Special Chapter 5

0 0 0
                                    

Medyo napasarap ang aking tulog kaya medyo tinanghali ng gising. Nakatulugan ko na palang deadbatt ang aking telepono kaya pala walang makulit na Nica na pumuyat sa akin.

"Good morning!" Naalimpungatan ako sa masiglang bati ni Aliyah at pag aalok naman ni JN ng "Ano? Jogging? Tara na!"

Maya maya pa ay nasa labas na kami at tumatakbo takbo. Binabagtas namin ang kahabaan ng kalsada sa may gawing kanan ng Payuyo Pension House.

Hindi rin naman kalayuan ang aming naabot at nagpahinga na rin kami. Nakakita naman kami ng isang karinderya kaya kumain na rin kami ng umagahan. Pagkatapos naman maglakad lakad ng ilan pang sandali ay sumakay na rin kami ng tricycle pabalik sa aming tinutuluyan.

Maya maya naman ay nagparefill kami ng tubig sa may banda roon ng Gregorio Oquendo Memorial School. Nakita pa nga ulit namin si ate question mark na dati naming nakaenkwentro noong first day sa pension house. Kumakain siya sa isang maliit na canteen ilang hakbang lang sa may tapat ng eskwelahan. Nag-aalmusal pa lang siya at nakakuwentuhan din namin siya sandali.

"Honestly, nagbreak kasi kami no'ng boyfriend ko, just few days ago. You know, nag-uunwind lang ako from pain." Pagkukwento ni ate habang tinitinidor iyong pansit niya sa plato at may pilit na ngiti.

Nagaganahan pa yata magkuwento si ate pero hindi na rin kami nagtagal at kami'y  umuwi na. Sino ba naman kasi kami para makichismiss o makisawsaw pa sa lovelife niya.

Sa kadadaldal at kalalakad pa namin paikot ikot lang sa bayan ng Puerto Princesa, hindi na namin namalayan agad na tanghaling tapat na pala.

"Alasdose na pala. Kaya pala nagugutom na ako." Nangingiting sambit ni Aliyah habang halos patakbo takbong naglalakad papuntang pintuan ng Jolibee.

"Nagugutom ka na naman?! Kung anu-ano na ang kinain mo kanina ah!" Pambabara ni JN sa kaniya. Pero ang mga loko, nagtitigan lang at saka tinawanan ang isa't isa.

Medyo naalibadbaran ako sa eksena kaya nang akmang tumalikod na si Aliyah para pumasok sa loob, pinagbuksan ko siya ng pinto. Susulitin ko na lang ang komento niya nitong nakaraang araw na gentleman na ulit ako. Aminado naman talaga ako na simula noong nag-confess ako sa kanya maraming nagbago. Iyong tipong sa halip na maging close kami lalo sa personal, lalo bang naging awkward. Sa halip na aalalayan ko siya ay lalong umiral ang katorpehan ko. Iyong mga panahong mas inuuna ko ang sarili ko at pride ko kaysa pagsilbihan ko siya kasi nga sabi ko manliligaw na ako sa kanya. Pero ang dami ko pala talagang chances na sinayang noon at mga bagay na sobra ko na ngayong pinagsisisihan.

Hindi pa naman huli para bumawi, kaya muli ay sususlitin ko na ang nga pagkakataong nandito pa siya sa harapan ko, kaya dali-dali na akong umupo sa tabi niya bago pa man maunahan ng iba.

Hindi pa kami natatagalan sa pagkain nang biglang "Po?" Nagulat ako at  iniangat ang tingin sa nagsalitang si JN.

Hindi naman siya katandaan pero hindi ko maexplain iyong hitsura niya. Hindi siya mukhang karaniwang Tagalog dahil nakabandana siya sa ulo. Muslim yata? O? taga-India o kung tagasaang lupaplop man.

Ngunit tumingin at ngumiti siya sa amin. "Pwede bang maki-share ng lamesa at upuan iho? Puno na kase."

Nagulat din ako sa pagsalita niya ng Tagalog. Ngumiti na lang si JN at tumango. Nagpatuloy naman ako sa aking pagkain.

Nang mailapag na niya ang pagkain sa mesa at naupo sa bakanteng silya katabi ni JN ay nagulat kami sa bigla nitong pag-usisa, "Matagal na ba kayong magkakakilala?"

Kinabahan ako sa loob loob ko ngunit hindi nagpahalata. Weirdo!

At sa nakakatawang pagkakataon ay sabay pa kaming napatango ni Aliyah sa babaeng nakaupo sa aming tapat.

"Gaano kayo kalapit sa isa't isa?" Muli pa niyang tanong. Natigilan ako sa pag-nguya sandali.

"Sakto lang naman ho." Sagot ni Aliyah na tila nasamid ako kaya napaabot sa aking baso ng tubig.

"Masaya ba kayo?" Dagdag pa ng matanda.

"Masaya naman po. Kasi ngayon lang din po ulit kami nagkita kita." Kalmado at nakangiti pa rin niyang tugon.

Tahimik lang akong sumubo muli at kung minsa'y tumitingin rin sa matanda at kay JN.

"Talaga? Feeling ko hindi naman." Sagot nitong muli sabay ngumiti.

Sandali naman akong napatigil at pinanood ko siya habang nagbalik naman ng atensyon sa kaniyang pagkain.

"Ano ho ibig ninyong sabihin?" Sambit ko nang hindi na rin makapagpigil.

Ngumiti ang matanda. Lumingon pa nga kay JN at sa akin, nagtama ang aming mga mata. Napakaweirdo talaga.

"Kung anuman iyan, wag niyong kimkimin. Sige kayo, kayo rin ang mahihirapan at masasaktan. Kung ako sa inyo..." sandali siyang huminto at itinuro pa sa aming dalawa ni JN ang tinidor niya. "...ilabas ninyo 'yan. Mas gagaan pa ang loob at magiging mas masaya kayo kung masasabi ninyo iyan at mapapag-uusapan."

Weirdo na sa lahat ng weirdo. Ngayon lang ako nakaenkwentro ng ganito. Nakakapanindig balahibo.

Muli namang ngumiti ang matanda at sa isang saglit ay tumayo na.

"Mauna na ako sa inyo ha. Salamat sa pakikipag-usap."

Tapos na agad siyang kumain kahit na ang dami dami niyang sinabi? Ako nga halos wala pa pala sa kalahati ang nakain. (-_-)

For the Second TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon