"Dito ka nang makatulog ka," tawag ni Wind sa akin saka niya tinapik ang balikat niya.
Mula sa pagtitingin sa ilang mga vinyls niya na nandirito sa studio ay naglakad na rin ako palapit sa kanya. Sinamahan ko siyang maupo roon sa fur carpet sa tapat ng sofa niya. Habang siya ay nakasandal doon sa paanan ng sofa ay inilagay niya naman ang ulo ko sa balikat niya. Marahan naman akong napangiti saka ko ipinikit ang mga mata ko.
"Kanina pa kayong umaga sa publishing, ang dami mo ring ginagawa kaya dapat nagpapahinga ka rin. Hindi pwedeng ako lang lagi ang paaalalahanan mo. Okay?" mahinang bulong ni Wind na nagpatango naman sa akin.
"Ang ganda rito, Wind," sambit ko. Naramdaman ko pa ang saglit na paggalaw ng ulo niya, mukhang tinatanaw ako kahit na nakasandal na ko sa balikat niya.
Inilagay niya naman ang kamay niya sa balikat ko saka ako mas inilapit sa kanya. "Maganda ngayon dito kasi nandito ka, kasama kita."
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko saka ako napaangat ng tingin sa kanya. Maliit siyang ngumiti. 'Yung tingin niya sa 'kin, parang hindi pa rin siya makapaniwala na kasama niya ako. There's a sense of longing... and a comforting warmth.
He reached for my face and kissed my forehead gently. "Thank you... for coming back to me and for making me feel at home again."
Ipinulupot ko ang magkabilang-kamay ko sa baywang niya saka ako marahang sumandal sa dibdib niya. Muli kong ipinikit ang mga mata ko para yakapin siya nang mahigpit.
You feel like home. You always feel like home, Wind. How can I not go back?
"Do you want to sleep?"
Marahan akong tumango. "Hmm."
"Kantahan kita?"
Lumabas ang isang maliit na ngiti sa labi ko saka ako muling tumango, mas humigpit pa ang yakap sa kanya.
Narinig ko pa ang mahina niyang pag-klaro ng boses bago unti-unting tinapik ang likuran ko kasabay ng pagkanta niya.
"I wanna make you smile whenever you're sad..." bulong na pagkanta niya sa tainga ko. "Carry you around when your arthritis is bad, all I wanna do... is grow old with you."
He chuckled a bit when he saw me pursing my lips to hide my smile. Inabot pa niya ang buhok ko para marahang guluhin. "I'll get your medicine when your tummy aches. I'll build you a fire if the furnace breaks, it could be so nice... growing old with you."
Nang idilat ko ang isang mata ko para silipin siya ay nakangiting napailing lang siya bago niya tinakpan ang mga mata ko para muli akong pumikit. "Tulog na, mahal."
Bahagya rin siyang natawa nang matawa ako kaya sinunod ko na lang siya. Nagpatuloy naman siya sa pagkanta at sa pagtapik sa likuran ko. "And I'll miss you. I'll kiss you. I'll give you my coat when you are cold. I'll need you and I'll feed you, it could be so nice... growing old with you."
Marahang hinalikan ni Wind ang tuktok ng ulo ko bago niya kinanta sa mismong tainga ko ang huling linya.
"I wanna grow old with you..."
Sa paglipas ng mga araw ay mas naging abala pa kami sa iba't ibang bagay.
Patapos na ang pag-aasikaso nila Wind sa paglipat sa BTL kaya napapadalas na rin ang pagpunta namin doon lalo na kapag naisasama ako ni Wind sa ilang errands niya kapag free time ko at wala akong schedule sa publishing.
BINABASA MO ANG
Every End of the Day
Lãng mạnAlazne Grace, from the Film Department of College of Performing Arts, had numerous unexpected encounters with Wind, the main vocalist and guitarist of AU's band, until this simple interaction evolved to something deeper. Will this encounter be the r...