Chapter 6

24 2 0
                                    

"Aliyah!" Sigaw ko at halos hinahabol na siya palabas ng pinto.

"Ano?!" Iritado niyang sagot at nilingon ako. "Okay ka lang?!" Muli pa niyang tanong at inirapan ako.

Wala akong masabi. Nilingon ko naman si Din na kalmado lang. Okay. Ako lang yata talaga ang ang nakakaramdam.

"Bakit ka ba affected? Ano naman kung makipag-usap ako? Nagiging magalang lang ako." May halo pa ring inis na bulyaw sa akin ni Aliyah.

Kingina. Wala akong maisagot! Hindi naman kasi ito iyong unang beses makaencounter kami ni Aliyah ng ganito. Marami na ring nagsabi sa amin na hindi kakilala na bagay daw kami. Ang weird 'di ba? Hindi naman nila alam ang istorya naming dalawa. Sadyang lagi lang kaming magkasama dahil kailangan sa pag-aaral namin.

Pero kung totoo man nga ang lahat ng iyon, bakit... anong nangyari? Bakit hindi kami naging masaya? Bakit hindi naman kami nagkaroon ng happy ending? At bakit ngayon pa mauulit ang panyayaring ito, ngayon pang matagal ko nang binitawan si Aliyah. Ngayon pa ba ulit ako aasa? Ngayon pang... masaya na nga ba 'ko na nagmahal na ng iba?

"Bakit? May hindi pa rin ba nakakamove on dito sa ating tatlo?" Putspa! Nagising ako do’n bigla. Ang sarkastiko ng pagkakatanong niya pero nakangiti pa rin siya. "Ikaw Din? Umamin ka! ‘Di ka pa rin ba nakakamove on sa akin kahit na nakailang girlfriend ka na?" Baling naman niya kay Din sa likuran ko habang tumatawa.

"‘Wag mo nang alamin. Ang init init dito. Tara na nga!" Natatawa naman niyang sagot at umakbay pa sa balikat ang gago. Mabilis naman iyong inalis ni Aliyah at tinawanan ko siya ng malakas.

Pinayungan ni Din si Aliyah habang naglalakad sa may unahan ko. Okay lang, solo ko naman ngayon ang payong ni Aliyah. Papunta na kami sa may palengke, doon naman daw mamamasyal.

Napansin ko saming paglalakad na... ang kalmado lang naman. Wala man lang akong napapansin na awkwardness o pagkataranta sa presensya ninuman sa aming dalawa para kay Aliyah. Parang... wala na talagang kilig, o kuryente, o kung anuman. Siguro nga, nakamove on na talaga sya. Siguro nga... ako na lang itong nagdududa kung nakamove on na ba talaga.

First love. Never dies nga siguro talaga.

Bakit kasi ganon? Bakit parang may bumabalik?

*****

Maayos naman kaming namili ng mga damit at kung anu-ano pang souveniers. Bumili na rin kami ng mga prutas na makakain.

At aba magaling! Matapos akong sigaw sigawan lang ni Aliyah kanina, ako pa talaga ang pinagdala ng mga ipinamili niya. Kabayaran na yata ito sa lahat ng panghihiram ko ng notebook, ballpen, lapis, pambura, pantasa, at panghihingi ng papel at bondpaper sa kanya noong highschool. Hahahaha.

Inabot kami ng sobrang hapon kaya hindi na muna kami umuwi ng pension house. Maghihintay na kami ng gabi para maghapunan.

"Tara doon! May videoke oh!" Sigaw ni Aliyah habang hinihila sa braso si Din.

"Napakaganda ng panahon Aliyah,  sisirain mo?" Pang aasar ko.

"Oh tara. Inuman kita." Aya naman ni Din na ngiting ngiti.

"Ano?! Hindi pwede!" Reklamo naman ni Aliyah.

"Sige ba. Gusto yan." Sagot ko ng hindi pinapansin si Aliyah. At tinawanan ko lang siya.

"Oy! Hindi ako matutulog kasama ninyo!!" Muli niyang saway sabay hampas sa braso ko.

"Relaks, Engr. Konti lang. Kumanta ka hangga’t gusto mo, di namin 'yon pipigilan." Natatawa ko pa ring sagot.

Sumang ayon naman si Din at pumasok na kami sa isang karinderya kung saan sa may isang sulok nakapuwesto ang videoke.

Sarado pa iyon ng dumating kami at ang kapal lang ng mukha ni Aliyah na pabuksan ito para makakanta na siya.

"‘Wag kang magkakalat ha. Nakakahiya. Uuwi pa tayo ng Manila." Muli kong bilin kay Aliyah na tinawanan naman ng malakas ni Din.

Umorder na kami ng tatlong platong pansit at tig isang bote kami ng beer ni Din. Si Aliyah naman pumuwesto na ng maganda at nagsimula ng magscan ng mga kanta.

Konti pa lang naman ang taong kumakain dahil medyo maaga pa para sa hapunan. Hindi pa nga siya nagsisimulang kumanta, kinakabahan na ako para sa kanya. Ang lakas ng loob ah.

"At kelan ka pa natutong kumanta?" Muli kong pang-aasar sa kanya.

Nilingon niya lang ako at tiningnan ng masama. Hindi ko lang mapigilang matawa.

At nagsimula na nga syang  kumanta. Wow ha. Right choice of song. Sayang na sayang.

♬ Sayang na sayang talaga

Nakapagsimula na kaming uminom pero tahimik lang kami ni Din. Ni hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa isip niya. Tahimik ko lang tinutungga ang bote habang nakikinig sa pagkanta ni Aliyah. Hindi ko na magawang tawanan siya dahil halos.. shit, nangsasapul bawat linya ng kanta.

Nangangalahati na kami ni Dim ng matapos siyang kumanta. Akala ko lang pala pero may isa pa pala. HAHA! Gusto niya talagang magwala ha! Ano ba kasing ipinaglalaban nitong babaeng ito? At ang lakas ng loob kumanta ng Alone!

Hindi kami magkanda-ugaga sa katatawa ni Din nang pagdating sa chorus ay tumawa na lang ng tumawa si Aliyah at hindi na kumanta. Garden it. Susuko rin pala! Hahaha.

Hindi na niya tinapos pa ang kanta. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagtayo ni Din at pag-agaw niya ng mikropono mula kay Aliyah. Natatawa naman niya itong ibinigay kay Din at patukso pa ngang isinuntok sa dibdib. Tingnan mo tong mga 'to. Bida bida! Hahaha.

♬Dahil ikaw pa rin ang sinisigaw ng damdamin
Pilitin mang iwasan ka'y hindi ko magawa
Dahil ikaw pa rin..

Nakakainis. Nakakainit ng dugo lalo. Tahimik nang nakaupo si Aliyah sa tabi ko habang kumakain ng pansit na pinadagdagan pa niya ng kanin. Hindi ko maitatangging di hamak namang mas maganda pang pakinggan ang pagkanta ngayon kaysa kanina. Haha. Pero nakakainis lang. Dahil halatang halata namang tinitingnan niya si Aliyah habang kumakanta.

Nakakalalaki ah. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakaramdam na lang ako ng pagkaselos o pagkainis sa kaniya. Hindi ko naman pagmamay-ari si Aliyah pero bakit nakaramdam na lang ako ng galit dahil lang may pumuporma sa kaniya. Parang gustong gusto ko siyang ipagdamot ngayon. Sa kaibigan ko/ tropa ko. Na naging kaibigan na rin niya. Na minsan, nagmahal din sa kaniya. Pakiramdam ko pa natatapakan ang ego ko at hindi ako makalaban sa kaniya. Nasaan na iyong dating Din na torpe at iyong dating JN na hindi nagpapatalo?

Naiinis ako kaya kumuha pa ulit ako ng dalawang bote ng beer. Kinagalitan pa ako ni Aliyah pero wala na siyang magagawa dahil nabili at nabuksan ko na.

Iiinom ko na lang ito.

Umupo na ulit si Din sa tapat ko. Hindi ko pa maintindihan kung nananadya ba siya na masipa iyong paa ko pagkaupo niya. Tiningnan ko lang siya ng medyo –medyo lang naman– masama. Pero parang nang-aasar talaga iyong mga ngiti niya.

Kumanta na ulit si Aliyah at hindi ko na siya gaanong napansin. Masyadong marami na ang tumatakbo sa isip ko. Mabilis kong natungga ang ikalawang bote ko pero alam kong matino pa naman ang pag-iisip ko.

"Tubig! Pengeng tubig!" Biglang tapik ni Aliyah sa lamesa habang umuubo ubo ngunit hawak pa rin ang mikropono.

Tatayo na sana ako nang biglang kumilos din si Din. Aba. Nagkakasukatan na  yata ng tingin.

Napansin na rin yata ni Aliyah kaya padabog siyang tumayo sa upuan. "Ako na lang! Pagkatapos, umuwi na tayo ha!"

Ang galing ng timing at salamat sa mga kumanta. Umuulan na!

For the Second TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon