Kanina pa ako naiinis. Kanina pa kami dito ni Din sa NAIA kung bakit ba hanggang ngayon wala pa rin sila. Nakakaubos na ng pasensya. At sa wakas naman may sumagot na rin sa tawag ko sa kanila.
"Nasaan na kayo? Bakit ang tagal ninyo? Gardenit! Filipino time talaga kayo!"
Nanahimik ako at kumalma sandali. Si Din may kausap din sa cellphone niya sa may banda roon, girlfriend niya siguro.
"Ano?! Anong hindi? Ayan na nga nagtatawag na ng flight tapos bigla niyo na lang sasabihin na di na kayo tutuloy? Sinasayang nyo lang ticket niyo, ang yayaman niyo!"
"Hindi? Hindi kayo nagpabook ng flight? Ano palang gusto nyong gawin naming dalwa ni Din doon, magbakla-baklaan?"
"Hindi ako natutuwa. Wag kayong tumawa diyan. Mga walang hiya kayo, mga.." Hmf! Bago ko pa sila masabihan ng masamang salita ay pinatay ko na ang tawag ko. Narinig ko namang tinatawag na ulit ang flight papuntang Palawan at pangatlong beses na iyon.
"Huy. Ano? Iinjanin mo rin ako?" Tawag ko kay Din na hibang na hibang pa sa pakikipagusap sa telepono niya. Lumipas ang ilang sandali at nakita ko namang isinilid niya na rin iyon sa bulsa at sumunod sa may likuran ko.
"Anong nangyari, nasaan daw sila?" Inosenteng tanong ni Din.
"Mga gago yun. Ang titino kausap! Tutuloy pa ba tayo?" Napahinto naman ako sa pagkasabi ko at inilingon ang kausap ko.
"Eh nandito na tayo. Kung di naman pala sila nagpabook at pinagkaisahan lang tayo eh di ituloy na natin ito."
"Ew. Kadiri. Gayness. Hahaha. Sana pala yung girlfriend ko na lang ang sinama ko dito. Hmf! "
Badtrip! Pero natawa na lang din ako sa mga sinabi ko. Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad at napansin kong marami na ring tao. Pasakay na kami ngayon sa eroplano.
"Sino ba namang hindi gumusto noon? Wala eh. Wala, wasak na ang tropa. Minsan na nga lang ulit magsama sama na wala raw girlfriend na kasama, manloloko pa!"
Nailing ako sa sinabi niya. Minsan na nga lang ang tropa magkita kita dahil may mga trabaho na, tapos mga gunggong pa iyong lima. Mabigyan nga ng suntok sa mukha tig-iisa pagbalik ko. Hoo! Talaga naman!
***
Nakatulog ako sa biyahe. Nakatulog ako sa sama ng loob sa kanila. Potek, ang bakla ko na! Haha.
Nasa airport na pala kami ngayon ng Palawan. Pagbaba namin ng eroplano, napansin ko kaagad ang malawak na lugar na kamukha noong oval sa dati naming school. Syempre exaggeration iyon dahil walang sinabi iyon sa sobrang laki nito. Tapos muntik pa kong maasar pero hindi lang natuloy noong ang tagal lumabas ng bag ko sa checking machine. May naalala kasi ako. Alaalang dapat ng ibinabaon sa limot. Wew! Dimwit! Pwe.
So sumakay na kami ng multicab. Bakit nga ba kami sumakay dito? Hindi ko rin alam eh. Basta sumunod lang kami sa kanila. Medyo bahala na.
"Nagtext si Jaren. Sa Payuyo Pension House daw tayo tumuloy, huwag na sa hotel. Kadiri naman talaga." Biglang basag ni Din sa medyo awkward na katahimikan. Ew. Gayness talaga. Hahaha.
"Ayoko na. Pwede bang umuwi na?"
"Ngayon pa?!" At muntik na kong matawa sa pag-irap ng mata niya. Jusko Lord! Wala naman pong bibigay sa amin ngayon. May girlfriend ako. May girlfriend ako! Okay? At may girlfriend din sya! Hahaha talaga.
Huminto naman ang aming sinasakyan sa isang hindi pamilyar na lugar. Syempre, hindi talaga namin alam. Nagkayayaan lang ang tropa noong highschool na dito magaganap ang munting reunion. Rush pa nga iyon kasi nagpapromo bigla ng discount sa pamasahe. Hindi ko naman alam na hindi pala nagpabook iyong lima. Mga walang puso! Humanda talaga sila!
Ang medyo nakakainit pa ng ulo ay iyong tila hindi man lang nababahala si Din dahil busyng busy makipagtext sa girlfriend nya. Akala mo naman mga highschool na nagliligawan pa lang. Naku! Kung hindi lang busy iyong mahal ko ngayon sa trabaho, may ipangtatapat din ako sa kanya.
Naglakad lakad ako at nagtanong kung saan iyong Payuyo Pension House na tinutukoy ng aming kaibigan. Si Din? Ayun busy pa rin.
"Medyo malayo yun dito. Pero ayun, sakay kayo sa tricycle at pahatid kayo roon." Sagot sa akin ng isang tindera ng mais sa may sidewalk sa tapat ng gate ng isang malaking school.
Nagpasalamat naman ako syempre at maya maya may dumating na tricycle. Huminto kasi pinara ko. Lumapit na rin si Din. Medyo nagulat ako dahil kakaiba itong sasakyang ito sa mga karaniwang nakikita at nasasakyan ko. Mababa lang ang bubong at medyo mataba. Ibig kong sabihin, malaki ang space sa loob at apat ang pwede umupo pero mukhang pambata lang iyong dalwa. At syempre may backseat pa rin. Pero uulitin ko, ang baba talaga ng bubong. And yeah, first time 'to.
"Ano naman daw ang pinagkaiba ng Payuyo sa hotel?"
"Aba malay ko?" Gusto ko siyang taasan ng kilay pero hindi kasi ako marunong non. I'm not gay. "Payuyo? Baka house sa hotel?"
"Ganun din yun."
Ganun? At inatupag na naman niya ang cellphone niyang kanina pa siguro nag-iinit dahil walang tigil na ginagamit.
Huminto na ang tricycle at nagbayad kami ng sampung piso? Okay, hindi naman masakit sa bulsa.
Nakatayo na kami ngayon sa tapat ng isang house . . pension house . . Payuyo pension house . . Payuyo pension . . Payuyo. Basta! Mukha nga siyang bahay! Na two-storey? Na may bukas na gate. Pero sarado iyong pinto.
Nagdadalwang isip pa kami kung kakatok. Parang gusto ko ng manuntok. Pag ito ay kalokohan pa! P. Pigilan niyo 'kong magmura!
BINABASA MO ANG
For the Second Time
AventuraPara sa proud na nakamove- on. Para sa hindi pa rin makamove- on- move- on. Para sa nagkukunyari lang na nakamove on or nagmomove on. At para sa nag-aakalang nakamove-on na matapos ang mahabang panahon. Highest ranking as of 01/08/2021 🏆8 in #secon...