Nabusog talaga ako. Paano ba namang hindi eh bukod sa meal, nag-order pa ng dalawang beses na large fries. Namiss ko bigla iyong section namin noong highschool dahil kami naman talaga dapat ang magkakasama ngayon, o at least iyong tropa namin. Muntik na nga akong maniwala sa tadhana pero sa kwento ni Aliyah, mukhang naset up nga kami ngayon.
"Tutulog ka lang talaga?" Sabi ko na nakatingin sa kanya na nakahiga na at nakapikit na ang mga mata. Si Din naman, ayun, kanina pa naghahanap ng charger ng cellphone sa bag niya.
"Oo nga! Pagod ako. Punta tayong NCCC mall at Mang Inasal mamaya. Ha " Sabi niya at tuluyan ng hindi umimik.
Ang bilis naman makatulog? Naalala ko tuloy iyong gabing muntik ko na siyang makatabi sa pagtulog kung hindi lang ako natorpe. Syempre marami kami noon, para lang kaming magkakapatid at bawal ang maarte. Pero nag-inarte ako eh. Crush na crush ko pa naman sya noon dahil nagchampion na naman siya sa Science Quiz Bee namin. Eto na naman ako sa naalala ko, at naalala ko nga palang may girlfriend pa ako na hindi pa rin nagtetext simula kanina. Ayoko naman tawagan, importante raw trabaho niya eh.
****
Nagising ako na medyo masikip na dahil nasa tabi ko na pala si Din na natulog din. Muntik ko na ngang sipain at ihulog sa sahig. Pero dahil mahal ko ang mga kapatid-slash-tropa ko, hindi ko naman kayang gawin iyon. Manununtok lang ako ng limang mukha pagbalik ko ng Manila.
"San ka galing?" Tanong ko kay Aliyah na kapapasok lang ng pinto at medyo mukhang hyper pa.
"Inaway ko lang ulit yong bestfriend ko. Ano? Gabi na, tutulog na lang ulit tayo?"
"Sabi ko nga, kakain na." At saka ko tinapik tapik si Din para magising.
Nagpahatid kami sa may tapat ng NCCC building na sinasabi niya pero hindi pa kami pumasok agad. Gabi na pero maliwanag naman sa paligid. Para akong nasa Manila lang din. Iyong mga puno at poste ay may mga ilaw, tapos may traffic light pa. Pero wala pa rin ito sa magulo at kumplikadong buhay sa Manila. Blah blah blah. Muntik pa nga kaming maligaw dahil nagdalawang isip pa si Aliyah kung saan ba talaga iyong papuntang Mang Inasal. Haha. Nakarating naman kami doon ng ligtas, sa kabutihang palad.
"Mahal yan ah." Puna ko kay Aliyah nang ilapag ng waiter sa lamesa ang isang malaking baso ng mais con yelo.
"Kaya ko ng ilibre sarili ko." Ha? Medyo naguluhan ako don ah. Noong di ako sumagot, nagpatuloy sya, "Yong first time ko kasing makakain nito dito, libre yon ni sir. So ngayon ko lang talaga narealize na mahal pala talaga sya. Haha."
Okay gets ko na. Haha.
Bigla namang napatayo si Din kaya tinanong ko kung san ang punta niya.
"Bibili rin. Nainggit ako eh."
"Aba, ako din! Akala niyo kayo lang?" Haha! Mainggit yong mga nangloko sa amin.
"So gusto mo talaga puntahan ulit at gawin iyong mga ginawa ninyo dati dito?" Tanong ko kay Aliyah sa kalagitnaan ng pagkain namin. Si Din busy na naman sa cellphone nya. Eh yung girlfriend ko? Hindi pa rin nagtetext!
"Oo naman. Kung pwede lang lahat ng kasulok-sulukan ng aming mga pinuntahan dati, babalikan ko eh. Masaya kaya. Minsan lang mabigyan ng ganitong pagkakataon." Tapos ngumiti sya.
"Astig! Tanda mo pa yun?" Tanong ko ulit habang nagbababad ng matamis na yelo sa aking bibig.
"Oo naman. Hindi naman ako ganon kadali makalimot." At ngumiti na naman siya.
Oww! Nang-aasar? May pinapatamaan? Sino ba talaga samin ni Din ang mas malaki ang atraso sa kanya? Hahaha.
BINABASA MO ANG
For the Second Time
AdventurePara sa proud na nakamove- on. Para sa hindi pa rin makamove- on- move- on. Para sa nagkukunyari lang na nakamove on or nagmomove on. At para sa nag-aakalang nakamove-on na matapos ang mahabang panahon. Highest ranking as of 01/08/2021 🏆8 in #secon...