"Alei! The shoot is starting na raw sabi ni Ate Clio!"
Nabaling agad ang tingin ko sa direksyon ng sala rito sa apartment ko nang marinig ko ang sigaw ni Ai. Saglit akong napangiti bago ko binilisan ang pagsasalin ng juice sa dalawang baso saka ako dumiretso roon sa sala.
Nang makalapit ako roon ay nakatigil na rin sa pagsusulat si Ai ng reaction paper, nakatutok na lang siya roon sa cellphone habang naka-video call kay Ate Clio. Idinodocument kasi ni Ate Clio 'yung buong shoot, idinamay niya na rin kami sa video call habang nagre-record siya nang makapanood kami kahit na patago lang.
Ibinaba ko naman doon sa lamesa ang inumin namin saka ako naupo na rin doon sa lapag para tabihan si Ai.
"Come here, come here! Kuya Ash and Kuya David are already done, si Nico na raw ang susunod as per Ate Clio. Kuya Wind would probably go last since hindi pa ata sila tapos sa make up."
Lihim akong napangiti nang makita kong tutok na tutok si Ai roon. Ilang linggo na rin, mabuti na lang talaga at nagkaayos-ayos na sila. Hindi ko rin alam kung paanong pag-uusap ang ginawa nila pero isang araw, nagulat na lang kami at balik na sila ni Ash sa pagbabardagulan habang si Ash at Nico naman ay umokay na rin. Mukhang kinausap talaga sila ni David at Wind.
"Buti nakasama si Ate Clio, sobrang daming kailangang gawin sa med 'di ba?" sabi ko saka ako tumingin doon sa cellphone niya.
Naglalakad na si Nico ngayon doon papunta ro'n sa pwesto kung saan sila kukuhanan ng mga litrato para sa member profile nila at cover sa isang sikat na magazine. Puti ang background na nandoon samantalang mga denim naman na pantalon ang suot nila at puting pang-itaas. Ang sabi ni Ai, si Ash daw ay naka-puting sando kanina, si David ay naka-puting t-shirt habang si Nico naman ngayon ay naka-polo shirt na puti rin. Si Wind kaya?
"They have no choice eh, they still haven't find a suitable full time manager for them. AU is having a hard time rin daw, mas gusto ng Arideil na sa kanila manggagaling and not from Emdee to be sure of DAWN's privacy. They're doing some background checking din daw kasi," ani Ai saka siya napabuntong-hininga. "Ate Clio is the only one that is willing to go through all of this, she said na she can do it naman for the mean time habang wala pa talagang nahahanap to help since their professors naman daw sa med are really considerate."
Dahan-dahan naman akong napatango. Mukhang ang dami talagang kailangang asikasuhin, sunod-sunod lahat ng shoots at interview sa kanila nitong mga nakakaraan.
Nang magsimula na ang shoot ni Nico ay tahimik lang na nanonood doon sa cellphone si Ai. Paminsan-minsan ay kinukuhanan niya rin ng litrato si Nico gamit ang isa pa niyang dala na cellphone saka siya palihim na magtatago ng ngiti.
Nakangiting napailing na lang ako habang nakatingin ako kay Ai. Kukuhanin ko na sana ang baso ko para uminom ng juice nang mag-vibrate ang cellphone ko. Nang kuhanin ko 'yon sa bulsa ko ay agad ko ring binuksan ang messages nang makita kong galing 'yon kay Wind.
From: Wind
Nanonood ka, ssob?
Marahan akong napangiti saka ako nagtipa ng isasagot sa kanya.
To: Wind
Oo, nanonood ako. Naka-video call kami kay Ate Clio. Kasama ko rin si Ai ngayon kasi gumagawa kami ng reaction paper para sa major namin sa Fundamentals of Acting. Tapos ka na ba sa makeup mo? Pwede ka na ba mag-text?
Uminom lang ako saglit nang mag-vibrate na ulit ang cellphone ko.
From: Wind
Pwede na po, katatapos ko lang (・´з'・)
BINABASA MO ANG
Every End of the Day
RomanceAlazne Grace, from the Film Department of College of Performing Arts, had numerous unexpected encounters with Wind, the main vocalist and guitarist of AU's band, until this simple interaction evolved to something deeper. Will this encounter be the r...