Encore.
Ang pinaka inaabangan ng lahat. Habang patay pa ang mga ilaw ay tinignan na namin nila Ai sila Hadley, nag-thumbs up naman sila sa amin saka may itinype sa cellphone, mukhang para na 'yon doon sa mga admins.
Since para sa encore nila ay hindi na sila tutugtog ng instruments, talagang kakanta lang silang lahat habang hawak ang mga hand mics nila ay mas makakakilos na sila sa stage. Kami namang lahat na nandito ay inihanda na ang mga holographic cloth banner na ipinamigay kanina na may nakalagay na "'til our last dawn, we will stay with you" na ginawa ng buong team namin pati ng admins ng auroras, maging ang mga hawak naming head banner ni Wind na may birthday hat na edit.
Nanatiling nakatago ang mga 'yon sa ilalim ng mga upuan namin dahil para mamaya pa 'yon, hindi rin naman halata at madilim pa rin dahil nasa stage ang ilaw.
Nang lumabas na sila kasabay ng pagtugtog ng live band nila sa likuran ng 18 ng One Direction ay mga naka-itim na silang shirts kung saan may tatak 'yon ng orange na araw sa kanang bahagi ng dibdib. Malalawak ang ngiti nila habang naglalakad papunta sa gitna ng stage, mga naghaharutan pa.
Talagang lahat ng kanta na inihanda nila para sa concert na 'to maliban sa mga sariling nilang kanta sa albums nila ay lahat ng request ng auroras na tugtugin nila ulit, karamihan ay 'yung mga una pa nilang cover years ago. Kaya siguro ang iba ay mga nagiging emosyonal na dahil nga parang bumabalik lahat ng alaala.
"Wala munang iiyak! Mamaya na 'yan! Kayo talaga!" nakangiting saway ni Wind saka pinaningkitan ng mata ang mga nanonood. Napalitan tuloy ng tawanan ang kaninang medyo lumungkot na na atmosphere.
"I got a heart," pag-uumpisa ni David sa kanta.
"Parang wala naman," natatawang pangbabara pa ni Ash.
Pabirong inirapan lang siya ni David saka ito nagpatuloy sa pagkanta. "... and I got a soul. Believe me, I will use them both..."
"We made a start," pagtutuloy ni Ash. "Be it a false one, I know. Baby, I don't want to feel alone..."
"Manahimik ka, Ash. Wala kang baby," pang-aasar ni Wind.
Nang si Nico na ang kakanta ay pinagkrus pa nila Wind at Ash ang mga kamay nila saka tumango-tango, halatang dinidistract si Nico eh. Ito talagang dalawang 'to, basta kalokohan.
"So kiss me where I lay down
My hands pressed to your cheeks
A long way from the playground...""Gayahin niyo pa 'to, seryoso," natatawang puna ni David doon sa dalawa saka inginuso si Nico.
"I have loved you since we were 18," malawak na ngiting pagkanta ni Wind, inecho pa nila Ash 'yung salitang 18. "Long before we both thought the same thing. To be loved and to be in love..."
Mayamaya lang ay nagtabi-tabi na sila saka nila inakbayan ang isa't isa saka sila nagsabay-sabay sa pagkanta ng chorus.
"All I can do is say that these arms
Are made for holding you, oh-oh
I wanna love like you made me feel
When we were 18..."Nang tumalon-talon na sila sa stage ay doon na rin kami nakisigaw at nakisaya maging ang mga taong nandirito.
"Kakanta pa tayo, hoy!" natatawang tawag ni Wind kay Ash nang mapansing nag-eenjoy na si Ash sa pagsayaw roon sa gitna.
"Ah, kakanta pa ba?" pagmamaang-maangan ni Ash pero tumuloy rin naman agad siya sa pagkanta ng sumunod na verse.
"We took a chance
God knows we tried
Yet all along, I knew we'd be fine..."
BINABASA MO ANG
Every End of the Day
RomanceAlazne Grace, from the Film Department of College of Performing Arts, had numerous unexpected encounters with Wind, the main vocalist and guitarist of AU's band, until this simple interaction evolved to something deeper. Will this encounter be the r...