Buo na nga ba ulit ang aking puso? Hindi ko rin kasi alam ang sagot.
Ang alam ko lang kasi kinarma na ako.
Si Dhescie, ang childhood bestfriend niya na ipinagpalit ko sa kanya. Wala lang, naattract lang ako sa kaniya, hindi ko rin alam kung bakit. Basta nafall-out of love ako kay Aliyah noon at dito ako nagkagusto. Naging first girlfriend ko. Pero di rin kami nagtagal kasi hindi ko rin alam, basta nawala na lang din 'yong nararamdaman tapos hindi ko na lang din kinausap after ilang buwan. Isang malaking waste of time, na sana pala, kay Aliyah ko na lang inilaan.
Si Althea, kaklase ko noong first year college. Mabait, maganda, matalino din. Pero dito ako unang kinarma. Kung si Aliyah noon hindi ko naging priority over other matters, ganyan naman ang ginawa sa akin ni Althea. Hanggang sa mukha na lang akong asong naghahabol sa kaniya kaya di katagalan, itinigil ko na.
Si Bernice, naging kaklase ko rin pero isang subject lang dahil irregular siya noon, ahead ng isang taon sa amin. Sobrang kabaligtaran naman ni Aliyah sa ugaling sabihin na nating pakipot, hindi basta aamin na gusto ka niya, hindi basta bibigay, hard-to-get kumbaga. Pero si Bernice, naging gf ko dahil masyadong papansin, siya na nga yata ang nanligaw sa akin. Pero katagalan iniwan ko na rin dahil narealize kong pangit pala, hindi pala ganoong tipo ang gusto kong babae. Madali din siya maakit ng kahit sinong lalaki.
Si Basille, a.k.a. Bash, isang chinita na member ng cheering squad sa aming department. Balingkinitan ang katawan, sakto lang tangkad para sa akin, physically perfect siya. Maraming nagkakagusto, maraming kaagaw. Pero later nalaman ko na lang, marami din pala akong kasabay.
Si Catarina, anak ng kaibigan ni mama na laging tinutukso sa akin. Kababata ko siya actually pero simula ng lumipat sila sa Manila noong grade 4 hindi na kami naging close. Pero pinatulan ko pa rin, kahit 3 months lang yata naging kami dahil sa kantiyaw ng mga ka-pamilya pero tinigilan ko na rin dahil ang alam ko may long-time boyfriend na siya no'n, natatakot lang siya aminin sa parents niya.
In between, marami din akong naging ka-fling noon na hindi rin naman nagtatagal. Meron ding mga niligawan na nabasted, study first daw pero mas pinili lang pala 'yong prof naming nagbibigay sa kaniya ng mataas na grade o di kaya iyong varsity player na magaling daw mag-shoot.
At ito na nga, si Danica a.k.a. Nica. Kasama ko sa trabaho pero sa Drafting department. Mag-one year pa lang kami. Niligawan ko siya ng isang buwan lang. Hindi pakipot, tamang chill chill lang at cofee dates pagkatapos ng trabaho. Pero hindi pa gaanong nagtatagal naging masyadong possessive siya, bigla na lang lumabas iyong ugali niyang napaka-selosa. Kaya madalas, away. Lalo na noong nalaman niya ang past with Aliyah, nang minsang ma-bring up ang topic sa inuman ng tropa. Minsan nga nakakasakal na.
Basta all in all, hindi sila si Aliyah. Malayong malayo sa kanila.
*****
Maaga kaming nagising ni JN. Mahimbing pang natutulog si Aliyah at dahil masyado pa namang maaga, napagpasiyahan namin ni JN na mag l-jogging muna.Ibang direksyon ang aming tinahak, sa kaliwang gawi ng pension house. Tahimik lang naman kaming tumatakbo takbo hanggang sa makarating kami sa mismong bayan.
Sakto namang kabubukas lang ng isa sa mga kainan kaya sinamantala na namin na makapag-umagahan.
"Teka, saan ka pa pupunta?" Sita ng aking kasama nang bigla akong huminto at nag-iba ng ruta.
"Ibibili ko ng makakain si Aliyah." Mabilis kong tugon at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Umamin ka nga. May nararamdaman ka pa ba kay Aliyah?" Muli niyang tanong sa akin habang naglalakad sa may likuran ko.
Aha, may gusto yatang pag-usapan ang isang ito. Napakaaga pa. Wala pa ako sa mood ipagpatuloy ang nag-iinit naming bangayan kagabi.
"Hindi ko na alam. Oo yata." Buong buo na sagot ko na tila hindi man lang nakaramdam ng kaba. At tinalikuran ko rin agad siya.
"Pano iyong girlfriend mo?"
Isang malalim na buntong-hininga muna ang aking pinakawalan.
"Girlfriend pa rin." Sagot ko na hindi na nag-abala pang humarap sa kausap.
Nanahimik na rin naman siya. At mas mainam 'yon.
Ilang sandali lang kaming naghintay at handa na rin ang take out para kay Aliyah.
"Ano 'yan?" Nagtatakang tanong ko nang mailapag ni JN ang isang 100 peso bill sa counter.
Obvious namang pera, pero..
Tatanggi pa sana ako ngunit nakuha na ito ng kahera at iniabot sa amin ang binili.
"Tinatapatan mo ba ang gusto kong gawin?" Tanong ko habang naghihintay kami ng tricycle pabalik sa pension house.
Hindi pa rin siya umimik at tiningnan niya lang ako sa mata.
"Pero may girlfriend ka pa rin 'tol." Muli kong basag sa sandaling katahimikan.
"Wag na nga tayong maglokohan. May girlfriend ka pa rin naman, Din. Patas lang." Hindi patitinag niyang sagot.
"Malabo na ang usapan. Magbibreak na rin kami."
"Yung totoo, ilan na ba talaga ang naloko at pinaiyak mong babae?"
Akmang sasagot na sana ako nang may huminto na tricycle sa harapan namin. Tahimik naman ang buong byahe.
Wala akong nilokong babae, JN, kung alam mo lang. Sa pagkakaalam ko, nagpaalam naman ako kay Aliyah at sinabing ititigil na ang panliligaw sa kaniya bago ko pinormahan ang childhood bestfriend niya. Naging torpe lang ako. Pero hindi ko siya niloko.
Gising na si Aliyah nang kami'y makabalik. Nag-asikaso ako ng mga gamit at nagligo pagkatapos ni JN habang nag-aalmusal naman si Aliyah. Maaga rin kasi ang alis namin para sa Underground River trip.
Ngunit hindi pa rin nawawala ang nararamdaman kong tension. Si JN, ang dating matalik kong kalaban sa honor roll at sa babaeng gusto ko, ngayo'y tila nakikipagkumpetensiya na naman sa akin.
Naalala ko pa bigla iyong sinabi ng matandang nakaenkwentro namin sa Jolibee. Parang gustong gusto ko na talaga umamin ulit sa kaniya. Paano nga kaya? Pang-ilang chance na ito, may pag-asa pa kaya?
*****
Nauna akong bumaba at hinintay ang dalawa sa lobby. Si JN kasi, gaya lang ng dati, kahit nauna pa sa akin maligo, ay sadyang mabagal kumilos at madaming arte sa katawan. Daig pa ang babae.Nandoon na rin ang tourist van na aming sasakyan. Naunang maupo si Aliyah, sumunod ako, at si JN naman ay pumuwesto sa may malapit sa bintana. Alam ko rin na mahiluhin ang taong ito, bagay na alam kong pagkakapareho nila ni Aliyah.
Naalala ko tuloy iyong naging delegates kami sa Ilocos. Buong biyahe ay inalalayan ko si Aliyah dahil panay ang suka sa bus, at doon sa may unahan namin ay si JN naman. Nililigawan ko na siya noon. Hindi ko pa rin nga sana siya makakatabi sa upuan kundi pa pinagkaisahan ng mga teacher namin. Hindi naman sa pagmamayabang, pero noong fourth year highschool ay kami na ang naging sikat na tambalan at tampulan ng asaran.
Hindi na rin gaanong mugto ang mata ni Aliyah mula sa pag-iyak kagabi. Mabilis itong nawala dahil sa kangingiti niya simula pa kaninang umaga pagkagising niya.
Nagsimula na ang byahe at panay ang picturan ng aming mga kasama sa van, lahat hindi namin kilala.
Tinapik naman ako ni Aliyah sabay sabing, "Din, picture." Ipinuwesto niya ang camera ng cellphone niya na sakto lang sa mukha naming dalawa. Hindi naman na ako nag-abala pang magtanong kung bakit hindi niya isali si JN. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ba, sa tanda na niyang iyan, naniniwala pa rin siya sa kasabihang bawal magpicture ang tatlo?
"Isa pa, wacky!" Ngumuso siya tapos nagpeace sign sa may tapat ng mata niya. Hindi ako marunong ng wacky pero napalaki bigla ang tawa ko noong makita ko ang reaksyon niya, at iyon ang na-capture ng camera.
BINABASA MO ANG
For the Second Time
AventuraPara sa proud na nakamove- on. Para sa hindi pa rin makamove- on- move- on. Para sa nagkukunyari lang na nakamove on or nagmomove on. At para sa nag-aakalang nakamove-on na matapos ang mahabang panahon. Highest ranking as of 01/08/2021 🏆8 in #secon...