"Did you saw the articles na, Ate Alei? It's been confirmed, DAWN will sign sa BTL!"
Agad akong napangiti at tumango nang sabik na umangkla si Shin sa braso ko habang naglalakad kami papasok dito sa publishing house. Siya ang sumama sa akin dahil abala si Mari sa pagrereview para sa darating na NMAT. Si Ai naman ay may klase habang si Hadley at Isel ay nasa trabaho.
"They've waited long enough for this. Finally! I can sleep in peace now lalo na at alam kong Kuya Thunder will really take care of them."
Muli akong napatango. BTL has been really famous not just because of the music that they are releasing but also because of their really good treatment when it comes to their artists.
"Hi, Miss Alei! Dito po tayo."
Sumunod naman kami ni Shin papasok sa loob para i-check ang printing ng sequel ng SBPNA. Sinalubong din kami ni Ma'am Abby, isa sa head editor ng publishing house. First printing ng sequel kaya nagtanong talaga akong mabuti sa mga readers ko kung ano bang mas gusto nila pagdating sa papel na gagamitin, sa cover, pati sa size ng libro kaya kailangan ko talagang i-check ngayon kung nasunod ba 'yung mga requests namin, pati na rin 'yung pages kung ayos ba at kumpleto.
Napatili agad si Shin saka tumakbo roon sa kumpol ng libro para tignan 'yung cover. "Oh my gosh. The cover looks so eye-pleasing talaga, Ate! Sana mag-book cover reveal na agad! Ang ganda ng pagkaka-illustrate kila Andrei at Mira oh!"
Kumuha rin ako ng isa para tignan 'yung cover. Ilang beses ko na 'tong nakita digitally pero gandang-ganda pa rin talaga ako sa pagkaka-drawing ni Sophie lalo na ngayon na naka-print na siya sa mismong libro. Nasa ferris wheel sila Andrei at Mira habang papalubog 'yung araw, nakangiti habang nakatingin sa isa't isa. Naglalaro lang sa peach, pastel yellow, pink, cream, at pastel orange ang color palette kaya naman sobrang ganda sa mata.
"Nag-triple 'yung dami ng nag-preorder ng book, Alei. Are you really sure na magha-hand sign ka? We can print it out naman."
I smiled while looking at the pile of books na nasa harapan namin. Wala pa nga ito sa kalahati ng effort at pagmamahal na ibinibigay nila sa akin. Me, signing the books by hand, is just a little way of giving back to my readers. "Magha-hand sign po ako."
Proud namang tumingin sa 'kin si Shin. "Don't worry, Ate! We'll help, I'll bring a lot of salonpas and katinko for you!"
Bahagya namang natawa at napailing sa amin si Ma'am Abby. "I knew it, iba ka talaga. O' siya. Basta ang launch natin ay sa mismong book signing, okay? Probably five or six months from now. The reader's kit is already being packed as well. 'Yung mini sunset lamp, diary, and golden hourglass na kasama sa kit ay ininspect nang mabuti to avoid damage kapag shinip so you don't have to worry about it anymore."
"Thank you po, Ma'am Abby," nakangiting sagot ko.
Maya-maya lang ay nagpaalam na rin siya sa 'min ni Shin para mag-asikaso roon sa pre-order at iba pang details. Kami naman ni Shin ay nagpatuloy sa pag-check doon sa bawat kopya ng libro.
"Oh my gosh? Kuya!"
Napalingon ako sa likuran nang manlaki ang mata ni Shin. Pagkatingin ko ay napaawang na rin ang labi ko nang makita si Wind na naglalakad na palapit sa 'min. Naka-puting shirt lang siya at light na denim pants. Ngiting-ngiti habang may hawak na isang bouquet ng sunflowers at yellow roses.
"Hi, ssob."
"Wind! Akala ko may inaasikaso kayo ngayon?" nagtatakang tanong ko pero naglakad pa rin ako palapit sa kanya. Mabilis niya lang akong niyakap bago inabot sa akin 'yung bouquet.
BINABASA MO ANG
Every End of the Day
RomanceAlazne Grace, from the Film Department of College of Performing Arts, had numerous unexpected encounters with Wind, the main vocalist and guitarist of AU's band, until this simple interaction evolved to something deeper. Will this encounter be the r...