Pinilit kong kumalma sa under the rain drama namin ni Aliyah kagabi. Hayop! Parang teenager lang na kinikilig.
Katulad naman ng mga nakaraang araw, kalmado pa rin si Aliyah. Panay pa rin ang ngiti niya dahilan kaya hindi mawala-wala iyong nararamdaman ko para sa kaniya.
Nagjogging ulit kaming tatlo patungo sa bayan at nag-almusal sa isang kabubukas pa lang na karinderya.
Ang dami ko na namang naalala. Parang noong kailang araw lang nagrereklamo ako kung bakit pa kami ulit nagkita, tapos ngayon parang ayoko na bumalik. Ilang araw na rin kaming di nag-uusap ng girlfriend ko. Lagot na talaga ako nito.
Nakapagkuwentuhan pa kami ng ilang sandali bago umalis. Napag-usapan namin ang mga bagay bagay na kailangang balikan sa Maynila. Isang rason kung bakit may mga bagay na hindi na dapat ipilit pa.
Magmove-on na lang tayo, ‘ika nga ni Aliyah.
Natapos na rin kaming mag-impake at sa bandang alas-nuwebe ng umaga, hinatid na namin si Aliyah sa PPIA. Mamayang alas-tres pa naman ng hapon ang flight namin ni Din.
Ipinagdala ko siya ng maliit niyang maleta at pinayungan naman siya ni Din. Ito na yata ang huling beses na makakagawa kami ng mga ganitong bagay para sa kaniya. Magbabago na ulit lahat pagbalik namin ng Maynila.
"Salamat. Salamat ulit sa lahat." Biglang sambit ni Aliyah na may isang malapad na ngiti habang nakaupo kami at naghihintay ng flight.
Magalang naman kaming tumango at ngumiti bilang tugon.
"Ayaw niyo talagang magpalibre? Parang gusto ko muna magkape doon." Dagdag pa niya.
Umiling lang si Din at sinabi ko namang "Ikaw na lang. Hintayin ka namin dito."
Nainip na rin ako sa paghihintay mag isa kasi nag-cr sandali si Din. Sinundan ko si Aliyah na umiinom na ng kanyang kape. Tahimik lang akong naglakad sa may likuran niya at nang ‘di niya namamalayan ay tinakpan ko ng kamay ko ang kanyang mga mata.
"Din! Kayo ha. Tigil na ang kalokohan."
Medyo napasimangot ako sa pag-aakala niya sa akin na si Din. Madalas ko pa mandin iyon ginagawa sa kaniya dati. At alam ko rin hindi naman siya ginaganun ni Din.
"Andiyan na si Din. Nagtatawag na. Tara na, hatid ka na namin."
"‘Wag na. Okay na ‘ko. Maraming salamat." At muli ay ngumiti siya ng matamis.
Maya maya pa ay palapit na rin si Din at iniabot ang maleta ni Aliyah. Sinamahan pa namin siya hanggang labas at pinanood na lang siya paakyat sa pintuan ng eroplano.
*****
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtingin ng messages. Wala pa ring Ainah na nagtetext.
Naglakad na lang kami pabalik at muli naming sinulyapan ang mga dati naming pinuntahan. Ang Mendoza's Park, NCCC Mall, ang Mang Inasal, iyong kalsada papuntang palengke, ang mga tindahan at karinderya na binilhan at kinainan namin, ang videoke, ang puno doon sa may kanto, at ang Jollibee. Halos sa bawat sulok ng lugar na ito, si Aliyah tuloy ang naaalala ko.
Marahan kong itinulak ang salamin na pintuan ng Jollibee. Sa loob ng kainang ito, marami ring memories. Isama mo pa iyong weirdong matanda na naencounter namin. Kingina. Ang drama ko na naman talaga! Hahahahaha.
Pumila na ako at nag-order na ng paborito kong Jolly Spaghetti. Si Din naman humanap agad ng bakanteng upuan.
"Oh ba't isa lang? Yung sa'kin?" Bungad sa akin ni Din nang mailapag ko sa mesa ang isang plato ng spaghetti at isang baso ng coke.
BINABASA MO ANG
For the Second Time
MaceraPara sa proud na nakamove- on. Para sa hindi pa rin makamove- on- move- on. Para sa nagkukunyari lang na nakamove on or nagmomove on. At para sa nag-aakalang nakamove-on na matapos ang mahabang panahon. Highest ranking as of 01/08/2021 🏆8 in #secon...