"Their followers are increasing like crazy, oh my god?"
Napalingon ako kay Ai nang maibagsak niya ang cellphone na hawak niya sa table habang abala sa pagtingin sa mga social media accounts ng kompanya na napiling pirmahan nila Wind, maging ng Arideil.
Nandito siya ngayon sa Pages, inaantay na matapos ang shift ko para sa isang celebration mamaya sa The Bar dahil tapos na ang buong first semester. Naging tradisyon na ng buong COPA maging ang mga organizations na kasama sa Performing Arts na magkaroon ng sama-sama sa tuwing nakatatapos ng isang buong sem bilang reward at pahinga sa mga estudyante.
Hindi na sana ako sasama dahil hindi naman talaga ako paladalo sa mga ganoong pagtitipon pero kasama rin kasi ang buong team namin sa Delatro. Natapos na rin naman ako sa pagpapapirma ng clearance at nakapag-submit na rin ng mga kailangan para sa renewal ng scholarship para sa susunod na semester kaya wala na akong aasikasuhin. Nataon din na kami nila Ai ay nakapasok ulit sa Dean's Lister ngayong sem. Bukod doon ay isinabay na rin nila ang celebration para sa pagpirma ng DAWN ng kontrata.
"If this will continue, they might even reach five hundred thousand followers more in a freaking week! The heck, Emdee Entertainment only released their silhouette as a teaser for a new boy band and then wow, I'm literally in shock..."
"Ano ba 'yan mga be?" tanong ni Isel nang magtaka na rin siya sa mga naging reaksyon ni Ai pagkalapit niya.
"DAWN, teaser pa lang ang nire-release ng Emdee pero nag-trending na agad sila," sagot sa kanya ni Hadley na kasama rin namin ngayon dito.
Hindi pa rin makapaniwala ang mukha ni Ai. "Emdee's using their momentum, this might be the reason kaya nagmamadali na sila for the contract. They're totally insane for this! How can they even reach this milestone right away without literally doing anything yet?"
"Ibig sabihin lang n'yan, sobrang daming nag-aabang sa kanila. Tsaka alam niyo naman sa Arideil, kapag may ganap, automatic kakalat 'yan sa ibang universities dito. Kaso ang hirap n'yan ah, biglaang taas agad." Napatango naman si Hadley sa sinabi ni Isel.
"I mean, I know na they are getting the recognition but not this way? I don't know if I should be happy or concerned," ani Ai saka pinatay na ang kanyang phone bago dumikwatro tsaka humarap sa 'kin. "Siguro let's change the room later, mag-VIP na lang tayo? I don't know why but I'm getting worried."
"Ayan, inom pa more," natatawang sabi pa ni Isel.
"Hindi naman siguro, tsaka maayos naman ang security sa The Bar," ani Hadley.
"I don't know, I'm getting a bad hunch about this," nag-aalalang sabi ni Ai. Nang biglang tumunog ang phone niya. "Oh god."
Lahat kami ay napalingon sa kanya dahil sa naging reaksyon niya.
"Bakit? Anong problema?" nag-aalala na ring tanong ni Hadley.
Nang hindi makasagot si Ai ay ako na ang lumapit sa kanya. Saglit akong umalis sa counter habang wala pang bagong tao na dumarating. Pagkalapit ko sa kanya ay marahan ko siyang hinawakan sa balikat. "Bakit, Ai? May nangyari ba?"
"Some media are there right now, in disguised. Nico saw some cameras while entering. And guess what? It seems like it's more of a hidden cam, if you know what I mean. We should be... a lot more careful," aniya saka kinakabahang tumingin sa 'kin. Hinawakan ko naman ang kamay niya para pakalmahin siya.
"Puta, agad-agad?" gulat na tanong ni Isel. Tumango naman si Ai.
Napabuntong-hininga na rin ako. Bakit parang masyadong mabilis ang mga nangyayari?
BINABASA MO ANG
Every End of the Day
RomantiekAlazne Grace, from the Film Department of College of Performing Arts, had numerous unexpected encounters with Wind, the main vocalist and guitarist of AU's band, until this simple interaction evolved to something deeper. Will this encounter be the r...