"Update, some medias already went out. Dapat lang, ilang oras mahigit na sila nanonood d'yan sa inyo na akala mo nasa Netflix sila. Although I'm still not sure if meron pa ring natira na nand'yan lang sa paligid, be mindful pa rin," bungad na sabi sa amin ni Ate Clio pagkalapit niya.
"'Di ka pa kumakain," mahinang sabi naman ni David kay Ate Clio saka pasimpleng lumapit sa likuran niya para bumulong. Natatawang ngumiwi naman agad si David nang kurutin siya sa tagiliran ni Ate Clio.
"Kasasabi ko lang na be mindful eh," natatawa na ring asar ni Ate Clio. Pagbalik ng tingin sa amin ni Ate Clio ay napangiti siya ulit. "Pabalik na raw rito sila Ai and Nico but I think, it would still take them an hour to arrive. They went somewhere pa raw eh. Hadley and Ash had some business outside, they're probably talking. Nando'n lang kami sa counter. Wind, umayos ka. Alei, do'n lang kami ha?"
"Opo, Ate. Salamat po," sagot ko saka ako marahang ngumiti at tumango.
"Maayos naman ako ah?" reklamo ni Wind saka kumunot ang ang noo na parang bata.
"Sa ngayon," natatawang pang-aasar ni David saka inilagay sa magkabilang bulsa ng pantalon na suot niya ang kamay niya.
Lalong napanguso si Wind nang ngisian pa siya ni David. "Do'n ka na nga."
Napailing na lang si Ate Clio saka palihim na sinapak si David sa braso. Si David naman ay natatawa lang na sumunod kay Ate Clio papunta roon sa counter.
Nang medyo mas lumakas pa ang tugtog mula sa ibaba ay mas lalong naging magulo rito sa taas, halos lahat ay nagtatatalon na at nagsasasayaw sa gitna. Siguro ay dahil mga nakainom na rin, Sabado pa bukas at walang klase kaya tinotodo na talaga nila.
"Alei."
Hindi ko alam kung bakit kahit na sobrang lakas na ng tugtog mula sa ibaba ay sobrang klaro ko pa ring narinig ang boses niya nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Hm?"
Unti-unti akong nagbaling ng tingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nakahati pala sa gilid ang buhok niya, bahagya rin itong nakataas kaya mas umaliwalas ang mukha ni Wind. Humahaba na rin ang buhok niya. Hindi naman ganoong katulad sa iba pero sapat na para maipusod niya 'yung itaas at gitnang parte noon.
Marahan siyang tumingin sa 'kin saka bahagyang lumungkot ang mukha. "Nagugutom na ko."
Kinagat ko agad ang ibabang labi ko saka ako yumuko para pigilan ang pagngiti ko. Para siyang batang maliit na handa nang mangulit sa magulang para lang kumain sila sa Jollibee.
"Labas ba tayo?" mahinang tanong ko sa kanya. Bahagya siyang ngumuso saka agad na tumango.
Nag-iwas na ko ng tingin habang nagpipigil pa rin ng ngiti. Hinanap naman ng mata ko sila Ate Clio kaso mukhang busy pa sila roon sa counter. "Paano kaya tayo lalabas..."
Nang biglang tumayo si Wind ay napaangat din sa kanya 'yung tingin ko. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang maglakad siya palapit sa sofa na inuupuan ko. Saglit niyang inilibot ang tingin niya sa paligid namin na lahat ay abala sa pagsayaw roon sa gitna bago niya tuluyang inilapit ang mukha niya sa gilid ko. Halos maramdaman ko na ang labi niya sa tainga ko na naging dahilan ng sobrang lakas na kabog ng dibdib ko. Ni hindi ko magawang huminga dahil sa sobrang lapit niya.
"I'll send you a message. Nasa parking ako," seryosong bulong niya na nagpataas sa balahibo ko. Para akong kinilabutan, ilang beses din akong napakurap hanggang sa hindi ko na namalayan na may kinuha na pala siyang maliit na bag sa gilid ng sofa na kinauupuan ko.
BINABASA MO ANG
Every End of the Day
RomanceAlazne Grace, from the Film Department of College of Performing Arts, had numerous unexpected encounters with Wind, the main vocalist and guitarist of AU's band, until this simple interaction evolved to something deeper. Will this encounter be the r...