Chapter 7

26 3 1
                                    

Walang imik pa ring binuksan ni Din ang payong niya. Ako pa rin ang may dala ng payong ni Aliyah pero 'di ko na talaga mapigilang lalong mapikon nang mas pinili pa niyang makisukob sa kanya.

Tangina lang.

At ano pa nga ba ang aasahan? Ako ang magbabackseat sa tricycle.

Si Din ang nagbukas ng kwarto at tahimik lang kaming sumunod. Damang dama ko na ang tension.

Hindi pa nagtatagal ay lumabas ng kwarto si Aliyah, may tumawag kasi sa kaniya. Nasulyapan kong doon sa may balkonahe siya dumiretso. Gusto ko, pero hindi  na ako tumuloy. Naisip kong hindi iyon makakabuti kung susudan ko pa siya roon. Bakit pa nga ba?

Nagulat ako nang paglingon ko sa may pinto, nakatayo roon si Din na nakatingin pa rin ng diretso sa akin. Tingin na para bang nanunubok. Minsan ko nang nakita sa kaniya iyong tingin niyang iyon. Tiningnan niya rin ako ng ganoon noong gabing pinaiyak at sinaktan ko ang damdamin ni Aliyah. Iyon 'yong gabing ipinaalam ko na sa buong klase na kami na ni Ainah, na lihim ko siyang niligawan for also two weeks, habang nagpapakabait pa rin ako kay Aliyah at umaasa siyang may nararamdaman pa rin ako para sa kanya.

Hindi ko naman itatanging minahal ko rin naman si Aliyah. Naging malapit din kaming magkaibigan at sa sobrang dami na ng aming pinagsamahan, iyong pagtataray niya sa akin at pangungulit ko sa kaniya ay nagiging mga biro na lang. Nalaman ko pa sa isang kaibigan na may nararamdaman na rin siya para sa akin pero iyon 'yong mga panahong napagdesisyunan ko nang ibaling ang atensyon ko sa iba.

"Ano bang problema mo?!" Pigil na pagsigaw ni Din matapos ko siyang lampasan.

"Ikaw anong problema mo? Kanina ka pa ah." Tiim ang bagang na sagot ko.

"At ano bang ginawa ko sa’yo? Nagseselos ka? Eh ano bang pakialam mo eh may girlfriend ka na nga?" Matapang niyang sagot na nakaharap sa akin.

‘Pag hindi pa ako nakapagpigil masusuntok ko na 'to ah.

"Anong pakialam ko? Bakit mo ba siya pinopormahan eh may girlfriend ka na rin 'di ba?! Ano, sosyotain mo rin siya tapos ibibilang sa mga ex-girlfriend mo?"

"Aba mayabang ka a!" At aba, binunggo pa ako ng gago.

"‘Wag mo kasing aangkinin kung 'di mo kayang panindigan. Ang dami dami mo nang pinangakuan." Hindi ko na mapigilan at nahawakan ko na ng mahigpit ang damit niya sa may dibdib.

"‘Wag kang magsasalita na akala mo wala ka ring kasalanang ginawa. Hindi mo na ako kilala kaya 'wag mo 'kong huhusgahan! Simula ng nagkasyota ka, wala ka ng alam! Sino ba’ng unang nang-iwan at gumawa ng kagaguhan?" Galit niyang sagot sabay tulak sa aking kamay.

At siya nama’y aking sinumbatan. "Baka nakakalimutan mo. Mas masakit pa rin ang ginawa mo. At least ako maaga pa lang itinigil ko na ang 'di ko kayang tapusin. Ikaw? Kung kailang sasagutin ka na niya saka mo na lang siya bibitawan at 'di kakausapin bigla. Tapos ano? Ipinagpalit mo pa siya sa matalik na kaibigan niya!"

"Talaga? Itinigil mo agad pero sinabihan mo pa rin siyang may nararamdaman ka pa rin sa kanya kahit na nililigawan mo na pala iyong kaibigan niya? Alam ng buong klase na nililigawan mo siya pero ang sinisimplehan mo na pala talaga ay iyong isang kaibigan nya. Akala mo hindi ko alam? Umpisa pa lang di ka na totoo sa kanya!"

Gago lang. Napatigil ako sandali sa mga sinabi niya. Nasampal ako sa mukha ng isang malaking kasalanan at katotohanan na aking nagawa. Minahal ko naman talaga siya a. Crush na crush ko pa nga siya. Akala ko lang naman kasi wala talagang pag-asa. Akala ko hindi ako tatamaan ng ganito kahit na medyo napagtripan ko nga siya. Akala ko okay lang sa kaniya at di na niya gaanong dinamdam iyon dahil madali rin naman kaming nagkabati. Akala ko lang pala. Isa pala akong malaking PAASA.

"Ano ka ngayon? Hindi ka makaimik? Maswerte ka hindi ka pa kinakarma."

Nagdidilim na ang paningin ko at wala akong ibang maisip kundi pakawalan ang galit sa loob ng sistema ko. Akmang susuntukin ko na siya ng biglang bumukas ang pinto.

"Ano 'yan?! Nag-aaway kayo? Ano kayo mga bata?" Sigaw ni Aliyah pagbungad sa pinto pero mabilis ding tumalikod at tumakbo palabas.

Kung hindi ako nagkakamali, napansin kong umiiyak na si Aliyah. Shits. Nabitawan ko bigla ang damit ni Din at tinungo ko ang pintuan. Sumunod naman sa akin si Din na walang imik. At dito, sa corridor ng pension house, matatanawa na sa may balkonahe kung saan nakatanglaw ang maliwanag na buwan, umiiyak nga si Aliyah.

Nagkatinginan kami ng seryoso ni Din at sandali pang nanahimik.

"Puntahan mo. Patunayan mong ikaw nga ang mas deserving para sa kanya." Tanga lang. Sa dami ng pwedeng sabihin, iyon pa ang nasabi ko sa kaniya. Labag man sa kalooban ko, pero, nabitawan ko na.

Sa isang saglit ay humakbang na rin si Din patungo sa kinatatayuan ni Aliyah at sinadya pa akong bungguin sa kaliwang balikat.

Tahimik ko lang naman silang pinanood.

Tangina. Ang sakit pala talaga makitang nasasaktan mo iyong taong importante para sa’yo at ibang tao iyong umaalo. Pero ano nga bang magagawa ko? Wala naman akong karapatan. Mahal ko iyong girlfriend ko, pero 'di ko na itatangging sa sandaling ito, mahal ko pa rin pala iyong unang  taong minahal ko. Kinakarma na yata ako.

Inakbayan ni Din si Aliyah na hinayaan naman ng isa. Ni hindi ko man lang alam kung bakit siya umiiyak. Wala man lang ako sa tabi niya kahit bilang isang kaibigan.

Ang dami kong naisip at naalala. Hindi magkakaganito lahat kung nung una pa lang ipinag-ayos ko na. Kung medyo napagtiyagaan ko pa sana iyong katarayan niya at 'di pinilit ibaling ang atensyon sa iba edi sana... So far naging masaya naman ako sa girlfriend ko. Una at nag iisa, na supposedly si Aliyah sana. May palove letter pa nga akong nalalaman noon at sinabi ko talagang hihintayin ko siya, at may singsing pang peke sa marriage booth noong mga panahong gustong gusto ko pa siya. O siguro nga, masyado pa kaming mga bata noon at tanga sa pag-ibig. Kami na sana ang una at huli ng isa't isa kung nagkataon.

Ngunit marami ring pagkakataon na muli kaming nagkakasama at nagkikita kahit na noong kolehiyo dahil pareho kami ng departamento. Ang dami dami pa rin naming pagkakapareho kahit na para kaming mga aso't pusa kapag nag aasaran. Hindi naman kasi kami naging ganoon kabitter masyado sa isa't isa at naging suportado rin naman niya kami ni Ainah kapag may problema kaming dalawa. So inassume ko namang okay lang ang lahat sa loob ng maraming taon.

Aaminin ko, may mga pagkakataong naalala ko sya at nakukonsensya sa aking ginawa. Naiisip ko ring paano nga ba kung naging kami o paano kung bumalik iyong feelings o paano nga ba kung marealize kong hindi pa rin pala nawala?

7 years. Kagaguhan.

Hindi ko na kinaya pang panoorin sila ng mas matagal. Napagod din ako maghapon kaya napagdesisyunan kong pumasok na sa kwarto at ayusin ang sarili ko. Itutulog ko na lang ito.

For the Second TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon