Mabilis na lumipas ang bawat araw at linggo nang mag-umpisa na ang panibagong semester namin sa AU.
"Nag-announce na ang Emdee ah, sa katapusan na raw ng buwan ang debut ng DAWN. At 'wag ka sis, sa Arena raw ang debut showcase. Yayanigin ata ang buong Pilipinas, 'te. Ibang level!"
Tumango naman ako saka ako bahagyang natawa nang marinig ko si Isel na hindi pa rin makapaniwala sa mga ganap ng DAWN nitong mga nakakaraan. Napangiti lang ako saka ako nagpatuloy sa pagpupunas dito sa counter habang wala pang bagong customer ulit na pumapasok.
"Baka nga raw mag-umpisa na rin ang ticket selling sa mga susunod na araw," sabi ko pa sa kanya.
"Emdee talaga mukhang pera, charot. Grabe naman kasi, maya't maya ang labas ng merch at details tungkol sa album at showcase! Palibhasa, maraming yayamaning fans ang DAWN at talagang handang gumastos ang mga bagets. Alam mo ba be, kalat na sa Twitter na kahit na ngayong linggo pa lang, umabot na raw ng hundred thousands 'yung nag-pre order ng debut album nila! To think na ang haba pa ng time nila para sa tracking ng sales, jusko, kaloka!"
Nang sabihin 'yon ni Isel ay parang doon lang talaga pumasok sa isip ko kung gaano na nga talaga kalaki ang fandom ng DAWN. Talagang nagbunga lahat ng pagod, hirap, promotions at mga covers na ina-upload nila sa mga channel nila sa mga nagdaang buwan. Kahit na hindi pa sila nagri-release ng pinaka sarili nilang album ay nakabuo na sila agad ng isang solid na fanbase.
Hindi na nakakapagtaka, hindi naman kasi talaga sila mahirap mahalin.
Nang pumatak na ang orasan namin dito sa Pages ng saktong alas-nuwebe ay tinapik ko na sa balikat si Isel.
"Mag-out na ko, ingat ka pauwi mamaya," paalam ko sa kanya na nagpatango lang sa kanya saka ako marahang hinigit para ibeso.
"Pumunta ka bukas ah, gaga ka! Hindi ka na umattend nitong nakaraang dalawang taon, umattend ka na ngayon at sayang 'te. Ang ganda pa ng theme ng Student's Night natin this year, masquerade! Ngayon lang sila nag-try na sumubok ng theme na para na sa lahat ng colleges kaya gumora ka na, babatukan talaga kita," aniya saka ako pinaningkitan ng tingin na ikinatawa ko.
"Oo na, pupunta nga. Nasa apartment ko na nga 'yung damit," natatawang depensa ko pa na pabiro lang na nagpairap sa kanya. Mahina ko naman siyang hinampas sa braso saka ako bahagyang ngumiti. "Pupunta ko. May pinangakuan din ako 'di ba? Sige na, mauna na ko."
"Ayon naman pala, may date," pang-aasar niya saka tumango-tango. "Hope all. 'Wag kayong papahuli ah, mga tanginang 'to."
"Sira, alis na nga ako," sagot ko na muli lang nagpairap sa kanya bago siya ngumiti na saka ako kinawayan.
Pagkasulat ko sa logbook ng pangalan ko at ng oras ay lumabas na rin ako ng Pages saka ako naglakad pauwi sa apartment ko.
Kukuhanin ko pa lang sana ang susi ko sa bag ko pagkarating ko sa pintuan ng apartment ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nang kuhanin ko 'yon ay message agad ni Wind ang bumungad sa 'kin.
From: Wind
Still shooting, I miss you :<
Marahan akong napangiti saka ako nagtipa ng isasagot sa kanya.
To: Wind
Ako rin. Kumusta? Magpahinga ka kahit saglit lang kapag pagod ka na.
Wala pang ilang segundo ay may natanggap na kaagad akong reply kay Wind. Akala ko ba ay nagsu-shoot pa sila? Ang pasaway talaga nito.
BINABASA MO ANG
Every End of the Day
RomanceAlazne Grace, from the Film Department of College of Performing Arts, had numerous unexpected encounters with Wind, the main vocalist and guitarist of AU's band, until this simple interaction evolved to something deeper. Will this encounter be the r...