CHAPTER 3

122 10 18
                                    




"That's all for today, dismissed."


Matapos sabihin 'yon ng professor namin sa World Literature ay lumabas na rin siya ng room. Hindi ko mapigilang hindi mag-inat at mag-stretching nang kaunti dahil sa mga nangyari kanina. Hinawakan ko rin ang batok ko at bahagyang minasahe. Ramdam ko pa rin ang ngawit dahil sa tagal kong nag-aral para lang dito sa exam sa kanya, ginawa pang oral examination sa last minute kaya mas lalong nakakasakit ng ulo.


"Alei!"


Tumakbo papunta sa pwesto ko si Ai. Nang makalapit siya sa pwesto ko ay agad niya kong niyakap. "You're so magaling kanina!"


"Salamat, Ai," nahihiya kong sabi. "Ikaw rin."


"Gosh, I can really feel the tension sa atmosphere kanina kay Ma'am but we survived! Grabe naman kasi, she didn't orient us first na our exam would be an oral exam pala, that's so cruel," aniya na agad kong sinang-ayunan. Para nga kaming nag-surprise exam kanina dahil lahat kami ay umaasang written ang exam.


"Anyway! Are you going somewhere? We don't have our last class na kay Mrs. Sanchez sa Film right? Since we'll be having a practical exam next week instead?"


Saglit kong tinignan ang orasan ko. Alas-tres pa lang ng hapon. "Wala pa naman, mamaya pa namang alas-sais ang duty ko sa Pages."


"Are you sure?" paninigurado niya na nagpatango naman sa akin. "Then, sama ka na lang sa 'kin! Let's watch Kuya's rehearsal, sa practice room lang naman sila today and hindi sa hall so tayo tayo lang 'yung nando'n."


"Nandoon ba sila lahat ngayon? Tapos na mga klase nila?"


Pumorma ang isang nakalolokong ngiti sa mukha ni Ai. "Yes, from what I know, all of them are there. They always finished their classes early rin kasi since very flexible ang schedule for Music Dept."


Napatango naman ako. "Sige."


Lalong lumawak ang mga ngiti sa labi ni Ai dahil sa sinabi ko. "Sige as in... you'll come with me?"


Muli akong tumango. "Pero... hindi ba tayo makakaistorbo sa kanila ro'n habang nagpa-practice sila?"


"No, trust me," aniya saka siya bahagyang natawa. "They would even thank us since they would have an audience to monitor them."


Inangkla na ni Ai sa isa kong braso ang braso niya. Ngumiti na naman siya nang nakaloloko saka nagsalita. "Let's go na? I'm sure that someone's waiting for us."


Hinatak na ako ni Ai palabas ng room namin. Hanggang sa makarating kami sa elevator at ngayong nandito na kami at naglalakad sa catwalk ay panay lang ang kwento niya sa akin tungkol sa DAWN. Napapatango at sagot din ako kung minsan dahil nakakabilib din kung paano na sa loob lang ng halos isang taon na pagkakabuo sa kanila ay marami na raw gustong kumuha sa kanila na mga malalaking kompanya sa industriya ng musika.


Habang naglalakad kami ay biglang may lumapit kay Ai dahilan para mapahinto kami sa paglalakad.


"Aislinn! It's been a while, where are you going?" masayang bati niya kay Ai.


"Oh, just... somewhere," tipid na sagot ni Ai.


"Pupunta ka ba kay Ash--"


Hindi na pinatapos ni Ai ang sasabihin niya nang magsalita siya agad. "No," mariing sagot niya.


Napalingon ako kay Ai dahil sa sinabi niya. Pero... doon kami pupunta ah?


Nang tignan ko siya ay blangko lang ang mukha niya habang nakaharap dito sa babaeng kausap namin.


Every End of the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon