CHAPTER 22

82 6 4
                                    




"Miss Alei? Ayos lang po ba kayo?"


Nabalik ako sa realidad nang mahinang tapikin ako ni Mari sa balikat. Marahan naman akong ngumiti saka ako tumango.


"Nandito na po tayo. Sa fifth floor daw po ang interview," nakangiting aniya na muli lang nagpatango sa 'kin.


Nang makapasok na kami sa building ng tv network kung saan ako inimbitahan para sa isang interview ay inalis ko na muna sa isip ko 'yung sinabi ng lalaking nakasalubong ko sa bookstore noong nakaraan kahit na patuloy pa rin akong binabagabag no'n.


Pagkapasok namin ng elevator ay tipid akong napabuntong-hininga bago ko minasahe ang batok ko.


Hindi ko alam kung saan niya ko nakilala o kung sino ba siya sa buhay ko noon pero ano man ang sagot, ang pinagtataka ko lang ay kung paano kami naging parte ng buhay ng isa't isa at ganoon na lang ang sakit sa mga mata at boses niya habang tinitignan at kinakausap niya ko noong mga oras na 'yon.


Wind...


'Yon ang pangalan niya, hindi ba? 'Yung miyembro ng isang banda. Kaya siya pamilyar sa akin dahil siya rin 'yung lalaking napanood ko noon sa airport na kahit na nasa screen lang ay pinagkaguluhan pa rin.


Hindi siya mahirap... matandaan.


Ang labo lang na magkaroon kami ng koneksyon dahil ganoon siya kasikat. Masyado siyang nasa itaas.


"Alei?"


Kalalabas pa lang namin ng elevator nang may babaeng lumapit sa 'kin, mukhang kasing-edad ko. Mukhang dito rin siya nagtatrabaho dahil sa ID at damit niya na pang-newscaster. Gulat na gulat siya habang nakatingin sa 'kin habang ako naman ay naguguluhang napakurap.


Hinawakan niya agad ako sa balikat saka ako chineck. Napaawang pa ang bibig niya matapos niya akong tignan.


"Gaga ka, ikaw nga!" hindi makapaniwalang sabi niya. Bigla rin siyang napatingin sa paligid nang mapagtanto na napalakas ang boses niya. Agad siyang umismid at umayos ng tayo bago muling tumingin sa 'kin.


"Miss Alei, hintayin ko na lang po kayo ro'n sa room," paalam ni Mari. Nang tumango ako ay naglakad na rin siya patungo roon sa direksyon kung saan gaganapin 'yung interview.


Alangan naman akong napangiti pagkabalik ko ng tingin doon sa babae, naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. "Pasensya na, medyo hirap akong makaalala. Ki...lala mo ba ko? Magkakilala ba tayo?"


Itinakip niya ang isang kamay niya sa bibig niya. "Jusko be... totoo nga ata."


Nagsalubong ang kilay ko sa naging sagot niya. "Huh?"


"Be, si Isel 'to! 'Yung pinaka maganda mong friend! Magkasama tayo sa Pages magtrabaho dati noong college," paliwanag niya. Tumango-tango naman ako. "Gago talaga 'yon si Primo, akala ko ineechos lang ako na babalik ka na!"


Unti-unting bumalik ang ngiti sa labi ko nang marinig ang isang pamilyar na pangalan. "Kakilala mo si Primo?"


"Oo, gagang 'to! Ikaw nagpakilala sa 'min eh!"


"Girlfriend?" nakangiting tanong ko sa kanya na nagpalaki sa mga mata niya.


"Hoy, hindi! Ni-reject nga ako ng siraulong 'yon eh, ang kapal ng mukha. Masyado ata akong maganda para sa kanya," aniya na mahinang nagpatawa sa 'kin.


Napahawak ako sa leeg ko saka ako tipid na napangiti. It must be nice if I can remember those moments. Ang gaan niyang kausap. Seeing how she's so comfortable to talk to me, I must be... at least a good friend to her back then, I hope.


Every End of the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon