CHAPTER 31

69 4 5
                                    




"Alei..."


Nalipat agad ang tingin ko kay Wind nang lapitan niya ako. Nandito lang ako sa dulong pool ng Soleir simula kanina nang mag-umpisa ang victory party.


Pagkatapos ng premier ay dito na kami dumiretso, bumati lang kami sa mga nandirito saka kami saglit na kumain kasama sila Direk. Karamihan ng tao ay mga nandoon sa unahan at nagsasayaw o kaya naman ay naglalaro ng mga games, ang iba naman ay nasa bungad na pool sa harapan.


Ngayon ay nakaupo lang ako rito habang nakababad ang mga paa ko sa tubig, nakatingin sa hawak kong singsing na pendant ng kwintas ko.


Marahan akong nginitian ni Wind tsaka siya umupo sa tabi ko. Inabot niya ang kamay ko kung saan ko hawak ang kwintas ko saka niya 'yon isiniklop sa isa niyang kamay kung saan nandoon naman ang kaparehong singsing ng pendant ko.


"Anong iniisip mo?"


Marahan akong ngumiti habang nakatingin sa kamay namin. "Wala naman. Pinapakiramdaman ko lang 'yung puso ko. Parang ang gaan gaan..."


Nang isandal ni Wind ang ulo niya sa balikat ko ay agad ko 'yong inabot saka ko marahang ginulo ang buhok niya. "Ikaw ba? Anong naiisip mo?"


"Ikaw," he chuckled slightly. "Iniisip ko kung totoo na ba talaga lahat ng 'to, na kasama na kita ngayon. Na nandito ka... kasama ko sa parehong oras, parehong lugar, parehong panahon. Hindi ko maipaliwanag 'yung saya na nararamdaman ko, parang sasabog na 'yung dibdib ko."


"We did it..." mahinang bulong ko sa kanya.


"Hmm. Sa wakas," aniya na mas nagpangiti sa akin. "It feels so right... to love you and to tell the world how much I am in love you."


"It also feels so right to be in love and to be love by you, Wind," I smiled sincerely that made him pursed his lips, nagpipigil pa ng ngiti dahil sa sinabi ko.


"Putek naman, ssob. Walang ganyanan," natatawang aniya saka itinakip ang kamay naming magkahawak sa mukha niyang namumula na ngayon.


"Umayos ka nga," natatawang saway ko sa kanya pero mas itinakip niya pa ang kamay namin sa mukha niya. Nagtakip pa, kitang-kita naman sa tainga niya kung gaano na 'yon kapula.


"Alei..."


"Hmm?"


"Mahal na mahal kita."


Nakangiti akong tumango. "Mahal na mahal din kita."


Kahit natatawa ay marahan kong inialis ang kamay namin sa mukha niya. I smiled as I leaned in. Saglit akong tinignan ni Wind sa mata bago niya inabot ang batok ko saka ako mas inilapit sa kanya. We were about to kiss when... well.


"Wi--- Ow shit!" madramang pagpuputol sa amin ni Ash saka niya tinakpan ang mga mata niya.


"Bunganga mo," walang emosyong sabi ni Nico kay Ash tsaka siya napailing.


"Dito pa talaga sa dilim ah?" natatawang sabi naman sa amin ni David.


Napaayos agad si Wind nang upo na akala mo ay isang matinong bata na pabirong nagpairap at nagpatawa lang sa akin.


"Ano ba? Parang ano naman eh," inis na tanong sa kanila ni Wind.


"Ano ha? Ano?" nakangising paghahamon pa ni Ash na nagpabusangot lang kay Wind.


Muli akong napailing. Ako na lang ang humarap sa kanila. "Bakit?"


"They're on their way here," ani Nico. Napatango naman ako.


Every End of the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon