Ngayon ko lang ulit naalala buksan ang telepono ko at ang messages nito. At heto na nga, ang galit na galit nang si Nica.
"Kayong dalawa? Wala kayong balak kumain o bumili?" Tanong samin ni Aliyah habang nakatayo sa may pintuan ng ministop.
Kanina pa kasi kami lakad ng lakad sa bayan ng Puerto Princesa. Tingin ng ganito, ng ganyan. At kung may bibilhin man siya’y kay JN naman niya pinabibitbit.
"Padala naman nito. Salamat!" Sabay abot sa kanya ng paper bag at halos iduro siya pagkatapos ngumiti ng malapad.
Hindi pa ito nakakasagot ay tumalikod na sa kanya at nagsabing "Tara na!”
Sumunod na lang din ako na pangisi-ngisi lang, nakikiramdam.
"Pasukob naman ako sa payong. Balak yata ni Din magpaitim pa lalo eh." pagdedemand ni JN kay Aliyah nang tumigil kami sandali dahil may mga dumadaan pang sasakyan.
Pero wala akong pake. Dahil nababadtrip na naman ako kay Nica. Nauna silang dalawa at ako’y naglakad sa may likuran.
"Gusto niyong sumama? Dito kami bumili ng souvenirs dati eh." Nakakagulat naman. Bigla bigla na lang siyang nagsasalita.
"Hindi ba maaga pa para bumili niyan? Matagal pa naman tayo dito ah." Tanong ko.
"Nagtitingin lang ako. Malay mo." Sagot naman niya habang hinihipo hipo iyong mga kung anu-anong nakadisplay doon.
Nandoon lang kami sa may bungad ng pinto. Nakipag-usap pa nga siya sa tindera at kung anu-anong sinabi at tinanong.
Naakit din naman ako magtingin dahil makukulay ang mga tinitinda nila. Bumili na rin ako ng ilang pasalubong para sa kapatid, mga katrabaho, at oo, sige na nga, para kay Nica.
"May mass yata mamaya. Sunday ngayon 'di ba?" Eto na naman si Aliyah , bigla na lang nagsasalita.
"Paano mo naman nalaman?" Tanong ko pagkahigop ng mainit na sabaw. Nagtatanghalian kasi kami ngayon sa isa sa mga nakahanay na karinderya.
"Kasi dati nagsimba kami ay hapon. Hindi ko lang na matandaan kung saan eh, pero magtatanong tayo." At ngumiti na naman siya!
Tama 'yon. Para naman mabawasan na rin itong mga sama ng loob ko.
Pagtapos namin kumain, naglakad lakad ulit kami ng kaunti. Walang katapusang lakad na naman? Hanggang sa makarating kami sa Mendoza's Park. At tumambay muna kami. Nagkuwentuhan lang kami ng random stuffs - trabaho, kabuhayan, at mga bali-balita tungkol sa iba pa naming kaklase.
Nagtanong kami kung sa may saan ang simbahan at hinatid naman kami ng tricycle. Pero oops, masyadong mabilis ang pangyayari, naunahan ako ni JN makatabi si Aliyah sa biyahe. Pero okay lang dahil narealize kong mas lamang pa rin pala ako sa kanya. 4-3.
Tahimik lang kaming pumasok dahil saktong kasisimula pa lang ng misa. Hindi ganoon karami ang tao kaya nakahanap kami kaagad ng upuan malapit sa unahan. Hindi ko alam kung may nanalo ba saming dalawa ngayon dahil si Aliyah iniwan kami pareho sa likuran niya.
Okay po. Sorry na Lord. Magpapakabait na talaga ako. Focus Din, focus.
Natapos iyong misa at si Aliyah bumili naman ng bibingka at maraming mani doon sa nagtitinda sa may labas ng simbahan at binigyan niya kami ng tig-isa. Naglakad na lang kami pabalik dahil malapit lang naman pala. Bawat magandang tindahan na madaanan namin pinapasukan niya. At minsan pang lumabas sya na may dalang notebook at kulay pink and violet na ballpen.
"Ano 'yan? Mag-aaral ka na naman?" Bungad ko sa kanya.
"Ang cute kaya. Souvenir lang. Sobra naman kayo." Pagtatanggol nya habang inilalagay iyon sa paper bag na hawak ni JN.
Nakauwi na kami sa bahay pagkatapos magtake-out sa jollibee ng spaghetti for dinner dahil nabusog na kami sa kung anu-anong kinain kanina. Spaghetti na naman dahil sa sulsol ni JN, at alam naman ng buong klase ito ang paborito ng tukmol.
Nahiga agad si Aliyah na nagreklamong napagod daw siya. Aba mabuti naman. Akala ko hindi sya nakakaramdam.
"Ano nga kayang nangyari kung natuloy kayong dalawa sa pagsimba noong nasa Ilocos tayo?" Bigla na lang lumabas sa bibig ni JN matapos ang sandaling katahimikan.
"Ano?" Mabilis kong sagot at kumunot ang noo. Alam ko namang ang tinutukoy niya, masyado lang ako nabigla. Hindi rin mangyayari ang first date naming iyon kung hindi rin ipinush ng tropa.
Wala e. Torpe nga kasi ako. Palibhasa unang pag-ibig, corny pa at hindi alam ang gagawin. Lumaban sila noon ni JN ng National Chemistry Quiz Bee sa Ilocos, samantalang ako at ang ilan naming tropa tamang observer lang, asungot. Pero alam na nila no'n na pinopormahan ko na si Aliyah kaya iyon, nakantiyawan, na-set up. Magsisimba sana kaso nagkandaligaw kami at hindi alam ang tamang sasakyan. Nauwi na lang tuloy sa pagkain sa McDo. Akala ko pa nga sasagutin na niya ako noon, sobra akong natataranta, nalilimutan ko na kung paano magpapakagentleman sa kanya.
Oops, medyo napahaba pala ang aking throwback.
"Wala. Biro lang. Affected ka agad." Pagbawi naman ni JN na medyo tumatawa. Si Aliyah naman, tahimik lang na nakahiga.
"Oh, ano na ang plano bukas? Pag-usapan natin yan." Pag-iiba niya ng usapan.
BINABASA MO ANG
For the Second Time
AventuraPara sa proud na nakamove- on. Para sa hindi pa rin makamove- on- move- on. Para sa nagkukunyari lang na nakamove on or nagmomove on. At para sa nag-aakalang nakamove-on na matapos ang mahabang panahon. Highest ranking as of 01/08/2021 🏆8 in #secon...