Chapter 9

33 2 0
                                    

Nagising ako nang huminto kami sa isang lugar. Akala ko nandoon na kami sa pupuntahan namin pero nabasa ko sa labas Buenavista View Deck.

Bumaba lahat ng sakay ng van kaya napilitan na rin ako. Medyo nawala naman na ang sakit ng ulo ko.

Napag-alaman kong dito pala talaga nag i-stop over ang mga turistang pumupunta sa underground river para sandaling mamahinga.

May maliit na tindahan doon, bilihan ng mga souvenirs at pagkaing produkto ng Palawan. Sa taas naman ay ang view deck kung saan matatanaw ang ilang mga pulo.

Sandali lang kami doon at balik byahe na ulit. At syempre, ano pa nga ba, matutulog lang ulit ako. Damang dama ko na ang hirap ng liko liko at mababatong daan na mas nakakasakit ng ulo ko.

Nang muli akong magising ay natatanaw ko na ang dagat sa banda roon. Brgy. Sabang, Puerto Princesa iyong nabasa ko sa may waiting shed doon. Marami rami rin kaming kasabay na bibisita. At sobrang tindi na ng sikat ng araw.

"Nagugutom na  ba kayo? Pwede raw tayong kumain muna habang naghihintay sa mga susundong bangka." Tawag ni Aliyah pagkatapos kumuha ng litrato sa may aking harapan.

Naging magaan naman ang aming usapan habang nagtatanghalian sa isa sa mga kainan. Nagkukwentuhan kami ng mga kung anu-anong bagay at tungkol sa lugar na aming kinatatayuan.

"Aba ayos ka dre ah!" Bulyaw ko kay Din nang bigla na lang inagaw ang bote ng mineral water kong bitbit at tinungga lahat ng laman.

"Salamat dre ha. Bili ka na lang ulit." Natatawa niyang sagot sa akin at itinutok pa sa aking dibdib ang wala ng laman na bote.

"Oy ano yan? Mag-aaway na naman kayo?" Sita naman sa amin ni Aliyah sa di kalayuan.

Natawa ako kaya hinawakan ko ng mahigpit ang damit ni Din sa may dibdib. Gumanti naman siya at sinuntok ako ng marahan sa kanang balikat.

Akala ko ay sasawayin pa kami ni Aliyah pero tumalikod na sya at naglalakad papalayo, papunta sa may mga nagbibilad ng pinatuyong isda. Okay, wala na talaga syang pakialam.

Panay pa rin ang picture niya at tahimik lang namin siyang pinapanood ni Din sa may shed. Minsan pa ay magkukunwari kaming nagsusuntukan ni Din at naghahampasan kami ng bote ng tubig. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Unti unting bumabalik ang tropa kong si Din.

Muli naman kaming nagkabanggaan ni Din nang sasakay na kami sa bangkang de-motor. Aalalayan sana namin si Aliyah pero si Manong na alalay yata ng bangkero, nauna pang maka-da-moves. Wala naman kaming magawa kundi tumawa na lang.

At syempre, hindi pa rin doon natapos ng picturan. Tama iyon. Sulitin na lang muna ang bawat sandali.

"Halika dito picture tayo dali!!" Tili ni Aliyah habang tunatakbo takbo papunta doon sa may malaking signboard ng Underground River.

Wala naman kaming magawa kundi sumunod na lang. Napansin kong ang saya saya na niya ngayon. Ang lakas makagood vibes. Hindi na rin mababakas sa mata niya na umiyak siya at nasaktan kagabi lang. Parang ang bilis lang niyang makarecove. Ang bilis naman niyang makamove on.  Akala ko ako na iyong mabilis o si Din dahil nakahanap agad ng kapalit. Pero mas matapang pa rin siya. Kasi nagawa nya iyon ng mag isa at dalawang beses pa. Wala. Gago kasi iyong mga nagmahal sa kanya..

Ilang sandali lang ay nakumpleto na rin kami at naglakad na papasok sa isang parang gubat. Napansin ko pang may mga pangalan na nakadikit sa bawat puno at sadyang nakapreserve ang lugar. Sa di naman kalayuan ay may kubo, at maraming unggoy at bayawak na nagkalat sa paligid. Si Aliyah naman tuwang tuwang nakikipaglaro sa kanila. Parang bata! Nakakain-love tuloy lalo.

"Hindi mo naman first time dito ‘di ba?" Tanong ko kay Aliyah na mas lamang pa ay pinupuna ko sya. Sarkastiko kumbaga.

"Hindi." Tipid niyang sagot habang inilalahad ang kamay sa isang unggoy na nakabitin sa sanga.

"Hindi. Ganito kasi ‘yan, masyado lang nilang namiss ang isa't isa. Diba Aliyah? Hahaha." Singit naman ni Din na tiningnan lang ng masama ng isa.

"Oh ‘yong  dalwa niyo pang nawawalang pinsan oh! Si JN at si Din. Say Hi to them." Ganti naman ni Aliyah bago pa kami nagpatuloy sa paglakad sa pupuntahan.

Muli kaming sumakay ng bangka, pero yung mano-manong sinasagwan. Iisa lang ang bangkero tapos walo ang sakay ng bawat bangka. Naalala ko pang pabulong na nagreklamo sakin si Aliyah dahil bakit daw mababaho yung life jacket na nasusuot niya. Haha.

Nag-unahan pa kami ni Din kung sinong tatabi kay Aliyah, ayan tuloy iyong matabang mukhang Tisoy pa ang nakatabi niya. Muntik muntik ko na ngang itulak iyon e.

Sa totoo lang first time kong makapunta dito kaya di ko na itatangging napahanga ako at natuwa na ring makarating dito. Credits to Aliyah haha dahil siya ang nagpumilit na dito pumunta. At dahil madilim kaya nakaisip pa ako ng kalokohan na pagagawan ko ito ng linya ng kuryente since electrical engineer naman ako. Haha. Tae lang.

Hindi ko na namalayan kung gaano kami katagal doon at kung gaano kalayo ang aming naabot. Masyado akong nawili makinig kay manong bangkero na palabiro at sobrang daldal. May mga trivia at facts pa siyang nalalaman. Pansin ko nga may mga nakaukit na sulat sa mga bato. At walangyang iyon, may umipot pa yata sa ulo ko. Buti na lang nakahard hat kami kundi..masisira pa ang gandang lalaki ko. Hahaha.

"Ito para sayo. Tapos ito para kay Din." Biglang sambit ni Aliyah sabay abot ng bato  na di ko naman maintindihan  ang hugis.

"Parang star ‘to ah. Komento naman ni Din.

"Eh ano ito?" Reklamo ko naman.

"Moon yan. Crescent pa lang." Sagot ni Aliyah na nakangiti pa rin. Kingina. Maiinlove na naman ako lalo nituu..

"Tindi ng imagination a? Saan mo nakuha ‘to?" Muli kong tanong.

"Kasisimot ko lang diyan sa may buhangin, ‘di mo napansin?"

Ah okay. Natatanga na naman ako..

For the Second TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon