyo. Basta! Mukha nga siyang bahay! Na two-storey? Na may bukas na gate. Pero sarado iyong pinto.
Kabadong nakatayo, nagdadalwang isip pa kung kakatok.

BINABASA MO ANG
For the Second Time
AdventurePara sa proud na nakamove- on. Para sa hindi pa rin makamove- on- move- on. Para sa nagkukunyari lang na nakamove on or nagmomove on. At para sa nag-aakalang nakamove-on na matapos ang mahabang panahon. Highest ranking as of 01/08/2021 🏆8 in #secon...