Napagod ako. Nakakaloko lalo ang bakasyong ito. Nadagdagan pa lalo ang mga iniisip ko.
Inilapag ko sa higaan ang aking bag at isa-isang inilabas ang mga nilalaman nito. Nagulat ako nang makita ang paperbag ni Aliyah sa loob, iyong paper bag mismo na pinabitbit niya sa akin noon. Nakapagtataka lang talaga kung paanong hindi ko napansin na naisilid ko sa bag iyon. Ni hindi ko na rin matandaan kung hindi ko ba iyon naibalik sa kanya?
Kinuha ko iyon at sinilip ang mga nilalaman. May maliit na notebook, may cute na ballpen, at may tatlong piraso ng panyo na puro kulay asul. Hindi ko alam kung nananadya ba si Aliyah kasi lahat ng 'to nagpapalala sa akin ng tungkol sa kanya. Alam ko kung gaano kamahal ni Aliyah ang pagsusulat. Siya din yung tipo na mababaw ang luha sa mga bagay bagay. At pareho naming paborito ang kulay asul.
Sandali kong isinantabi ang pag-aayos ng aking mga gamit at pinagmasdan ko ang mga bagay na aking nakuha. Binuksan ko ang mumunting notebook at sa gitnang pahina ay natagpuan ko ang ilang nakasulat na salita na muling nagdulot sa akin ng kaba.
Hi. It's been a while since we last met. I don't even remember anymore when was the last time we personally talked to each other before we had that unexpected meet up. Thanks to them na rin siguro. I had the chance to catch up with you to know what you've been up to since we parted ways. I wasn't able to tell you I'm really proud of what you've achieved and who you are right now. You've already gone so far reaching your dreams in life, and yet ikaw pa rin yung JN na nakilala ko. Just keep it up. :) It's a bit funny though, we never thought we would have that same struggles as engineering students during our college days, and who knows we could also be co-engineers in a big project one day. Parang dati lang, mga jeje pa tayo, arguing over stupid little things. Dati tinatarayan pa kita tapos kinukulit mo ko lagi at pinapaiyak. But it's fine. That's life. We don't usually get what we wanted. God only gives what He knows we truly needed.
I'm pretty sure you'll also be able to move on. I was able to do so and I know you could also. Wala akong regrets. Always bear that in your mind. I'm happy for you and for Ainah. Stay strong lang kayong dalwa. Until we meet again. :) Thanks for everything JN!
Hindi naman ako bakla ngunit hindi ko talaga mapigilang hindi umiyak sa aking mga nabasa. Paano ba naman, Aliyah was my first love. Sa sobrang mahal ko siya, pinilit kong ibaling sa iba iyong pagmamahal ko sa pag-aakalang hindi pa siya handa o ayaw niya lang sa akin talaga. Pero gano'n talaga.. Sabi niya nga, that's life. Kailangan ko na ring magmove-on.
Marahil ay hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Sa huling pagpatak ng aking luha ay inaayos ko na ang aking mga gamit. Ang paper bag na iyon kasama ng liham na aking nakita noong nakaraang linggo ay ibabaon ko na sa limot at hinding hindi na muling bubuksan pa.
Salamat naman at nagtext na si Ainah. Kailangan ko nang bumawi sa kanya.
BINABASA MO ANG
For the Second Time
AdventurePara sa proud na nakamove- on. Para sa hindi pa rin makamove- on- move- on. Para sa nagkukunyari lang na nakamove on or nagmomove on. At para sa nag-aakalang nakamove-on na matapos ang mahabang panahon. Highest ranking as of 01/08/2021 🏆8 in #secon...