CHAPTER 38

40 5 0
                                    




"Are you feeling better?"


Maliit akong napangiti nang basagin ni Wind ang katahimikan habang nakatingin lang ako ro'n sa mga chrysanthemums na inilagay namin kanina sa puntod ng mag-ama.


We've been here for hours. Tahimik lang kami habang pinagmamasdan ang dalawang puntod na nasa harapan namin.


Bahagya akong tumango. Wind smiled faintly before reaching my hand. "That's a relief."


"Ikaw?" Ako naman ang nagtanong sa kanya. "Are you feeling better?"


Muling lumabas ang isang maliit na ngiti sa labi niya saka siya tumango. "Hmm."


"Healing takes a long time... as much as forgiving. At alam kong hindi madali." Tinignan ko siya sa mga mata niya. "Mabigat eh, lalo na kung malalim din ang sugat na naiwan. Pero kaya naman, 'di ba? Kahit gaano katagal, darating tayo ro'n."


Kaya namang magpatawad. Pero may isang bagay akong napagtanto.


Ipinatong ko ang isa ko pang kamay sa kamay niya saka ako muling nagsalita. "Ikaw ba, Wind... napatawad mo na rin ba talaga ang sarili mo?"


Mahirap magpatawad, oo, pero mas mahirap pa lang patawarin ang sarili. Kasi ang daming tanong, ang daming sagot, ang daming paano kung, ang daming sana, ang daming dapat pala.


Past... always comes with regrets.


Mga bagay na sana pala ganito na lang 'yung ginawa ko, mga bagay na dapat pala iniwasan ko na lang, mga bagay na sana iyon na lang ang pinili ko, mga pangyayari na mas magiging maayos sana kung ibang direksyon o desisyon ang ginawa ko. Laging may paano kung.


And because of those regrets, we tend to be so hard on ourselves.


Bakit ba kasi hindi na lang 'yon ang ginawa ko, bakit hindi na lang 'yon ang pinili ko. At the end of the day, we can always forgive other people pero bakit sa sarili natin, parang ang hirap gawin? Bakit ang mundo nakakaya naman nating patawarin, pero bakit sa sarili natin, we can't do the same favor?


"You suffered too." I pursed my lips tightly to stop myself from tearing up. "Hindi lang ang mundo. Hindi lang ang mga taong nasa paligid mo. Hindi lang 'yung mga taong mahal mo. Ikaw rin. Ikaw rin, Wind. Nasaktan ka rin. You've been carrying that wound for years. Hindi mo man sabihin, alam ko. Alam ko, Wind."


That a part of you... is still beating yourself up for what happened that day, and all the other consequences that comes with it. Ilang taon ka na ring nahihirapan.


I caressed his face. "You have all the time to heal. Just don't be too hard on yourself while healing."


You've been there with me all through out. Ngayon, ako naman.


Malalim na huminga si Wind bago unti-unting napangiti saka ako marahang inilapit sa bisig niya para yakapin.


"Salamat, mahal ko..." mahinang bulong niya. "Salamat."


After DAWN transferred completely to BTL, they were finally given their long deserve vacation break before gearing up for their awaited comeback.


"Wala kang magawa 'no?" natatawang tanong ko kay Wind nang makitang ang sarap ng higa niya sa kama ko habang nakadapa at nakasandal sa malaking teddy bear na bigay ng readers ko noong unang booksigning. Nakatingin lang siya sa 'kin, tahimik na pinapanood ako habang nag-aayos ng outline para sa pinagpaplanuhan kong bagong story.


Every End of the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon