Tahimik kong binuksan ang payong ko at maya maya’y naramdaman kong nakikisukob si Aliyah. Kahit kailan talaga ito si JN, kahit noong highschool pa, hindi nagdadala ng sariling payong niya.
Dapat na ba ako magdiwang?
Dahil mas pinili sa akin ni Aliyah sumukob kahit na’kay JN ang payong niya? Dahil mas pinili niyang tumabi sa akin sa loob ng tricycle?
Ramdam ko ng may tensiyon kaya tahimik ko lang binuksan ang kwarto at nauna na pumasok sa dalawa.
Hindi pa nagtatagal ay lumabas rin ng kwarto si Aliyah, may tumawag kasi sa kaniya. Susundan ko sana siya ngunit si JN ang bumangad sa akin sa may pinto.
Bigla naman niyang lingon at nagtama ang aming tingin. Tingin na tila nanunubok.
Sa pagkakataong ito, pakiramdam ko’y nag-iinit na ang aking mukha, marahil dahil sa alak na nainom o sadyang dahil nanggigigil na ako sa taong nasa harap ko ngayon at sa sitwaysong nangyayari kay Aliyah ngayon.
Mauulit na naman ba?
Makikita ko na naman ba siyang nasasaktan?
Wala na naman ba akong magagawa??
"Ano bang problema mo?!" Pigil na pagsigaw ko matapos ko siyang lampasan dahil gustong gusto kong may magawa para kay Aliyah.
"Ikaw anong problema mo? Kanina ka pa ah." Tiim ang bagang na sagot ni JN.
"At ano bang ginawa ko sa’yo? Nagseselos ka? Eh ano bang pakialam mo eh may girlfriend ka na nga?" Matapang kong sagot sa nakaharap sa akin.
Pag hindi pa ako nakapagpigil masusuntok ko na 'to ah.
"Anong pakialam ko? Bakit mo ba siya pinopormahan eh may girlfriend ka na rin 'di ba?! Ano, sosyotain mo rin siya tapos ibibilang sa mga ex-girlfriend mo?"
"Aba mayabang ka a!" At aba matalim, bungguin ko nga ang gago.
"Wag mo kasing aangkinin kung 'di mo kayang panindigan. Ang dami dami mo nang pinangakuan." Dagdag pa niya at sabay hawak ng mahigpit sa aking damit sa bandang dibdib.
"Wag kang magsasalita na akala mo wala ka ring kasalanang ginawa. Hindi mo na ako kilala kaya 'wag mo 'kong huhusgahan! Simula ng nagkasyota ka, wala ka ng alam! Sino ba’ng unang nang-iwan at gumawa ng kagaguhan?" Galit ko nang sagot sabay tulak sa kanyang kamay.
"Baka nakakalimutan mo. Mas masakit pa rin ang ginawa mo. At least ako maaga pa lang itinigil ko na ang 'di ko kayang tapusin. Ikaw? Kung kailang sasagutin ka na niya saka mo na lang siya bibitawan at 'di kakausapin bigla. Tapos ano? Ipinagpalit mo pa siya sa matalik na kaibigan niya!" Usal pa niya.
"Talaga? Itinigil mo agad pero sinabihan mo pa rin siyang may nararamdaman ka pa rin sa kanya kahit na nililigawan mo na pala iyong kaibigan niya? Pre, alam ng buong klase na nililigawan mo siya pero ang sinisimplehan mo na pala talaga ay iyong isang kaibigan nya. Akala mo hindi ko alam? Umpisa pa lang di ka na totoo sa kanya!" Muling banat ko sa kaniya.
"Ano ka ngayon? Hindi ka makaimik? Maswerte ka hindi ka pa kinakarma." Tahimik lang akong tao pero iyong tipong hindi mo gugustuhin kapag nagalit ako. Sana nga noon ko pa siya sinuntok.
Akma namang susuntukin na niya ako nang biglang bumukas ang pinto.
"Ano 'yan?! Nag-aaway kayo? Ano kayo mga bata?" Sigaw ni Aliyah pagbungad sa pinto pero mabilis ding tumalikod at tumakbo palabas.
Kung hindi ako nagkakamali, napansin kong umiiyak na si Aliyah. Shits.
Nabitawan bigla ni JN ang aking damit at tinungo niya ang pintuan. Sumunod naman ako na walang imik. At dito, sa corridor ng pension house, matatanaw na sa may balkonahe kung saan nakatanglaw ang maliwanag na buwan, umiiyak nga si Aliyah.
Nagkatinginan kami ng seryoso ni JN at sandali pang nanahimik.
"Puntahan mo. Patunayan mong ikaw nga ang mas deserving para sa kanya." Mahinang bigkas ni JN bagamat ramdam kong mabigat ang kanyang loob.
Wala nang paligoy pa at humakbang na rin ako patungo sa kinatatayuan ni Aliyah at sinadya ko namang bungguin si JN sa kaliwang balikat.
Inakbayan ko siya, ang babaeng matagal ko nang nais mayakap.
Sana noon ko pa ginawa.
Umiyak siya sa dibdib ko. Niyakap ko siya ng mas mahigpit at hinagod ang kaniyang likod.
Hindi ko na siya hahayaang masaktan pa. Hindi na sana.
“Din”, sumisinghap na usal niya. Saka muling bumuhos ang pagluha.
“Ang sakit. Ang hirap.” Mahinang sambit niya, naghahabol ng hininga dahil sa pag-iyak. Hinaplos ko ang buhok, ang balikat at muli ang likod niya.
“Ang hirap kapag iyong taong gustong gusto mo sobrang lapit sa’yo pero hindi mo masabi sabi 'yong nararamdaman mo”.
Torpe. Oo, mahirap, masakit, alam ko.
“Sana hindi na lang kami naging magkaibigan. Sana hindi na lang kami naging ganito sobrang malapit. Sana hindi na lang ako na-fall.” Halos ibulong na lang niya ang bawat salita, habang nakasandal sa aking dibdib.
Tayo ba ito, Aliyah? Sinabi ko na rin ang mga salitang 'yan. Maraming beses na. Kung alam mo lang.
“Hindi ko man lang alam..”
“Magiging okay ka rin, Aliyah.” Tangna lang. Ito na naman ang nasambit ko? Naalala ko iyan lang din mismo ang nasabi ko sa kanya noong umiiyak siya nang malaman niyang kami na ng childhood bestfriend niyang si Dhescie.
“Hindi mo kasi ako naiintindihan, Din..”
Oo, sana nga Aliyah naiintindihan kita.
“Kaya pala hindi niya ako magawang ligawan.. kaya pala puro siya pangako, at puro paasa.. kaya pala hindi ko siya maintindihan.. bakit pa niya kinuha ng husto 'yong loob ko kung pagtitripan lang din pala” At muli siya’y humagulgol. Hindi ko mahanap ang mga tamang salita na dapat sabihin.
“4 years and 5 months, anong laban ko do’n?!” Dagdag pa niya. “Asan na ba 'yong sinasabi mo dating makakahanap din ako ng taong mas magmamahal sa akin ha? 5 years and counting, 4 years and 5 months? Ang tatagal na pala nila pero nagagawa pa rin nilang magloko? Pare-pareho lang naman kayo ke matagal ng may karelasyon o nanliligaw pa lang pare-pareho namang nagloloko!”
Aray. Hindi na ako nakailag. Para sa akin yata talaga ang patama.
“Mukha ba akong kabit? Pang second-option lang? Pang-panandalian lang?? Sabihin mo nga sa akin Din” At patuloy nga ang pag-agos ng kanyang luha sa aking dibdib at balikat.
Speechless ako. Hindi ko inaasahan ang ganitong tagpo. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na si Aliyah? Maglalabas sa akin ng sama ng loob, na broken heated dahil sa iba pang mga gagong lalaki? Hindi na. Tama na sana ’yong isa. Pero pakiramdam ko, itong pinaghuhugutan niya ngayon, tatlong magkakaibang tao.
At kasama na nga yata ako dito.
“Paano ba mag-move on Din? Turuan mo nga ako. Paano mo nagawang buuin muli ang puso mo pagkatapos mong makipag-break sa mga naging ex mo.”
This time, natigilan siya sandali sa pag-iyak at nag-angat ng tingin sa akin. Pero hindi ako nakasagot, nag-iwas ng tingin. Ayokong may mabasa siya sa aking mga tingin.
“Ang sakit, Din. Inaway ako ng girlfriend niya. Hindi ko naman alam.” Bulong niya at muling isinuksok ang mukha sa aking dibdib.
Buo na nga ba ulit ang aking puso? Hindi ko rin kasi alam ang sagot. Sabay marahan na dampi ng mga labi sa kanyang buhok.
Nanatili kaming ganoon hanggang sa kumalma siya. Bahala na si JN kung napapanood man niya.
BINABASA MO ANG
For the Second Time
MaceraPara sa proud na nakamove- on. Para sa hindi pa rin makamove- on- move- on. Para sa nagkukunyari lang na nakamove on or nagmomove on. At para sa nag-aakalang nakamove-on na matapos ang mahabang panahon. Highest ranking as of 01/08/2021 🏆8 in #secon...