CHAPTER 28

74 4 0
                                    




"Wala pa rin ba siya? Anong oras na?"


Napatikom lang ako ng bibig nang medyo inis nang magtanong si Direk sa mga kasama namin dito sa meeting place para sa pagpunta sa Zambales nang makitang wala pa ron si Mika, na siyang female lead namin para kay Mira. Mukhang late ata siya, nag-message na ko kay Primo para magtanong since alam kong may alam siya pero wala rin pala.


Ngayon ang alis namin papunta roon sa Subic para sa lock-in taping ng SBPNA. Inanyayahan din ako ni Direk Riene na sumama para magkaroon ng ilang minor roles at scenes sa ilang chapter do'n sa libro kaya sumama na rin talaga ko.


Bukod din do'n ay kailangan ko rin talagang sumama since kailangan kong i-monitor at tignan 'yung bawat process ng adaptation since iyon ang una ko ring sinabi sa kanila bago pumirma ng kontrata, na sana present ako sa whole process dahil ayoko ring magkaroon ng malaking pagbabago roon sa book dahil minahal siya ng mga nagbasa as it is kaya gusto ko sana na as much as possible, little to no changes lang or kung mayroon man, hindi ganoong makakaapekto sa storyline.


I'm just really grateful that the label that I signed with is very kind and thoughtful, talagang pinapakinggan nila 'yung mga suggestions ko at ng readers ko. So far, hindi ko rin inakala na the feedback will be so good after ng cast reveal. Hinanda ko na ang sarili ko sa magiging reaksyon ng mga tao but surprisingly, it was pretty okay. Siguro ay dahil na rin nag-post si Direk ng ilang clips ng mga casts na binabasa at inaarte 'yung ilang lines sa book habang nasa script reading sila, it played a factor in seeing the whole team's chemistry and if fitted ba talaga 'yung casts sa role na napunta sa kanila.


Halos lahat ay satisfied sa casts at sa fact na just like how the book was written, iyon din ang mangyayari sa adaptation. Direk Riene and the whole team gave me the assurance that I need that's why I was able to pass it down to my readers and I am glad na it turned out good so far. Sana hanggang sa dulo ay maging maayos.


"Pasabihan si Mika na sumunod ha? Kailangan na nating mauna talaga, nag-aantay 'yung mga bus," mahinahon na ulit na sabi sa amin ni Direk bago nagsimulang magsi-akyatan sa loob ng bus 'yung mga makakasama namin.


Paakyat na ko sa loob nang may kumalabit sa balikat ko. Nang makita ko si Wind na ngiting-ngiti habang nakasukbit sa balikat niya ang duffel bag na dala niya ay bahagya pang tumaas ang isang kilay ko.


"Bakit?"


"Tabi tayo."


"Ganyan dapat, matapang," ani Mari na nagpabaling agad ng tingin namin sa kanya. Nasa gitna na namin siya ni Wind habang nangingisi-ngisi. "Ay, yung kape ko po," dagdag pa niya saka itinaas sa amin 'yung dala niyang hot coffee na mukhang kabibili lang doon sa McDo sa tapat.


Todo ngiti pa siya saka ako kinindatan bago siya umakyat papasok doon sa loob ng bus.


Maliit akong napangiti bago ako tumingin ulit kay Wind saka ako napailing. "Katabi ko si Direk sa likuran, magkukwentuhan daw kami."


"Ano ba 'yan si Direk, inunahan pa ko," bulong na pagmamaktol pa niya saka siya bumusangot bago niya kinuha sa kamay ko 'yung bag na dala ko saka siya naunang pumasok paakyat doon sa loob ng bus.


"Sira talaga 'yon," natatawang bulong ko habang pinagmamasdan ko pa siyang maglakad doon sa aisle ng bus na nakabusangot pa rin ang mukha.


Sumunod na rin ako sa pag-akyat sa loob saka ako dumiretso roon sa pwesto sa tabi ni Direk Riene. Natanaw ko pang nakanguso si Wind habang tinitignan ako na maglakad palagpas sa kanya. Natawa na lang din ako sa isip ko.


Every End of the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon