Special Chapter 6

0 0 0
                                    

"Aliyah!" Sigaw ni JN at halos hinahabol na siya palabas ng pinto.

"Ano?!" Iritado niyang sagot at nilingon ito. "Okay ka lang?!" Muli pa niyang tanong at umirap pa.

Nanood lang ako at  lumingon naman sa akin si JN. Ako, kalmado lang. Kahit na medyo napapaisip ako sa sinabi ng matanda ay hindi ko naman sa kanila pinaparamdam.

"Bakit ka ba affected? Ano naman kung makipag-usap ako? Nagiging magalang lang ako." May halo pa ring inis na bulyaw ni Aliyah.

"Bakit? May hindi pa rin ba nakakamove on dito sa ating tatlo?" Oops! Medyo naalarma ako do’n bigla. Ang sarkastiko ng pagkakatanong niya pero nakangiti pa rin siya. "Ikaw Din? Umamin ka! ‘Di ka pa rin ba nakakamove on sa akin kahit na nakailang girlfriend ka na?" Biglang baling niya sa akin habang tumatawa.

"‘Wag mo nang alamin. Ang init init dito. Tara na nga!" Natatawa kong sagot at umakbay pa sa balikat niya, itinutulak siya ng marahan para umusad. Pero mabilis niya iyong inalis at narinig ko ang pagtawa ni JN ng malakas.

Pinayungan ko si Aliyah habang naglalakad sa may unahan. Papunta na kami sa may palengke, doon naman daw mamamasyal.

Maayos naman kaming namili ng mga damit at kung anu-ano pang souveniers. Bumili na rin kami ng mga prutas na makakain.

Minsan gusto ko mainggit dahil kay JN niya pinipili magpabitbit ng mga binili niya. Pero okay lang, sa akin naman siya tumatabi ngayon para makisukob sa payong.

***
Inabot kami ng sobrang hapon kaya hindi na muna kami umuwi ng pension house. Maghihintay na kami ng gabi para maghapunan.

"Tara doon! May videoke oh!" Sigaw ni Aliyah habang hinihila ako sa braso. Wow ha, daig pa girlfriend ko kung kumaladkad a.

"Napakaganda ng panahon Aliyah,  sisirain mo?" Pang aasar ni JN sa kanya.

"Oh tara. Inuman kita." Aya ko naman na ngiting ngiti.

"Ano?! Hindi pwede!" Reklamo naman ni Aliyah.

"Sige ba. Gusto yan." Sagot ko ng hindi pinapansin si Aliyah. At tinawanan ko lang siya.

"Oy! Hindi ako matutulog kasama ninyo!!" Muli niyang saway sabay hampas sa braso ko.

"Relaks, Engr. Konti lang. Kumanta ka hangga’t gusto mo, di namin 'yon pipigilan." Natatawa pa ring sagot ni JN.

Sumang ayon naman ako at pumasok na kami sa isang karinderya kung saan sa may isang sulok nakapuwesto ang videoke.

Sarado pa iyon ng dumating kami at ang kapal lang ng mukha ni Aliyah na pabuksan ito para makakanta na siya.

"‘Wag kang magkakalat ha. Nakakahiya. Uuwi pa tayo ng Manila." Muli bilin ni JN kay Aliyah na tinawanan ko naman ng malakas.

Umorder na kami ng tatlong platong pansit at tig isang bote kami ng beer ni JN. Si Aliyah naman pumuwesto na ng maganda at nagsimula ng magscan ng mga kanta.

Konti pa lang naman ang taong kumakain dahil medyo maaga pa para sa hapunan. .

"At kelan ka pa natutong kumanta?" Muli  pang-aasar ni JN kay Aliyah.

Lumingon lang ito at tumingin sa amin ng masama. Si JN naman ay nagpipigil ng tawa.

At nagsimula na nga syang  kumanta. Wow ha. Right choice of song. Sayang na sayang.

♬ Sayang na sayang talaga

Nakapagsimula na kaming uminom pero tahimik lang kami ni JN. Masyado akong maraming iniisip. Dahil sa maaga kaming lumabas kaninang umaga ay hindi ko na nagawang i-charge ang aking cellphone kaya walang makulit na Nica. I-eenjoy ko na lang nga muna kung ano ang meron ako ngayon, dahil sa totoo lang, napapagod na rin ako intindihin at paliwanagan siya.

Nangangalahati na kami ni JN ng matapos siyang kumanta. Pero may isa pa pala! Gusto niya talagang magwala ha!

Hindi kami magkanda-ugaga sa katatawa ni JN nang pagdating sa chorus ay tumawa na lang ng tumawa si Aliyah at hindi na kumanta. Alone pala ha! Akala mo nga magaling talaga. Hahaha. Sa sandaling ito lang, nakatakas ako sa mga iniisip ko.

Pero may bago akong naisip, may bago kasing bumabagabag sa aking isip..

Hindi na niya tinapos pa ang kanta kaya tumayo ako at inagaw ang mikropono mula kay Aliyah. Natatawa naman niya itong ibinigay sa akin at patukso pa ngang isinuntok sa aking dibdib.

Dahil ikaw pa rin ang sinisigaw ng damdamin
Pilitin mang iwasan ka'y hindi ko magawa
Dahil ikaw pa rin..

10 years ago..gustong gusto ko siya.

At dahil nga dakilang torpe, hindi makaamin sa kanya. Naunahan ng JN na pabibo. Doon pa lang alam ko ng hindi niya ako mapapansin kahit na magpaka-sweet o magpakagentleman ako sa kanya, ramdam ko namang iba ang kumukuha ng atensiyon niya.

Gayunpaman, updated ako sa lahat ng bagay tungkol sa kaniya, sa kanila, hindi lang nga halata.

It took me 3 years bago nakapasok sa eksena. Kung hindi pa nabuking ng lahat ang kalokohan ni JN. Kung hindi pa naging sila ni Ainah at nasaktan ang damdamin ni Aliyah.

Halos isang taon ko rin siyang sinuyo suyo.

Kaso nga, dahil dakilang tunay na torpe, may tiyansa na pero sinayang ko pa.

Pero kahit na ilang taon na ang lumipas, aaminin ko marami pa rin akong what ifs. Kahit na nakailang failed relationship na ako, in between no’n nag-attempt pa rin naman akong ayusin ang sarili, baka sakaling may second chance nga.

Pero dahil nga pagdating sa kaniya, natotorpe talaga ako, urong sulong lagi ang pagreach-out ko sa kaniya.

Ika’y mahal pa rin..

Walang kakurap kurap na tinitigan ko si Aliyah habang kumakanta at siya nama’y tahimik na kumakain.

Posible nga ba? Posible nga bang ang damdamin na ’to ay hindi pa rin nawawala?

Nakita kong kumuha pa ulit ng dalawang bote ng beer si JN, dinagdagan ang inumin. Nakita ko ring sinuway siya ni Aliyah ngunit wala itong nagawa.

Natapos ko ang kanta at umupo na ulit ako sa tapat ni JN. Hindi ko naman sinasadya na masipa iyong paa niyang paharang-harang sa ilalaim ng lamesa pagkaupo ko. Tiningnan niya ako ng masama, bagay na nakapagpabuhay ng dugo ko, nanunubok yata ang lalaking 'to kaya nginisian ko.

Kumanta na ulit si Aliyah at hindi ko na siya gaanong napansin. Mas napansin ko kasi sa ngayon ang kinikilos ng lalaking nasa harapan ko.

Nagseselos ba siya? Hanggang ngayon ba nakikipagkumpetensiya pa rin siya? Isip ko habang tumutungga sa ikalawang bote ng beer.

"Tubig! Pengeng tubig!" Biglang tapik ni Aliyah sa lamesa habang umuubo ubo ngunit hawak pa rin ang mikropono.

Tatayo na sana ako nang biglang kumilos din si JN. At siya nga. Nagkakasukatan na  yata ng tingin.

Napansin na rin yata ni Aliyah kaya padabog siyang tumayo sa upuan. "Ako na lang! Pagkatapos, umuwi na tayo ha!"

At, isisi natin 'to sa huling kumanta, dahil right timing, umuulan na!

For the Second TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon