CHAPTER 40

78 5 0
                                    




"Advance tayo ng ilang oras," natatawang sabi ko dahil bukas pa talaga ang birthday ko. Tinapos ko na rin ang pagpirma sa mga libro nila saka ko 'yon inayos pabalik sa table. Si Wind naman ay isinuot na sa akin 'yung isa pang birthday hat.


"Wala kayo bukas eh, kaya ang sabi namin, ngayon na tayo mag-celebrate. Para double celebration din 'di ba?" nakangising sabi ni Ash saka nagtaas-baba ng kilay.


"Saan nga ba kayo pupunta bukas?" tanong ni David. "Kayo ah?"


"Hey, stop being nosy," ani Ate Clio kay David.


"Nako, parang iba na 'yan," natatawang sabi naman ni Hadley na nakangiting sinamaan ko naman ng tingin.


"Baka maging tatlo na kayo pagbalik niyo ha," dagdag pa ni Primo na nagpasamid kay Wind habang umiinom ng coke.


Tinignan agad siya ni Wind saka inambahan ng hampas. "Loko ka."


"So, saan nga ang punta?" Si Ai naman ang nagtanong, nakangiti na rin at kunwaring walang ideya sa mangyayari kahit na nasabihan ko na sila nila Isel noong nakaraan pa sa plano ko.


"Halamanan Festival na kasi bukas, inaya ko si Wind," nakangiting sagot ko.


"Taray! Going back to the corner where I first saw you na ba 'yan?" pang-aasar din ni Isel na pabirong nagpairap sa 'kin.


Hindi talaga nila kami tinantanan sa pang-aasar nang malaman nila na this time, ako na ang nag-aya kay Wind. Idagdag mo pa na imbis na sumagot ay parang sasabog na sa pagkapula ang pisngi at magkabilang-tainga ni Wind, lalo lang siyang inaasar noong tatlo. Sila Primo at Hamin naman ay nakangiting napapailing na lang din habang sila Ai ay makahulugang tumitingin sa akin saka ituturo ng mga mata si Wind na lihim namang nagpapatawa sa 'kin.


Nang may kumatok sa pinto ay nag-volunteer na si Hamin na siya na ang magbubukas. Nagtago ako ng ngiti nang makitang sila Sophie na pala 'yon, halos hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya dahil sa gulat habang si Hamin naman ay tahimik lang ding nakatingin sa kanya.


"Sa'n ba kayo galing?" bungad na tanong ni Wind sa kapatid niya.


"May dinaanan lang, Kuya," sagot ni Shin saka nakangising hinatak na si Sophie palapit sa amin dahil hindi pa rin siya makakilos.


Nang matauhan ay napaismid lang si Sophie saka naglakad patakbo sa akin saka ako niyakap, maging si Shin ay ganoon din ang ginawa.


Kumuha naman ako ng paper plate at utensils sa lamesa saka ko inabot sa kanila. "Kumain na muna kayo."


"Happy birthday, Ate Alei," masiglang bati ni Sophie.


Pinaningkitan ko naman siya ng mata bilang pang-aasar bago ako natawa saka ko siya niyakap. "Thank you, Sophie."


"Thank you, Ate. Happy birthday," ani Shin saka ako hinalikan sa pisngi na mas nagpangiti sa 'kin.


"Op, hep! Hep! Hep! Dahil kumpleto na tayo, mag-toast muna tayo," nakangising awat ni Isel saka tumayo sa sofa na inuupuan niya bago pinagpagan ang suot niya saka inabot ang baso na nasa tapat niya.


"Wait lang, wala pa sila---"


Naputol ako sa pagsasalita nang may sumunod nang pumasok sa may pintuan. Nandoon na sila EQ, Aaron, at Xy.


"Late na ba kami?" hingal na tanong ni EQ.


Napairap naman si Isel. "Hulaan mo."


Every End of the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon