CHAPTER 2

154 9 19
                                    




"Kanina pa ba siya?"


Nagtataka agad akong tumingin kay Wind nang matanaw ko kaagad siya roon sa isang table pagkaakyat ko sa third floor ng library, tahimik lang siyang nakaupo roon habang nakapikit at nakasuot ng earpod.


"Good morning," mahinang bati ko nang makalapit na ako roon sa pwestong inuupuan niya rito sa library.


7:30 pa lang ng umaga. Maaga na akong umalis para hindi kami maubusan ng pwesto pero naunahan pa ko nitong si Wind sa pagdating. Kanina pa kaya siya rito?


Nang marinig niya ang boses ko ay agad din siyang napadilat saka mabilis na tinanggal 'yung earpod na suot-suot niya.


"Alei! Good morning! Maaga pa, ah?" bungad niya na bahagyang nagpangiti sa 'kin.


"Malapit lang kasi rito 'yung tinutuluyan ko ngayon," paliwanag ko saka ko ibinaba 'yung mga dala kong gamit sa table. "Ikaw? Kanina ka pa ba?"


"Hindi naman, kararating ko lang din," nakangiting sagot niya saka ako tinulungan sa gamit ko.


Napatango naman ako saka ko inumpisahang ilabas na 'yung yellow pad ko tsaka pencil case.


"Ano pa lang aaralin mo ngayon?" tanong niya saka niya ako pinanood na maglabas ng mga ballpen at highlighter.


"Minor subjects muna siguro. Ikaw ba?"


"Minor subjects din. World Lit tsaka Rizal," sagot niya saka ngiting-ngiting naglabas na rin ng papel tsaka ballpen.


"Parehas pala tayo, 'yun din kasi 'yung mga subject na naunang nagsabi sa 'min na magbasa na para sa prelims," sambit ko saka ako mabilis na ngumiti. Itinaas ko naman ang bag ko para hanapin 'yung earphone ko.


Bahagya nang kumunot ang noo ko nang hindi ko 'yun makita sa bag ko. Ang alam ko nailagay ko 'yun bago ako umalis eh...


"May problema ba?"


Napaangat ako ng tingin kay Wind nang magtanong siya. Alanganin kong ibinalik ang tingin ko sa bag ko. "Wala naman, may naiwan lang ata ako sa bahay."


Ngayon ko pa talaga naiwan kung kailan matagal-tagal akong mag-aaral. Tipid akong napabuntong-hininga saka ko ibinalik ang bag ko sa lamesa.


"Earphone?" tanong niya na nagpatango lang sa 'kin.


"You can use mine," biglang sabi ni Wind saka iniabot sa akin 'yung isang kapares ng earpod niya.


"Hala, hindi na, nakakahiya. Ayos lang. Okay lang naman," pagtanggi ko saka ako paulit-ulit na umiling.


Napangiti naman si Wind saka niya bahagyang inilapit ang mukha niya. "Sure? Final answer? Wala nang bawian 'yan boss 'pag nagkataon ah?"


Pabiro akong napairap dahil sa sagot niya. Nagpigil naman ako lalo ng ngiti nang iwagayway niya pa 'yung isang earpod sa kamay niya saka tumango at inilapit 'yun sa 'kin.


Saglit akong napailing bago ako napabuntong-hininga saka ako nakangiting napayuko bago ako muling nag-angat ng tingin sa kanya. "Salamat..."


Nang abutin ko 'yung isang earpod ay ngiting-ngiti lang si Wind habang nakatingin sa 'kin. Saktong pagkalagay ko sa tainga ko noong earpod ay alam ko 'yung kantang tumutugtog, nataon pa na nasa chorus na 'yung kanta.


"Umaasa?" nakangiting tanong ko.


Tumango siya saka ngiting-ngiting sumandal doon sa upuan niya. "Calein."


Every End of the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon