CHAPTER 30

83 4 2
                                    




Days just keeps on passing by a lot faster lately. Maybe because... we were happy.


Nang dumating ang gabi para sa premier night, nadaan pa lang kami sa bungad pagkapasok namin sa Soleir ay punong-puno na agad iyon ng mga tao, media, at fans na mga nag-aantay sa labas ng hotel. Most of them ay nakasuot pa ng mga cute na headband at may mga dalang banner at libro ng SBPNA.


"Hala oh my gosh, Miss Alei! Tignan niyo po 'yung Soleir Globe!"


Agad naman akong napasilip sa bintana ng sinasakyan namin nang sabihin 'yon ni Mari. Nag-parte agad ang labi ko sa nakita.


It was an ad video for the both of us, may nakalagay ring messages, congratulations at best of luck sa movie from my readers, auroras, and our ship fanclub na sila Sophie ata ang numero unong may pakana dahil nagpadala sila ng photos sa Telegram ko na may mga dalang head banner. May ilang clips at photos din doon sa ad na ipinakita sa teasers at mga still cuts. Sobrang... ganda. Kitang-kita rin ang liwanag no'n dahil nga gabi na rin. Iyon ang nagsisilbing ilaw ng buong Soleir ngayon dito sa labas.


"Kumain na ba sila?" tanong ko kay Mari habang nakatingin sa mga nag-aantay sa labas.


"Yes po, Miss Alei. Nabigay na po lahat ng meal kits kanina pati po sa media so no worries po!"


Napatango naman ako saka ako napangiti. "Thank you, Mari."


Pagkarating namin sa dressing room ay agad na akong inayusan at pinagpalit ng damit. Dahil may saglit pang red carpet na magaganap ay sinabihan kaming formal ang mga isusuot namin kaya isang velvet black na body hugging off shoulder dress at itim na stiletto heels ang ibinigay sa akin na susuotin ng stylist na kinuha namin nila Mari. Mas pinlantsa rin ang buhok ko na abot na hanggang baywang saka ako nilagyan ng silver earrings at necklace. My make up isn't heavy pero mas na-highlight ang features ko.


"Oh, pak! Pang-actress of the year!"


Napailing na lang ako sa sinabi ni Mari. Inaayos pa lang ang lipstick ko ay panay na siya sa pag-picture saka may kakalikutin doon sa phone niya tapos kukuhanan ako ulit ng litrato. Hindi na ko nagtaka, baka kay Wind sinesend 'yan at nakikitsismis siguro 'yon sa kabilang dressing room.


Maraming pupunta mamaya lalo na sa victory party... kasama na rin do'n ang ilan sa mga taong naging importante sa buhay ko noon. May kaunting kabog sa dibdib ko pero mas lamang sa akin ang pagkasabik dahil gusto ko na rin talaga silang makita ulit.


"Magkakaro'n po muna tayo ng red carpet and then diretso sa loob ng hall for the presscon and then right after that, doon na po tayo sa theater dome for the movie."


Napatango naman ako sa sinabi ni Mari. This will be a long night for sure. Mamaya pa rin kami makakapagkita nila Wind sa mismong presscon dahil isa-isa lang ang pasok at lakad namin sa red carpet per cast at staff.


Patayo na ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Pagkatingin ko ay bumungad sa akin ang message ni Wind.


From: Wind

'Wag kabahan ah? Relax lang, nandito kami. You'll do great. See you. I love you.


Mahina pa kong natawa bago ako nagtipa na isasagot sa kanya.


To:

Hmm. Ikaw rin, Wind. See you... mahal din kita.


Ilang beses ko pang kinalikot ang daliri ko bago ko napagpasyahang i-send 'yung message ko. Agad ko ring tinalikod ang phone ko saka ako tumingin sa salamin para tignan ang sarili ko. Pulang-pula na 'yung mukha ko! Ayaw ring kumalma ng puso ko.


Every End of the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon