Chapter 4

41 2 0
                                    

Naalala ko noong tinanong ako ni Aliyah kung nagalit ako sa kanya kagabi. Ganoong ganoon din kasi iyong naramdaman ko noong nagtext siya sa akin ng ganoon din mismo, ilang araw matapos mangyari iyong nangyari. Hindi ko rin naman siya masisisi. Nasaktan ko siya alam ko. Pero ang ikinagalit ko sa kanya ay iyong nagalit siya sa akin ng wala naman siyang karapatan, dahil unang una, hindi ko na siya nililigawan noong mga panahong iyon, at pangalawa, hindi naman naging kami. Wala naman kaming commitment sa isa't isa. Mga babae nga naman talaga! Tsktsk. Pagalit ko pa ngang isinauli iyong Music notebook niya na hiniram ko before mangyari iyon dahil sa totoo lang, sumama rin talaga loob ko sa kanya. Akala ko kasi naiintindihan nya. Matalino pa mandin siya! Pero past is past. Nagsorry na siya at nagsorry na ako. Matagal na matagal na matagal ng panahon iyon. Ano nga bang nakain ko at hinahalungkat ko pa ito?

Teka! Si Aliyah ba hindi napapagod? Kanina pa kami lakad ng lakad ah. At para na kaming mga robot na sunod lang ng sunod sa kanya. Hindi naman yata nagrereklamo si Din dahil panigurado magkatext na naman sila ni Nica. Pesteng cellphone yan! Naiinggit ako kasi busy na naman ngayon iyong girlfriend ko!

"Kayong dalawa? Wala kayong balak kumain o bumili?" Tanong samin ni Aliyah habang nakatayo sa may pintuan ng ministop.

"Salamat sa pag-alok ha. Ngayon pang ubos na iyang ice cream mo. Ano, nabusog ka na diyan at 'sang pirasong yakult?" Kalmado pero sarkastiko kong sagot. Kung hindi lang siguro ako profesyunal na ngayon, baka nasigawan ko na kanina pa sa daan itong babaeng ito.

Napaisip din tuloy ako kung pano nga ba pumasa sa engineering ito at nakakuha ng trabaho. Medyo isip bata pa rin eh.

"Padala naman nito. Salamat!" Sabay abot sa akin ng paper bag at halos iduro ako pagkatapos ngumiti ng malapad. Aba loko ito!

Hindi pa ko nakakasagot ay tumalikod na sa akin at nagsabing "Tara na."

Ano 'to? Ako ba ang boyfriend? Alalay? Tagabitbit?

Sumunod din naman si Din na pangiti ngiti lang.

"Pasukob naman ako sa payong. Balak yata ni Din magpaitim pa lalo eh." pagdedemand ko nang tumigil kami sandali dahil may mga dumadaan pang sasakyan.

Parang gusto kong maawa na matuwa nung lumingon ako at nakita ko si Din na naglalakad mag-isa sa likuran namin. Gusto kong maawa dahil dapat dinadamayan ko sya ngayon. Ito na yata yung karma namin. Gusto ko matuwa dahil ...ang sama ko naman yatang kaibigan! Wag na nga lang natin ituloy yung naisip ko. Hahaha!

"Gusto niyong sumama? Dito kami bumili ng souvenirs dati eh." Nakakagulat naman. Bigla bigla na lang siyang nagsasalita.

"Hindi ba maaga pa para bumili niyan? Matagal pa naman tayo dito ah." Tugon ni Din.

"Nagtitingin lang ako. Malay mo." Sagot naman niya habang hinihipo hipo iyong mga kung anu anong nakadisplay doon.

Nandoon lang kami sa may bungad ng pinto. Nakipag-usap pa nga sya sa tindera at kung anu anong sinabi at tinanong.

Hindi ko alam kung sisimangot ba 'ko o ngingiti. Pinagmamasdan ko siya at napansin kong marami na rin talaga ang nagbago sa kanya. Bukod sa pisikal niyang anyo na aaminin kong mas lalo yata siyang gumanda? Oh shit! What am I thinking?! Napa-english ako dun bigla. Hahaha!

Napansin kong nagtitingin na rin si Din kaya nakitingin na rin ako. Hindi rin naman kami gano nagtagal at hindi rin naman siya bumili kaya hindi naman nadagdagan iyong bitbit ko.

"May mass yata mamaya. Sunday ngayon di ba?" Eto na naman si Aliyah , bigla na lang nagsasalita. Bakit nga ba nauutal ako? Hindi ko mahanap iyong mga salita na dapat ipang-asar ko sa kanya ngayon.

"Paano mo naman nalaman?" Tanong ni Din pagkahigop ng mainit na sabaw. Nagtatanghalian kasi kami ngayon sa isa sa mga nakahanay na karinderya. Yung totoo? Balak yata kainan ni Aliyah lahat ng kainan dito?

"Kasi dati nagsimba kami ay hapon. Hindi ko lang na matandaan kung saan eh, pero magtatanong tayo." At ngumiti na naman ang loko!

Tama yun. Para naman mabawasan na rin kasalanan ko sa girlfriend ko. Potek! Sino ba kasing nagpasimuno nito at yun na lang ang sisisihin ko?

Pagtapos namin kumain, naglakad lakad ulit kami ng kaunti. Walang katapusang lakad na naman? Hanggang sa makarating kami sa ... ano ngang tawag ni Aliyah dito? Minipark? Miranda's Park o Mendoza's Park?? At tumambay muna kami. Nagkwentuhan lang kami ng random stuffs - trabaho, kabuhayan, at mga bali-balita tungkol sa iba pa naming kaklase.

Nagtanong kami kung sa may saan ung simbahan at hinatid naman kami nung tricycle. Parabg gusto ko na magbilang ng score at bigyan ng puntos ang sarili ko sa good job na nagawa ko ngayon. Kami naman kasi ni Aliyah ang magkatabi sa loob ng tricycle papuntang simbahan. Ipinagbitbit at pinayungan ko pa sya kanina. Pero medyo nadismaya rin ako dahil narealize kong mas lamang pa rin pala sya. 4-3.

Tahimik lang kaming pumasok dahil saktong kasisimula pa lang nung misa. Hindi ganoon karami ang tao kaya nakahanap kami kaagad ng upuan malapit sa unahan. Hindi ko alam kung may nanalo ba saming dalwa ngayon dahil si Aliyah iniwan kami pareho sa likuran nya.

Okay po. Sorry na Lord. Magpapakabait na talaga ako.

Natapos yung misa at si Aliyah bumili naman ng bibingka at maraming mani doon sa nagtitinda sa may labas ng simbahan. Magrereklamo pa sana ako pero binigyan nya kami ng tig-isa kaya pinili ko na lang na manahimik. At muntik na akong magreklamo ulit nung sinabi nyang maglalakad na lanh daw kami pabalik dahil malapit lang naman daw pala. Bawat magandang tindahan na madaanan namin pinapasukan nya. At minsan pang lumabas sya na may dalang notebook at kulay pink and violet na ballpen.

"Ano yan? Mag-aaral ka na naman?" Bungad ni Din sa kanya.

"Ang cute kaya. Souvenir lang. Sobra naman kayo." Pagtatanggol nya habang inilalagay iyon sa paper bag na hawak ko.

Nakauwi na kami sa bahay pagkatapos magtake-out sa jollibee ng spaghetti for dinner dahil nabusog na kami sa kunh anu-anong kinain kanina.

Nahiga agad si Aliyah na nagreklamong napagod daw sya. Aba mabuti naman. Akala ko hindi sya nakakaramdam.

"Ano nga kayang nangyari kung natuloy kayong dalwa sa pagsimba noong nasa Ilocos tayo?" Bigla na lang lumabas sa bibig ko. Hindi ko nga rin alam kung saang banda ko nahugot yun.

"Ano?" Mabilis na sagot ni Din na nakakunot ang noo. Alam ko namang alam nya ang tinutukoy ko. Hindi rin mangyayari ang first date nilang yun kung hindi rin ipinush ng tropa. First date na muntikan pang ako yung makakasama nya sana.

"Wala. Biro lang. Affected ka agad." Pagbawi ko na medyo tumatawa. Si Aliyah naman, tahimik lang na nakahiga.

"Oh, ano na ang plano bukas? Pag-usapan natin yan." Pag-iiba ko ng usapan.

For the Second TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon