Chapter 8

29 2 0
                                    

Maaga akong nagising at gayundin si Din. Mahimbing pang natutulog si Aliyah at dahil masyado pa namang maaga, napagpasiyahan namin ni Din na mag l-jogging muna.

Ibang direksyon ang aming tinahak, sa kaliwang gawi ng pension house. Tahimik lang naman kaming tumatakbo takbo hanggang sa makarating kami sa mismong bayan.

Sakto namang kabubukas lang ng isa sa mga kainan kaya sinamantala na namin na makapag-umagahan.

"Teka, saan ka pa pupunta?" Sita ko kay Din nang biglang huminto at nag-iba ng ruta.

"Ibibili ko ng makakain si Aliyah." Mabilis niyang tugon at nagpatuloy na sa paglalakad.

Sumunod naman ako sa kaniya. Hindi ko agad naisip iyon  a.

"Umamin ka nga. May nararamdaman ka pa ba kay Aliyah?" Muli kong tanong sa kaniya habang naglalakad sa may likuran niya.

Hindi ko na mahintay ang isasagot niya. At ikinagulat ko talaga ang muli niyang paghinto at paglingon sa akin.

"Hindi ko na alam. Oo yata." Buong buo na sagot niya na parang hindi man lang nakaramdam ng kaba. At ang bastos na ito, tinalikuran din ako agad agad.

"Pano iyong girlfriend mo?"

Isang malalim na buntong-hininga muna ang aking narining sa kaniya.

"Girlfriend pa rin." Sagot niya na hindi na nag-abala pang humarap sa akin.

Nanahimik na rin ako. Wala na rin akong maisip na sasabihin.

Ilang sandali lang kaming naghintay at handa na rin ang take out para kay Aliyah.

"Ano ‘yan?" Nakakabobong tanong ni Din nang mailapag ko ang isang 100 peso bill sa counter.

Obvious namang pera ‘di ba? At gusto kong ako ang magbayad.

Tatanggi pa sana si Din ngunit nakuha na ng kahera at iniabot sa amin ang binili.

"Tinatapatan mo ba ang gusto kong gawin?" Nanunubok na tanong ni Din habang naghihintay kami ng tricycle pabalik sa pension house.

Hindi pa rin ako umimik at tiningnan ko lang siya sa mata. Hindi pa ba halata? Aba. Kung muling ibalik lang din ang pag-uusapan, bakit hindi ko ito ipaglalaban?

"Pero may girlfriend ka pa rin ‘tol." Muli niyang basag sa sandaling katahimikan.

"‘Wag na nga tayong maglokohan. May girlfriend ka pa rin naman, Din. Patas lang." Hindi patitinag kong sagot.

"Malabo na ang usapan. Magbibreak na rin kami."

"Yung totoo, ilan na ba talaga ang naloko at pinaiyak mong babae?"

Akmang sasagot pa sana si Din nang may huminto na tricycle sa harapan namin. Tahimik naman ang buong byahe. Gising na si Aliyah nang kami'y makabalik.

Nagligo na rin ako at hinayaang mag almusal si Aliyah. Maaga rin kasi ang alis namin para sa Underground River trip.

Shit. Lalo yata akong napapamahal kay Aliyah ngayon. Ilang araw pa lang kaming nagkakasama ulit pero bakit ganito. Lalo pa akong nachachallenge dahil may isang pilit na nakikipagkumpetensya sa akin. Gustong gusto ko pa naman ng ganoon. Nasanay na kasi akong halos lahat ng gusto ko madali kong nakukuha dahil masyadong mabait si Ainah, hindi pakipot at hindi mahigpit sa ibang babae dahil malaki daw ang tiwala nya.

Ngunit sa sandaling ito hindi pa rin siya nagtetext o tumatawag man lang. Hindi ko siya mahagilap at maramdaman. Nalilito na tuloy ako lalo.

*****

Medyo mugto pa rin ang mata ni Aliyah dahil sa pag-iyak kagabi ngunit mabilis itong nawawala dahil sa kangingiti niya simula pa kaninang umaga pagkagising niya.

Naalala ko pa bigla iyong sinabi ng matandang nakaenkwentro namin sa Jolibee. Parang gustong gusto ko na talaga umamin ulit sa kanjya. Paano nga kaya? Bahala na. Huling araw na kasi ito. Babalik na rin kami sa Manila bukas.

"Oh tara na." Masiglang tawag ni Aliyah na nakapagpagising ng diwa ko. Tapos na rin pala silang maghanda ng sarili nila.

"Okay ka na?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa hagdan pababa.

Lumingon siya sa akin. Na ikinatibok ng malakas ng puso ko. "Okay na ako. Okay na okay. Naging okay nga ako. Magiging okay din ulit ako." At ngumiti siya ng malapad. Ngunit di niya maitatanggi sa akin ang namumuong mga luha sa gilid ng mga mata niya.

Kilalang kilala ko na siya. Hindi rin siya magaling magsinungaling. Maraming beses ko na rin siyang nakitang umiyak sa aking harapan mismo, kasalanan ko man o hindi. Iyakin talaga siya. At makahulugan din ang pagkakasabi nyiang Okay lang siya.

"Pero Aliyah..." Hinablot ko ang braso niya at hinila pa palapit sa akin.

"Tama na JN... ‘Wag na ipilit. Mag-move on na lang tayo." Mahinahon at halos pabulong na lang niyang sambit sa akin. Mabilis din niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso at mabilis na tumungo pababa.

Tangina. Muntik na akong maiyak doon a! Mag-move on na lang tayo. Ang sakit pala!

Naghihintay na pala si Din sa baba at nandoon na rin ang tourist van na aming sasakyan. Naunang maupo si Aliyah, sumunod si Din, at ako naman ang pumuwesto sa may malapit sa bintana. Madali kasi akong mahilo kapag sumasakay sa mga ganitong sasakyan, bagay na alam kong kabisadong kabisado na ni Aliyah sa akin.

Nagsimula na ang byahe at panay ang picturan nila. Minsan pa nga'y nagseselfie sina Aliyah at Din. Parang wala lang nangyari kagabi. Este hindi ko pala alam kung ano talaga ang nangyari dahil maaga nga akong natulog. Kilig na kilig na siguro iyong isa dahil akala niya masosolo na niya si Aliyah. Gusto ko tuloy mainggit. Kung alam niya lang kung gaano kasakit mareject ng taong gustong gusto mo. Hindi pa nga ako umaamin ulit, basted na agad ako.

Ang ganda ganda naman ng trabaho ko, isang apply lang tangap agad. Isang take lang ng board exam, pasado agad. Ni minsan hindi ko pa naranasan bumagsak noong college. Ngayon lang talaga ako nareject at nag-fail ng ganito. At si Aliyah lang ang nakagawa ng ganito.

Hindi ko man siguro naramdaman ang sakit 7 years ago noong mapagtripan ko na lang siya. Eto na ako ngayon, nakakaramdam ng sakit kahit na wala naman siyang ginagawa.

Shit. Medyo nahihilo na talaga ako. Itutulog ko na lang muna ito.

For the Second TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon