Nabusog ako sa aming pinagsaluhan. Bucket meal tapos nag-order pa ng dalawang beses na large fries. Namiss ko bigla iyong section namin noong highschool dahil kami naman talaga dapat ang magkakasama ngayon, o at least iyong tropa namin. Muntik na nga akong maniwala sa tadhana pero sa kwento ni Aliyah, mukhang naset up nga kami ngayon.
"Tutulog ka lang talaga?" Narinig kong tanong ni JN kay Aliyah na nakahiga na at nakapikit na ang mga mata. Ako tamang hanap lang ng charger dahil kaya pala wala nang nagungulit na gf ay hindi ko namalayang deadbatt na rin.
"Oo nga! Pagod ako. Punta tayong NCCC mall at Mang Inasal mamaya. Ha " Sabi niya at tuluyan ng hindi umimik.
Ang bilis naman niyang makatulog. Naalala ko tuloy iyong gabi na nakatabi ko siya sa pagtulog noong dumayo kami ng school sa ibang bayan dahil sa Science Quiz Bee. Syempre marami kami noon, para lang kaming magkakapatid at bawal ang maarte. Pero nag-inarte kasi si JN, kaya kami ang naging magkatabi. Crush na crush ko pa naman sya noon dahil nagchampion siya ulit. Hindi ako noon makatulog at halos magdamag yata tinitigan ko lang ang maamo niyang mukha, halos mabaliw sa pag-iisip kung paano aamin ng pag-ibig.
Hay nako, napakahirap talaga maging torpe.
****
Nainip naman ako kaya sa isang katre na paghahatian namin ni JN ay nakatulog na rin ako.Alasais na pala nang magising ako sa tapik ng aking katabi.
Nagpahatid kami sa may tapat ng NCCC building na sinasabi niya pero hindi pa kami pumasok agad. Gabi na pero maliwanag naman sa paligid. Muntik pa nga kaming maligaw dahil nagdalawang isip pa si Aliyah kung saan ba talaga iyong papuntang Mang Inasal. Pero nakarating naman kami doon ng ligtas, sa kabutihang palad.
"Mahal yan ah." Puna ni JN kay Aliyah nang ilapag ng waiter sa lamesa ang isang malaking baso ng mais con yelo.
"Kaya ko ng ilibre sarili ko. ‘Yong first time ko kasing makakain nito dito, libre 'yon ni sir. So ngayon ko lang talaga narealize na mahal pala talaga s'ya. Haha."
Bigla namang akong napatayo at nang tanungin nila kung saan pupunta, "Bibili rin. Nainggit ako eh."
"Aba, ako din! Akala niyo kayo lang?" Dagdag ni JN pero ang ending ako lang naman ang pinag-order sa counter.
"Oo naman. Hindi naman ako ganon kadali makalimot." Iyon lang ang huli kong naintindihan sa sinabi ni Aliyah dahil nangungulit na naman ang aking gf. Basta ang alam ko, abala silang dalawa sa kwentuhan.
"Oh Din, narinig mo yon?" Pagsagi ni JN sa aking siko.
"Ang alin?" Inosenteng tanong ko at tiningnan sila sandali.
"Wala!" At binanatan na lang nila ako ng puro tawa.
Aaaminin ko hindi ko gaano naenjoy ang eksena doon. Nasira na naman kasi ang araw ko dahil sa inaasal ni Nica. Konting konti na lang talaga.. pasuko na rin ako. ತ_ತ
"Bongga escalator na. Hagdan pa lang yata ito dati?" Ito ang sambit ni Aliyah na muling nakapagpagising sa aking diwa bago kami umakyat sa second floor ng NCCC Mall. Ang alam ko kasi kanina pa sila nag-uusap ni JN pero biglang lumabas iyong isa dahil yata tatawag sa girlfriend niya.
Pero sa halip na i-entertain ko iyong inis, pinatay ko ang telepono ko at ibinaling ang atensyon kay Aliyah, tutal kaming dalawa na lamang ang magkasama.
Hindi ko alam pero sa loob loob ko bigla ko siyang namiss? Kelan nga ba iyong huling beses na nagkita kami? Dalawang taon o mahigit na yata? Sa kaarawan noong isa naming tropa pero never ko naman siya noon nakausap.
Naalala ko rin tuloy iyong mga kwento niya sa akin tungkol sa mga panaginip niya tungkol sa akin, sa amin, sa aming dalawa. Oo aaminin ko, maraming beses pa rin sa loob ng mahabang panahon na wala kaming komunikasyon, ay iniisip ko pa rin siya. Kung nasaan na siya ngayon? Kung masaya na ba siya? Kung malakas na ba ang loob niya? At paano kung naghintay pa rin ako sa kaniya??
Marahil ngayon ay alam ko na ang sagot sa ilan kong mga katanungan. Masaya siya sa ngayon. Masaya akong nakakausap ko na ulit siya. Marami kaming catch-up na napag-usapan.
“Nakakainis ka! Bakit ang gentleman mo na ngayon, saan mo natutunan 'yan? Hahahaha” Sambit ni Aliyah habang pababa na kami ng escalator. Iyon lang masaya na siya? Dahil lang inilahad ko ang kamay ko at pinauna ko siya? Nag-isip tuloy ako kung hindi ko pa ba iyon nagawa sa kanya dati.
“Dati kasi kung iwan iwanan mo lang ako at pabebe ka pa ayaw mo hawakan kamay ko” At nagpout pa siya! Hahahaha.
“‘Wag mo nga ako tawanan. Sabihin mo na lang kinikilig ka na naman.” Sabay irap pa pero tatawa din naman.
Ganyan ugali niyan, malakas mang-asar. Pero hindi ko kasi ugali pumatol kapag gumaganyan na siya. Marahil ay tama siya, hindi ko na maintindihan ang pakiramdam ng iba’t ibang emosyon na idinudulot niya sa muli naming pagkikita nang hindi inaasahan.
Tahimik kaming bumalik sa tinutuluyan naming pension house. Pakiramdam ko lang may tension sa kanilang dalawa ni JN dahil siya na mismo ang umupo sa backseat. Magkatabi kaming dalawa ni Aliyah sa loob ng tricycle at pakiramdam ko ang lapit lapit na naman ng puso ko sa kanya.
Ang dami ko na namang naalala. Iyong mga chances na pinagsisihan ko dahil hindi ko nagawa para sa kaniya. Pero ang gulo pa ng isip ko at puso ngayon dahil na rin kay Nica.
Aaminin ko si Aliyah yung first love ko.
Si Aliyah iyong taong matagal kong hinintay para lang magtapat nang nararamdaman.Si Aliyah iyong taong matagal kong niligawan pero bigla ko na lang binitawan dahil natuklaw este natukso ako (sa ibang babae).
Si Aliyah iyong laging nandiyan nagpaparamdam kahit paulit ulit kong nirereject.
Si Aliyah iyong willing magbigay ng second chance 4 years ago pero huli na nang aking mapagtanto. Nang balikan ko siya ulit pagkatapos ng isa pang taon ay hindi na niya raw ako gusto. At alam kong kasalanan ko, dahil torpe at gago ako.
***
Nagmadali naman akong pumanhik at pumasok sa loob ng kwarto dahil ramdam kong kailangan mag-usap ng dalawang kasama ko.Hinayaan ko na lang muna sila. Ako nga hindi na maintidihan ang nararamdaman, poproblemahin ko pa ba iyon?
Karaniwang eksena sa isang bahay ang sunod na nangyari. Bukas ang tv pero mukhang walang nanonood dahil may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.
Nakahiga na si Aliyah, hawak ang kaniyang telepono. At si JN ay nahiga na rin sa tabi ko, sa kama na pagshe-share-an namin. Magtitipid daw eh.
Ako naman, tamang laro lang ng COC sa tablet ko. Habang nagpapalipas ng mga sama ng loob at naghihintay ng antok.
Medyo awkward ang atmosphere kasi hindi kami nag-iimikan. Dapat maingay na kami ngayon at nag-uusap at gumagawa na ng kung anu-anong kalokohan gaya ng nakasanayan.
***
Maaga akong nagising at ganoon din si Aliyah. Hindi na bakas ang lungkot sa labi niya dahil sa nagdaan na gabi.Mahimbing pang natutulog si JN kaya hindi na kami nagpaalam. Naglakad-lakad lang kami at bumili ng noodles sa labas para sa agahan.
Masaya ang aming kwentuhan nang bumungad ang hitsura ni JN sa may hagdan na aligaga. Nakaupo kaming dalawa noon ni Aliyah sa harap ng isang mahabang mesa at nag-aalmusal.
"Gusto mong noodles?" Tumatawang tanong ni Aliyah.
"Saan galing yan?"
"Sa tindahan, malamang." Pabalag kong sagot. Medyo may kapilyuhan akong naiisip. Mukhang magandang mang-inis ng bagong gising hahaha.
"May tindahan kaya sa may banda riyan. Antagal mo gumising eh." Si Aliyah na ulit ang sumagot.
"Lumabas na kayo? Ang daya niyo naman."
Ngumiti lang ako ng pilyo habang humihigop si Aliyah ng noodles niya.
"Mag-jojoging pa sana kami kaso, next time na lang." Dagdag ko pa.
At mukha namang umepekto ang pang-aasar ko dahil natahimik siya bigla.
Naalala ko dati para silang aso at pusa kung mag-asaran, at dahil aminadong torpe ako, pinagmamasdan ko na lang. Kahit sa puntong ito man lang sana, makaganti naman ako para sa kaniya.
"Uyy ano?! Tatayo ka na lang diyan forever? Nagpapatangkad??" Biglang tapik naman ni Aliyah sa kaniya at tinawanan siya.
At alam ko, nagwagi ako sa puntong ito.
ᕙ( • ‿ • )ᕗ
BINABASA MO ANG
For the Second Time
AventuraPara sa proud na nakamove- on. Para sa hindi pa rin makamove- on- move- on. Para sa nagkukunyari lang na nakamove on or nagmomove on. At para sa nag-aakalang nakamove-on na matapos ang mahabang panahon. Highest ranking as of 01/08/2021 🏆8 in #secon...