"Paano 'yung mga fans mo? Auroras? Magiging okay ba sila?"
Marahang ngumiti si Wind. "I'm sure that they will. I trust them. It's been almost three years, they grew as much as we did. They've matured as much as we are. They've learned. Alam kong alam nilang mahal ko 'tong gagawin ko. I've been really open about this story even before and how much I admire you and your works ever since. Kaya nga siguro kahit may mga nakakita at nakakilala sa akin na aurora noong booksigning kahit na naka-mask at cap na ko, ngumiti lang sila sa akin saka ako tinanguan na 'wag akong mag-alala. Compared to before, I felt more at ease."
"Iyon ang na-realize ko noon." He sighed. "Maybe, I didn't trust them enough to share my life, to share what I love, to share who I really am. Those doubts, hiding, and questions lead to one thing and another. Siguro kung mas naging open at mas naging matapang lang ako na sabihin sa kanila na bukod sa musika at sa kanila, may isa pang dahilan kung bakit ako sobrang sumasaya, siguro mas maiintindihan nila. Siguro mas naprotektahan kita. Siguro hindi na hahantong sa kung saan 'yung mga nangyari. Siguro... mamahalin ka rin nila nang sobra, katulad ko."
Tinapik ko naman siya sa balikat na mahinang nagpatawa lang sa kanya, binawi ko na nga lang. Napaka talaga nito, ang seryoso na eh.
"Ikaw?"
"Ako?" pag-uulit ko sa tanong niya.
Itinango niya ang ulo niya saka inilipat ang tingin doon sa buhangin. Nagsimula na siyang magsulat ng mga puso roon na nakangiting nagpailing lang sa 'kin.
"Will your readers be okay? Na... tayo?"
Mahina pa kong natawa nang bahagya pa siyang mag-alangan na sabihin 'yung salitang tayo. "They are my family. Just like you, alam kong susuportahan nila ko. They have their expectations and wishes, syempre, but I am glad na they trust me enough sa mga desisyon na ginagawa ko ever since."
"Kasi hindi ka nakakalimot, in every step na nilalakaran mo, you always ask for our opinyon. You always take us into consideration. Lagi mo rin kasi kaming inuuna," aniya na nagpataas sa kilay ko.
"Kami? Ba't ka kasama?" natatawang tanong ko.
Umakto pa siyang kunwaring nasaktan siya sa sinabi ko. "Ouch! Bakit? Reader mo rin ako ah?"
"Oo na, oo na. Sige na, sige na," pagsuko ko na lang na mas lalo lang nagpangisi at tawa sa kanya.
Natigilan pa ko nang mas lumapit pa si Wind saka niya isinandal ang ulo niya sa hita ko saka siya tuluyang nahiga. Nang pumikit siya ay doon na ko lihim na napangiti.
"Alei."
"Hmm?"
"Tatanggapin mo ba?"
"Hindi ko pa alam..." pagpapakatotoo ko.
"Anong nararamdaman mo?"
Huminga lang ako nang malalim bago kusang umangat ang kamay ko para marahang hawakan ang buhok ni Wind. "Siguro... naguguluhan? Kasi gusto ko naman talagang subukan kaso paano kung hindi maging maayos 'di ba? After years, hindi ko alam kung kaya ko pa ba na umarte sa harap ng maraming tao, camera, lights. Alam mo 'yon, iba kasi kapag inaarte mo lang sa sarili mo o 'yung tayo tayo lang pero ngayon kasi... iba. Ang dami na rin kasing nagbago. Bukod do'n, ang laking bagay kasi nito. Alam ko rin kung gaano kaimportante ang kwento na 'to sa mga nagbasa at nagmamahal dito. Ayoko silang ma-disappoint."
"Pero gusto mong subukan?"
Marahan akong tumango. Tumango rin si Wind saka lumabas sa kanya ang isang maliit na ngiti sa labi. "Subukan natin. Pareho tayong maninibago. Pareho tayong mangangapa. Pero magkasama naman tayo, gagabayan natin ang isa't isa."
BINABASA MO ANG
Every End of the Day
RomanceAlazne Grace, from the Film Department of College of Performing Arts, had numerous unexpected encounters with Wind, the main vocalist and guitarist of AU's band, until this simple interaction evolved to something deeper. Will this encounter be the r...