Pagkatapos kumatok ay itinulak ako ni JN palapit sa pinto. Pero bago ko pa man mahawakan iyong doorknob, ay bumukas na ito.
Iniluwa nito ang babaeng hindi naman kagandahan, mejo chubby, pero makolorete sa katawan. Basta ang alam ko ilang sandali lang kausap na ito ng kasama ko.
"Ito po bang bahay nag-aaccomodate talaga ng mga bisita, turista...?"
Ngumiti naman siya at malambing na sumagot. "So bakasyonista rin kayo? Oo, actually dito nga ako nagsstay ngayon. Pasok lang kayo sa loob."
"Ah, thankyou po." At inunahan ko na si JN na magpasalamat para naman may masabi ako.
So pumasok na nga kami. Medyo maliit lang nga ang space kung ikukumpara mo sa mga karaniwang hotel.
Naglalakad na kami patungo sa receptionist nang mapansin ko ang isang babaeng nakatalikod sa amin na hindi naman katangkaran pero may hugis naman ang katawan. Pfft! Sabi ko nga may girlfriend na ako! At bago pa man kami makalapit doon, humarap na siya sa amin.
Napanganga ako.
Napanganga rin siya.
At nakanganga na rin pala si JN.
"What are you doing here? What a coincidence, you know!" Biglang sambit ni JN habang ako naghahanap pa ng tamang salita.
Hindi siya sumagot pero nagtikom na siya ng bibig. Hindi naman kasi ako nagbibiro noong sinabi kong nagngangahan kaming tatlo. At katulad ng palagi, inikutan lang kami ng mataray niyang mga mata.
"Engr. Aliyah! Nice to meet you again. Great timing!" Sa wakas, natauhan na rin ako.
Bago pa man ako makapagsalita ulit, itinulak niya kaming dalwa ng marahan palayo doon sa reception area.
"Oy! Naiinis ako diyan kay Aira ha!" Sabi niya na hindi man lang pinansin iyong pagbati namin kanina.
"Aba malay ko? Ba't sa amin mo sinasabi 'yan?" Marahang sigaw ni JN kundi baka maalarma iyong ibang tao. Mabuti na lang at bukas ang tv sa may lobby at naroon ang attention ng mga tao na kung bibilangin ay wala pang sampu.
"Sinong nagplano nito?" Pataray niyang tanong. As usual ulit, masungit siya pero nasanay na kami sa kanya.
"Nito? Na'lin? Pumunta kami dito kasi may sarili kaming plano. Aba malay namin sa'yo?" Tugon ko.
"Great. Ang galing nilang mang-set up ano?" Sarkastiko niyang sagot.
"Nino??" Sabay naming sabi ni JN.
"Ng tropa niyo at ng bestfriend ko? O ng buong klase natin siguro?"
Ahhh. Hindi ko rin ka'gad naisip iyon. Highschool reunion na ba 'to? Eh bakit nga kami lang tatlo??!
"Teka nga, baka gusto mong magcheck-in muna kami?"
"Oo nga kanina pa kami nagugutom. Sa'n ba'ng kwarto mo?"
"Ano?!" At sumama ang tingin ni Aliyah sa akin.
"Hoy ano 'yan!" Sabay kutos ni JN sa ulo ko.
"Kalma lang. Para makatipid tayo! Para namang hindi pa tayo nakatulog niyan ng magkakasama ng maraming beses." Mga malisyoso hahaha.
"Ano raw??" At tumaas pa lalo iyong kilay ni Aliyah. Gusto ko na lang matawa! Hahaha.
"Chill lang. Highschool memories, youth camps, competitions sa labas ng school, overnight 'pag may projects or birthday occasions. Para namang hindi rin tayo tropa n'yan. Solid section natin dati diba." Sagot ko.
Natahimik siya sandali. Mukhang nahirapan pa siyang magsalita. "A.. O..kay?"
Nakipag-usap na kami sa receptionist at dahil single room iyong iooccupy niya sana ay pinalipat namin siya. Kachecheck-in lang din naman daw niya kani-kanina. Umakyat na kami sa second floor, room 04.
"Ito iyong mismong kwarto namin dati!" Komento ni Aliyah pagkapasok na pagkapasok ng pinto.
Nagtaka ako sandali pero naalala ko rin agad kung anong ibig niyang sabihin nang sumagot si JN. "Oo nga pala, galing ka na dito noong 2nd year highschool tayo." Iyon 'yong mga panahong crush na crush ko siya kasi ipinanglaban siya ng aming school sa Science quiz bee regional competition at nanalo siya. Kaya lang hindi pa ako makapagtapat dahil alam kong ibang tao ang hinihintay niya.
"Memories." Dagdag pa niya na nakangiti habang nag-aayos ng mga gamit niya sa lamesa.
"Teka, ano ba kasing nangyari kay Aira?" Tanong ni JN, paninira ng moment niya sa pagthothrow back.
"Pwede bang mamaya na lang 'yan? Nagugutom na talaga ako." Reklamo ko naman.
At iyon, lumabas na kami at iniwan ang susi. Nagmukha tuloy kaming body guard bigla dahil sunod ng sunod lang kaming dalawa kay Aliyah. Siya pa nga iyong pumara ng tricycle.
Parang natameme ako bigla. Noon ko napagtantong ang dami na ngang nagbago sa kanya. Ang lakas na ng loob niya. Independent na siya talaga. Ang dami ko tuloy na tanong, at isa na don ang ‘iyakin pa kaya siya?’. Alam ko kasing sa akin at dahil na rin sa akin, maraming beses na siya umiyak dati.
Hindi kasi kami nag-iimikan ni JN dito sa loob ng tricycle. Sa backseat kasi umupo si Aliyah at hindi ko malaman kung sino sa aming dalawa ang iniiwasan niya. O baka naman kaming dalawa pareho?
Nasaksihan ko naman ang eksenang ito noong naglalakad kami papasok ng Jolibee, nang bigla magsalita si Aliyah..
"Ano JN? Okay ka lang?" At ngumiti pa siya ng nakaka--tunaw ng puso.
Aww! Bakit parang pati ako tinatamaan? ╯︿╰
Pero binalewala ko na laang iyon, ipinagkibit balikat at tinawanan nang malakas silang dalawa.Mejo awkward. Pero mas pinili kong manahimik. Ibang iba sa feeling kapag usual get together lang o kapag kasama ang buong klase namin. (--〆)
Inoccupy namin iyong table na malapit sa may dingding na salamin. Para sa apat na tao ang upuan at pinili ko ang sa tabi ni Aliyah.
Hindi ko pa lubos maisip kung bakit ko nagawa iyon pero nagsimula na siyang magkwento.
"Sa pagkakatanda ko, dito kami dati naglunch. Tapos dinner sa Mang Inasal noong first day. Actually hindi pa kami sa Payuyo nagsstay noon. Tumulog lang kami ni Gail the whole afternoon kasi umulan noon. At iyong paglipat natin, ko pala, reminded me of the kalokohang pinagawa samin ni Sir Garry dati and.."
"Okay tama na. Nakwento mo na yan dati eh." Pang-aasar ni JN at pinutol iyong sasabihin pa sana niya.
"Talaga? Hindi ko matandaang naikwento ko na yan sa inyo." Kumunot ang noo niya at ngumuso pa.
"Hahahahaha." Tinawanan lang siya ni JN at medyo nakiasar na ako sa kaniya. Pero sa pakiwari ko ay may laman ang mga tingin at ngiti ng aking tropa kaya “Ehem ehem. Ano na nga bang nangyari kay Aira?” ang basag ko sa momento ng dalawa.
"Nakuu! Iyong babaeng 'yon! ... "
Magsisimula pa lang siyang magkwento pero inagapan ko agad. "Oh teka lang. Relax! Uminom ka nga muna ng malamig. Highblood agad! Hahaha." Sabay tulak ko ng baso ng coke palapit sa kanya.
Nagtawanan na kaming tatlo at nagkuwento na nga siya. Halos isang oras din mahigit kaming umupo at kumain doon.
Nakalimutan ko sandali ang aking inis sa aming mga tropa at sa wakas ay natahimik din ang girlfriend kong medyo maldita.
BINABASA MO ANG
For the Second Time
AvventuraPara sa proud na nakamove- on. Para sa hindi pa rin makamove- on- move- on. Para sa nagkukunyari lang na nakamove on or nagmomove on. At para sa nag-aakalang nakamove-on na matapos ang mahabang panahon. Highest ranking as of 01/08/2021 🏆8 in #secon...