EPILOGUE | II

55 3 0
                                    




"Gusto kita. Gusto kita, Alei."


Na kahit ikaw na ang lumalayo, kusa pa rin akong inilalapit at ibinabalik sa 'yo. Na kahit anong gawin at lingon ko sa ibang bagay mawala ka lang sa isip ko, sa dulo ng lahat ng 'to, ikaw pa rin talaga ang gusto ng puso ko.


Ikaw lang talaga eh. Kahit ako, hindi ko rin maipaliwanag kung bakit. Hindi ko alam kung paano. Basta ang alam ko lang... ikaw na 'yung taong nakikita ko hanggang dulo.


"Bakit kasi ako?"


"At bakit hindi?" I asked her back.


Diretso akong nakatingin sa mga mata niya. Na kahit sa mga sandaling 'to, sapat na ang mga mata namin na mangusap. Na sapat na ang mga tingin namin para sabihin sa isa't isa kung ano ba talagang nararamdaman namin.


I want to tell her how much I am willing to shout her name, how I am willing to go through everything, and how I am willing to embrace every pain that will come just to be with her.


"Welcome to Emdee," nakangiting bati sa amin ng CEO namin pagkatapos naming pumirma ng kontrata.


Nagkatinginan naman kaming apat bago kami sabay-sabay na nag-bow. Nang makaalis na sila sa conference room at kaming apat na lang ang naiwan ay doon na sumeryoso ang mukha ko. Si Nico ay tahimik lang na napaiwas ng tingin habang si Ash ay itinakip ang magkabilang-kamay niya sa mukha niya saka yumuko.


"Our contract is still decent compared to their previous groups, nakapagbigay rin naman tayo ng opinyon though most weren't approve," pambabasag ni David sa katahimikan. He also sighed. "Sinubukan na ring ilakad ng Arideil 'di ba kaso may mga bagay talaga na hindi pwede."


"David, our working hours will be our main problem here," saad ni Nico. "It's too jam-packed. Considering the fact that we're still running for latin honors, hindi tayo pwedeng magpabaya."


"Siguro kasi pinaiklian din natin ang kontrata na imbis na pitong taon, apat lang. Emdee's the biggest company right now. They probably knew that we were planning to transfer labels after the contract. Of course, they would make the most out of it," sagot ni David saka napailing.


"Hindi lang 'yon p're, pati direksyon natin. Wala namang masama sa pag-explore. Gets ko naman na may desired concept at image sila na vinivision para hindi mag-overlap sa ibang grupo ngayon pero kasi... hindi ba tayo malalayo no'n sa kung ano talaga tayo?" dagdag ni Ash.


Napahawak lang sa sentido niya si David. "Isa 'yan sa inaalala ko. Don't worry, I'll talk to the creative team about it." Nang mapansing tahimik ako ay doon na ako nilapitan ni David saka inakbayan. "Drei? Ayos ka lang?"


"May naiisip lang."


Para bang kahit iyon lang ang sinabi ko ay naintindihan nila agad ang naiisip ko.


"Fuck, I suddenly remembered the condition about dating," ani Nico.


Napangiwi agad si Ash. "Pinaalala mo pa. Wala nga raw silang pakialam 'di ba?"


"Yes, they don't care about us dating not until if we were caught by anyone. If some scandals and rumors broke out, it will be a big problem. We need to protect the girls as much as we can, we can't be reckless. Emdee already warned us about the media, they'll dig everything in for sure," David said. "Lalo ka na, Wind."


Mariin na kong napapikit. I just know that this is becoming serious the moment David called me by my real name.


"They also warned us about some stalker fans right? Since most of the time, dating scandals weren't really discovered by the media themselves, some will tipped them off. We need to be extra careful," dagdag ni Nico.


Every End of the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon