Back on the road. Pauwi na kami. And as usual, natulog lang ako buong byahe. Nagising na lang ako nang huminto ang aming van na sinasakyan sa isang 'di pamilyar na lugar.
"Uy, nasaan na tayo?" Panggigising ko kay Din na mahimbing din palang nakatulog.
"Hindi ko rin alam. Aliyah, gising na." Sagot niya. At hala? Hindi na namin alam kung nasaan kami?
Malawak ang lugar at maaliwalas naman ang panahon kahit late afternoon na. Medyo madami ring tao. May mga nagtitinda ng souvenir, nagtitiangge, at nagtitinda ng streetfoods. May mga nagtitinda ng lobo, ice cream. At sa banda roon ay may mga munti ring tindahan at kainan. May iba't ibang klase ng sasakyan, tricycle, multi-cab, motor, at pati bisekleta.
Sa kalalakad namin, napag-alaman din naming nasa isang baywalk na pala kami. Sementado naman ang daan at nakabricks pa nga iyong dike. Tanaw na tanaw ang kalmadang dagat. Ang ganda pala ng view dito. Kasing ganda ng nilalang na natatanaw ko sa may banda roon lang, si Aliyah.
"Oh ano 'yan? Ano ka bata?" Bungad ko sa kaniya nang makalapit siya sa aming kinatatayuan ni Din.
Ang lapad pa naman ng ngiti niya. At mas lalo pa akong kinilig nang sumimangot siya pagkapuna ko sa kaniya.
"Oh hayaan mo na. 'Wag na pigilan kase." Sabat naman ni Din na ikinangiti niya ulit.
Matutuwa na sana ako kaso nakakainis. Napangiti siya ni Din pero sumimangot siya dahil sa akin. Wrong move JN.
"Ganito na lang, manlilibre ako ng barbeque. Pero bato bato pick muna kayo. Kung sinong manalo ililibre ko." Suhestiyon naman ni Aliyah nang maibalik ang good mood nya.
"Sige." Sang-ayon naman agad ni Din.
Magrereklamo pa sana ako kaso... sige na nga. Gawin ba naman kaming mga bata.
Isang bagsak pa lang talo na agad ako. At sa ikalawa at sa ikatlo.
"Oh pano ba 'yan? Dalhin mo muna ito. 'Lika dito Din, libre ko!" Pang aasar ni Aliyah sabay abot sa akin ng lobo na kabibili lang niya kanina. Ayos talaga a.
Naiinggit ako pero pinili ko na lang na 'wag sila panoorin.
Nagdidilim na rin ang langit kaya sabi ko kay Aliyah umuwi na kami. Magbibyahe na ulit kami bukas pa-Maynila. Kailangan na ring magpahinga.
"Parang uulan na. Dito na muna tayo!" Natutuwa pang sambit ni Aliyah.
Sandali namang nanahimik si Din sa isang tabi at may ginagawa sa cellphone niya.
"Sige na. Sulitin na natin 'to. Last na!" Muli pa niyang hirit.
Gusto ko nang mainis pero hindi ko magawa. Bago pa man ako makapagreklamo ulit ay naramdaman ko na ang malalakas na patak ng ulan. Sinusubukan ko lang habaan pa ang pasensya ko. Si Aliyah kasi parang tanga doon sa may gitna, nakatayo at tuwang tuwa pa magpaulan.
Kahit anong inis ang gusto kong maramdaman, natutunaw at natutunaw pa rin ng ngiti nya ang puso ko. Shet! Ang korni ko na.
Magbubukas na sana ako ng payong nang muli niya akong sigawan at pigilan. Nasa isang tabi pa rin si Din pero nakapayong na siya.
Habang lumalakas naman ang ulan ay nagsisimula na ring magsisigaw si Aliyah, nagtatalon pa at nagpaikot-ikot na parang sa tanga, minsan pa'y ngingiti na lang at tatawa. Ang katuwiran niya kase minsan niya lang iyon magagawa sa buong buhay niya. Kaya nga mas lalo ko siyang minamahal. Joke. Minsan lang talaga malakas din ang saltik ng babaeng ito.
"JN!" Sigaw niya habang tumatawa at basang basa na.
Nilapitan ko naman siya at akmang hihilahin ko na pauwi nang ako ang hilahin niya ng malakas palapit sa kaniya. Hindi ko na alam kung nakikita ba iyon o pinapanood ni Din. O baka naman busy siya at nagtetext pa rin sa girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
For the Second Time
AdventurePara sa proud na nakamove- on. Para sa hindi pa rin makamove- on- move- on. Para sa nagkukunyari lang na nakamove on or nagmomove on. At para sa nag-aakalang nakamove-on na matapos ang mahabang panahon. Highest ranking as of 01/08/2021 🏆8 in #secon...