"So this will really be your last concert as a group sa Emdee? Are you guys disbanding?!"
Hinawakan ko agad si Ai sa braso para marahan siyang sawayin na huwag sumigaw lalo na at nandito kami ngayon mismo sa Emdee para daw kausapin nila David dahil may mga kailangan silang i-discuss sa amin. Nandito silang tatlo, si Wind lang ang wala dahil may ginagawa raw sa studio na kanta.
"If ending our contract in Emdee means that we are disbanding then yes. But due to some factors and reasons, at the same time, the answer is no," sagot ni Nico.
Napataas naman ng kilay si Ai. "Care to elaborate?"
"We're not literally disbanding since all of us will continue to pursue music but not in Emdee anymore. We're currently talking to other companies as of the moment, we're still evaluating though," saad ni Nico.
"Besides, apat na taon lang ang contract namin sa Emdee 'di ba? And we're going four years already. A lot of things happened back then, marami ring nagbago and alam na ng management 'yon. Matagal na rin 'tong napag-uusapan at napagpaplanuhan, it's no longer a surprise," sagot ni David.
"Isa pa, lil sis. Ibang direksyon na sa musika ang gusto ng Emdee para sa 'min. Ayaw naming dumating sa punto na mawalan kami ng interes at direksyon sa bagay na pinakamamahal naming gawin. Some changes are okay pero 'yung baguhin ka totally just to maintain the hype at dahil iyon ang gusto ng tao? Parang iba na 'yon, hindi na kami 'yon. Mawawalan lang ng saysay 'yung dahilan kung bakit kami nagsimula, 'di ba? As a whole, napagdesisyunan namin na hindi na mag-renew," ani Ash.
"So basically, you're not disbanding? Hindi lang kayo magre-renew ng contract with Emdee? Can you continue as a whole though? How about your band name, trademarks?"
"Sa amin pa rin, syempre," sagot ni Ash kay Ai.
"It's on our contract," nakangiting ani David na nagpatango at nakapagpahinga nang maluwag kay Ai.
Napahawi naman ng buhok si Isel saka napakamot sa batok. "Teka nga, alam na ba ng media 'to?"
Umiling agad si David. "Not yet. We advised the management not to. Gusto sana namin na kami mismo ang magsabi sa auroras."
Napabuntong-hininga si Hadley. "Paano 'yon? Pwede ba 'yon? Kumpleto pa rin kayo? Ang dami pa namang nadagdag sa fandom nang ipalabas na 'yung SBPNA dahil sa ganda ng feedbacks, kawawa naman 'yung mga late na nag-stan."
"Hindi naman kami totally aalis," sabi ni Nico saka saglit na napatingin kay Ai bago muling tumingin kay Hadley. "Lilipat lang kami."
This time, ako naman ang nagtanong. "If that's the case, bakit kami nandito? May maitutulong ba kami?"
Nagkatinginan silang tatlo, doon na sila napangiti.
"Aside from the concert, may isa pang mangyayari sa mismong araw na 'yon," panimula ni David.
Napaawang pa ang labi ko nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. "Birthday ni Wind?"
Tumango si Ash saka bahagyang umupo roon sa gilid ng table. "Plano sana namin i-surprise sa mismong con, sa encore. Kakausapin pa lang namin 'yung admins namin para makasama sila at alam din nila pero so far, ito ang plano."
May ipinakita sila sa aming iPad kung saan nakasulat at nakalagay lahat ng mangyayari during the con pati na rin 'yung surprise para kay Wind. I can't help but to be amazed, sobrang well planned lahat!
BINABASA MO ANG
Every End of the Day
RomansAlazne Grace, from the Film Department of College of Performing Arts, had numerous unexpected encounters with Wind, the main vocalist and guitarist of AU's band, until this simple interaction evolved to something deeper. Will this encounter be the r...