Maaga akong nagising. Sinigurado ko talagang maaga akong magigising. Pero bakit ganun? Sila naman ang tulog pa! Garden it. Pinagkakaisahan ba nila ako?
Kinuha ko na lang iyong tablet ni Din sa kanyang bag at naglaro muna. Hindi na ako nagpaalam kasi..wala, hindi na rin naman niya malalaman. Bago pa man siya magising ay ibinalik ko rin agad sa lagayan.
Halos isang oras din akong naghintay na magising sila.
"Good morning!" Matamis ang ngiti at bati ni Aliyah. Shet! Tipong hindi pa nga nagsusuklay ng buhok at nagto-tooth brush pero – – Tangna. Napabulong ako sa isip ko. Iyong mga ganito niyang awra, hindi ko talaga kinakaya. 😔
Hindi pa natatagalan ay nagising na rin si Din.
"Ano? Jogging? Tara na!" Bumangon na rin si Aliyah at ngumiti na naman siya.
Maya maya pa ay nasa labas na kami at tumatakbo takbo. Binabagtas namin ang kahabaan ng kalsada sa may gawing kanan ng Payuyo Pension House.
Hindi rin naman kalayuan ang aming naabot at nagpahinga na rin kami. Nakakita naman kami ng isang karinderya kaya kumain na rin kami ng umagahan. Pagkatapos naman maglakad lakad ng ilan pang sandali ay sumakay na rin kami ng tricycle pabalik sa aming tinutuluyan.
Maya maya naman ay nagparefill kami ng tubig sa may banda roon ng Gregorio Oquendo Memorial School. Nakita pa nga ulit namin si ate question mark na kumakain sa isang maliit na canteen ilang hakbang lang sa may tapat ng eskwelahan. Nag-aalmusal pa lang siya at nakakuwentuhan din namin siya sandali.
"Honestly, nagbreak kasi kami no’ng boyfriend ko, just few days ago. You know, nag-uunwind lang ako from pain." Pagkukwento ni ate habang tinitinidor iyong pansit niya sa plato at may pilit na ngiti.
Kaya pala. Kaya pala! Hahahaha. Kaya pala mukhang haggard much pa si ate noong first time namin siyang maencounter sa Payuyo, remember? 😅
Pero hindi na rin kami nagtagal at kami’y umuwi na. Sino ba naman kasi kami para makichismiss o makisawsaw pa sa lovelife niya. Girlfriend ko nga mismo pinagtataksilan na yata ng feelings ko e. Wala na talagang mapagkakatiwalaan sa mundo ._.
Sa kadadaldal at kalalakad pa namin paikot ikot lang sa bayan ng Puerto Princesa, hindi na namin namalayan agad na tanghaling tapat na pala. Buti pa yung tanghali, tapat. K. Hahahaha.
"Alasdose na pala. Kaya pala nagugutom na ako." Nangingiting sambit ni Aliyah habang halos patakbo takbong naglalakad papuntang pintuan ng Jolibee.
"Nagugutom ka na naman?! Kung anu-ano na ang kinain mo kanina ah!' Pambabara ko sa kanya. Pero ang loko, tinitigan lang ako ng seryoso sabay tinawanan at -shit! Isa pang tingin ng ganyan at ngiti, matutunaw na talaga ako Aliyah!
Gaano ko nga ba namiss ang tawa at ngiti at presensya ng taong ito?
Kingina. Napatanga ako dun a!
Hindi ko na tuloy namalayan agad na pinagbuksan na pala siya ng pintuan ni Din. Nagpapakagentleman ang potek. Haha! Ako dapat ang gumagawa nun! Ano ba naman 'tong mga naiisip ko. -_-
Nakaorder na kami. At masaya na sanang kakain. Kaso, 5-2. Magkatabi na naman kasi sila ni Din. Hindi ko malaman kung saan humuhugot ng pang-da-moves itong si Din, samantalang ako dapat ang nakakaisip nang mangtaksil ngayon dahil hindi pa rin tumatawag o nagtetext yo’ng girlfriend ko. Nakakabanas naman. -_-
Hindi pa kami natatagalan sa pagkain nang biglang may sumiko sa balikat ko.
"Po?" Nagulat talaga ako paglingon ko.
Hindi naman siya katandaan pero hindi ko maexplain iyong hitsura niya. Hindi siya mukhang karaniwang Tagalog dahil nakabandana siya sa ulo. Muslim yata? O taga-India o kung tagasaang lupaplop man.
Ngunit ngumiti siya. "Pwede bang maki-share ng lamesa at upuan iho? Puno na kase."
Nagulat naman ako sa pagsalita niya ng Tagalog. Ngumiti na lang ako at tumango.
Inilapag na niya ang pagkain sa mesa at bago umupo ay hinawi muna niya ang mahabang saya.
"Matagal na ba kayong magkakakilala?" Bungad ng matandang babae pagkaupo sa tabi ko.
Kinabahan agad ako. Manghuhula pa yata ito. Susginoo!
Magiliw namang tumango iyong dalwa ko pang kasama na nakaupo sa may tapat namin.
"Gaano kayo kalapit sa isa't isa?" Muli pa niyang tanong. Shit! Ayon sa aking pakiramdam, hindi yata magandang usapan ang patutunguhan nito. Hindi tuloy ako sumagot. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.
"Sakto lang naman ho." Napaangat ako ng tingin at sa isang sandali ay nahuli ko ang mga mata ni Aliyah. Nakangiti pa rin siya at sandali lang ay bumalik ang tingin niya sa kausap na matanda. Wow a, ang tapang!
"Masaya ba kayo?"
Parang nagising bigla lahat ng mga ugat sa buong katawan ko at nag-uunahan nang dumaloy ang dugo sa muling pagtatanong ng matandang katabi ko. Nakuha ko naman ang tingin ni Aliyah at tiningnan ko siya ng makahulugang tingin. Pero ang tigas ng ulo niya.
"Masaya naman po. Kasi ngayon lang din po ulit kami nagkita kita." Kalmado at nakangiti pa rin niyang tugon.
Naiinis na ako. Isa pang maling sagot Aliyah, hihilahin na kita palabas. Si Din, tahimik lang na kumakain at kung minsa'y tumitingin rin sa matanda.
"Talaga? Feeling ko hindi naman." Sagot nitong muli sabay ngumiti.
Sandali naman akong napatigil at pinanood ko siya habang nagbalik naman ng atensyon sa kaniyang pagkain.
"Ano ho ibig ninyong sabihin?" Nagtataka namang tanong ni Din. Himala, nagkaboses din siya.
Ngumiti ang matanda. Lumingon pa nga sa akin at tiningnan ako sa mata. Napakaweirdo. Imba.
"Kung anuman iyan, wag niyong kimkimin. Sige kayo, kayo rin ang mahihirapan at masasaktan. Kung ako sa inyo..." sandali siyang huminto at itinuro pa sa aming dalawa ni Din ang tinidor niya. "...ilabas ninyo 'yan. Mas gagaan pa ang loob at magiging mas masaya kayo kung masasabi ninyo iyan at mapapag-uusapan."
Napatunganga ako at pakiramdam ko'y may isang malaking buto ng manok ang bumara sa aking lalamunan. Wala akong masabi.
Muli namang ngumiti ang matanda at sa isang saglit ay tumayo na.
"Mauna na ako sa inyo ha. Salamat sa pakikipag-usap."
BINABASA MO ANG
For the Second Time
AdventurePara sa proud na nakamove- on. Para sa hindi pa rin makamove- on- move- on. Para sa nagkukunyari lang na nakamove on or nagmomove on. At para sa nag-aakalang nakamove-on na matapos ang mahabang panahon. Highest ranking as of 01/08/2021 🏆8 in #secon...