CHAPTER 26

77 4 4
                                    




"Pool party?"


Biglang kumunot ang noo ko habang kausap ko si Mari sa kabilang linya. Mabilis akong humigop ng kape saka ko muling ibinaba ang tasa na hawak ko at bumalik sa pagkakaupo sa kama ko.


["Yes po, Miss Alei! Organized by the whole team po, para na rin daw po makapagkilala and magkaroon na ng bonding sa mga casts and staff ng SBPNA before the actual filming. Lahat po a-attend and all of them are looking forward in meeting you rin po so..."]


Maliit akong ngumiti. "Sige, pupunta ako. Nakatapos naman na ako ng ilang chapters para sa sequel. Anong oras ba at saan gaganapin?"


["Sa Soleir Hotel po, Miss Alei! Sa mismong tabi lang po ng Soleir Theater. Alas-otso raw po ng gabi. Naku, mag-eenjoy po kayo panigurado! Bigatin po ang mga dadalo mamaya!"]


"Sa Hotel talaga? Aabutin ba tayo ng kinabukasan?" nagtatakang tanong ko.


["For sure po! Iyon din po ang sabi nila Direk eh, overnight po. Lalo na kung mapaparami ng alam niyo na, inom shot inom gano'n. May room reservation na rin naman daw so no worries po!"]


Plano ko pa namang magsulat ulit pagkauwi mamaya pagkatapos pero sige, sa cellphone na lang siguro ako magda-draft kung may maiisip ako, para may magawa naman ako pagkatapos ng party dahil wala naman akong balak uminom talaga.


Napatingin ako sa orasan ko saka ako napabuntong-hininga. Alas-sais na rin pala. "Sige, mag-aayos na ko. Didiretso na lang ako ro'n. Thank you, Mari."


["Sure po, Miss Alei! Ingat po!"]


Pagkababa ng tawag ay sumaglit muna ako ng pikit saka ako humiga rito sa kama. Bahagya kong minasahe ang ulo ko saka ako huminga nang malalim.


Kung lahat ng kasama sa SBPNA ay dadalo mamaya, malamang ay nandoon din si Wind.


Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kunot-noo ko itong kinuha. Nang makita na isang unregistered number ang tumatawag ay pinatay ko agad ito. Ibababa ko pa lang ang cellphone ko nang may biglang text message akong natanggap.


From: Unknown Number

This is Wind, Alei. I asked Mari for your number. Can I call?


Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Si Wind? Iniling ko agad ang ulo ko. Baka scam lang 'to... o kaya poser.


Mas lalong nanlaki ang mata ko nang text message naman ni Mari ang sunod na natanggap ko.


From: Mari

Miss Alei! Oo nga po pala, hiningi po ni Sir Wind 'yung number niyo last time sa booksigning hehe siya po talaga 'yung tumatawag, baka raw po kasi hindi kayo maniwala. Hindi ko po sana ibibigay kaso nagtanggal ng mask, na-shookt ako na siya pala 'yon kasi nakatalikod lang siya sa stage buong performance niyo po. Grabe, ang pogi huhu forgive me po if I'm weak :((

Pero kayo po ah, parang may something chareng hehe see you later po, Miss Alei! Your secrets are safe with me hoho


Napasapo na lang ako sa noo ko saka ako mahinang napailing. Hay nako, Mari.


Hindi ko na inantay na tumawag ulit si Wind, ako na ang nagkusang mag-dial ng numero niya. Wala pang tatlong ring ay sinagot na agad niya ang tawag.


"Hello?" mahinang sabi ko. Narinig ko pa ang pagklaro ni Wind ng boses niya sa kabilang linya.


["Alei."]


Every End of the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon