Chapter 2

46 2 0
                                    

Ako na ang kumatok tapos itinulak ko si Din sa harap ng pinto. Hindi naman ako ganoon kasama. Medyo lang. Pero bago pa man niya mahawakan iyong doorknob ay bumukas na ang pinto.

Hindi man lang tumingin sa amin iyong babae pero nag-excuse me siya kaya umalis kami sa dadaanan niya. Noong nakalampas na siya saka lang ako nakaisip ng bright idea. Ting!

"Uhm Miss pwede po magtanong?"

Humarap naman agad ang babae at doon ko lang narealize na hindi na pala siya Miss dahil mukha na siyang Misis. Joke! Shattap me and my big mouth.

"Ito po bang bahay nag-aaccomodate talaga ng mga bisita, turista...?" Hindi ko na alam ang idudugtong ko kaya medyo nahuli ko talagang itaas iyong boses ko na nagsasabing nagtatanong ako.

Ngumiti naman siya. Muntik ko na rin ngang bawiin ang sinabi ko tungkol sa kanya kanina. Haha. "So bakasyonista rin kayo? Oo, actually dito nga ako nagsstay ngayon. Pasok lang kayo sa loob."

"Ah, thankyou po." Nauna pa sa akin si Din magpasalamat.

So pumasok na nga kami. Medyo maliit lang nga ang space kung ikukumpara mo sa mga karaniwang hotel.

Naglalakad na kami patungo sa receptionist nang mapansin ko ang isang babaeng nakatalikod sa amin na hindi naman katangkaran pero may hugis naman ang katawan. Pfft! Sabi ko nga may girlfriend na ako! At bago pa man kami makalapit doon, humarap na siya sa amin.

Napanganga ako.

Napanganga rin siya.

At nakanganga na rin pala si Din.

Hindi ako mahilig mag-english pero napa-english talaga ako. "What are you doing here? What a coincidence, you know!" Hindi ko na rin mapigilang matawa. Naspeechless naman si Din.

Hindi siya sumagot pero nagtikom na siya ng bibig. Hindi naman kasi ako nagjojoke noong sinabi kong nagngangahan kaming tatlo. At mag-eenglish ulit ako dahil gusto kong sabihin na as usual, she rolled her eyes. Hahaha.

"Engr. Aliyah! Nice to meet you again. Great timing!" Sa wakas, natauhan na rin si Din.

Bago pa man ako makapagsalita ulit, itinulak niya kaming dalwa ng marahan palayo doon sa reception area.

"Oy! Naiinis ako diyan kay Aira ha!" Sabi niya na hindi man lang pinansin iyong pagbati namin kanina.

"Aba malay ko? Ba't sa amin mo sinasabi yan?" Ayoko sumigaw dahil baka maalarma iyong ibang tao. Mabuti na lang at bukas ang tv sa may lobby at naroon ang attention ng mga tao na kung bibilangin ko ay wala pang sampu.

"Sinong nagplano nito?" Pataray niyang tanong. As usual ulit, masungit siya pero nasanay na ako sa kanya.

"Nito? Nalin? Pumunta kami dito kasi may sarili kaming plano. Aba malay namin sa'yo?" Si Din naman ang sumagot.

"Great. Ang galing nilang mangset up ano?" Sarkastiko niyang sagot.

"Nino??" Sabay naming sabi ni Din.

"Ng tropa niyo at ng bestfriend ko? O ng buong klase natin siguro?"

Oo nga 'no. Hindi ko kagad naisip iyon. Highschool reunion na ba 'to? Eh bakit kami lang tatlo??!

"Teka nga, baka gusto mong magcheck-in muna kami?"

"Oo nga kanina pa kami nagugutom. San ba'ng kwarto mo?"

"Ano?!" At sumama ang tingin ni Aliyah kay Din.

"Hoy ano yan!" Sabay bigay ko naman ng isang kutos sa ulo ni Din. Paraparaan din ito eh! Hahaha.

"Kalma lang. Para makatipid tayo! Para namang hindi pa tayo nakatulog niyan ng magkakasama ng maraming beses."

"Ano daw??" At tumaas pa lalo iyong kilay ni Aliyah. Gusto ko na talaga matawa! Haha.

"Chill lang. Highschool memories, youth camps, competitions sa labas ng school, overnight pag may projects or birthday occasions. Para namang hindi rin tayo tropa nyan. Solid section natin dati diba."

Natahimik siya sandali. Mukhang nahirapan pa siyang magsalita. "A.. O..kay?"

Nakipag-usap na kami sa receptionist at dahil single room iyong iooccupy niya sana ay pinalipat namin siya. Kachecheck-in lang din naman daw niya kani-kanina. Umakyat na kami sa second floor, room 04.

"Ito iyong mismong kwarto namin dati!" Komento ni Aliyah pagkapasok na pagkapasok ng pinto.

Nagtaka ako sandali pero naalala ko rin agad kung anong ibig niyang sabihin. "Oo nga pala, galing ka na dito noong 2nd year highschool tayo." Iyon yung naging idol ko siya ulit dahil ipinanglaban siya ng aming school sa Science quiz bee regional competition. Ang galing galing talaga ng Aliyah ko, ..namin pala. *wink. Haha.

"Memories." Dagdag pa niya na nakangiti habang nag-aayos ng mga gamit niya sa lamesa.

"Teka, ano ba kasing nangyari kay Aira?" Tanong ko, paninira ng moment niya sa pagthothrow back.

"Pwede bang mamaya na lang 'yan? Nagugutom na talaga ako." Reklamo naman ni Din.

Lumabas na kami at iniwan ang susi. Nagmukha tuloy kaming body guard bigla dahil sunod ng sunod lang kaming dalawa kay Aliyah. Siya pa nga iyong pumara ng tricycle.

Parang natameme ako bigla at gusto ko na ulit humanga sa kanya. Bilib na rin ako sa tapang niya na makarating dito mag-isa samantalang noong nag-aaral pa kami sobrang iyakin niya. Ilang beses ko na rin siyang pinaiyak, you know.

Okay, awkward. Gayness na naman. Ang drama ko na. Hahaha. Hindi kasi kami nag-iimikan ni Din dito sa loob. Sa backseat kasi umupo si Aliyah at hindi ko malaman kung sino sa aming dalawa ang iniiwasan niya. O baka naman kaming dalawa pareho?

Muntik na naman akong ma-tanga noong naglalakad kami papasok ng Jolibee nang bigla siyang magsalita.

"Ano JN? Okay ka lang?" At ngumiti pa siya ng nakaka--tunaw ng puso.

Aww! May girlfriend na ako ngayon, please? Wag ganyan ╯︿╰

Narinig ko namang tumawa lang ng malakas si Din at saka nagtuloy tuloy na sa loob.

Ang awkward. Shet! Ilang beses ko na ba sinabing ang awkward? Ako lang ba nakakaramdam non? Ibang iba sa feeling kapag usual get together lang o kapag kasama ang buong klase namin. (--〆)

Inoccupy namin iyong table na malapit sa may dingding na salamin. Para sa apat na tao ang upuan kaya nag-skip ako ng isa at doon sa pinakadulo umupo. Medyo gusto kong suntukin ang sarili ko dahil natalo ako ni Din at magkatabi sila ni Aliyah ngayon. Pero okay lang, I'm not jealous. Ano daw??!

"Sa pagkakatanda ko, dito kami dati naglunch. Tapos dinner sa Mang Inasal noong first day. Actually hindi pa kami sa Payuyo nagsstay noon. Tumulog lang kami ni Gail the whole afternoon kasi umulan noon. At iyong paglipat natin, ko pala, reminded me of the kalokohang pinagawa samin ni Sir Garry dati and.."

"Okay tama na. Nakwento mo na yan dati eh." Pang-aasar ko at pinutol iyong sasabihin pa sana niya.

"Talaga? Hindi ko matandaang naikwento ko na yan sa inyo." Kumunot ang noo niya at ngumuso pa.

"Hahahahaha." Hindi ko mapigilang matawa. Lumalabas iyong dating Aliyah na pikon, pilya, maldita, madaldal, masungit, pero cute at matalino. Naalala ko tuloy iyong polo ko na itinapon niya sa kanal noong first year kami, dahil lang sa sobra kaming tinutukso sa isa't isa. Imagine mo yon? Ang sama sama niya! Hahaha! Inamin ko namang ako mismo ang naglagay noon sa upuan niya kasi nga crush na crush ko siya. Pero nagsisi ako dahil ako ang pinaglaba ni mama! HAHA. Memories! Saka ko lang napansing mukha na kong tangang ngumingiti dito. Mabuti na lang at nag-ehem ehem si Din at nagtanong ulit kung ano na nga bang nangyari kay Aira.

"Nakuu! Iyong babaeng yun! ... "

Magsisimula pa lang siyang magkwento nang biglang umagapay si Din at nagsalita. "Oh teka lang. Relax! Uminom ka nga muna ng malamig. Highblood agad! Hahaha." Sabay tulak ng baso ng coke palapit sa kanya.

Nagtawanan na kaming tatlo at nagkuwento na nga siya. Halos isang oras din mahigit kaming umupo at kumain doon.

Nakalimutan ko sandali ang aking inis sa mga tropa kanina. Napalitan ito ng pagkasabik at saya.

For the Second TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon