To the rescue

1.9K 50 14
                                    

“Yes!” napasigaw ang mga kasama niya ng makitang naka shoot si Aia sa basketball match nito. Nasa harap silang lahat at nanunuod sa monitor minus Alex, pumunta to ng mall at may bibilhin lang daw. Parang NBA game lang ang pinapanuod nila at nag che-cheer sa paboritong manlalaro. Siya naman ay tahimik lang. Parang gusto niyang parusahan sa training drill ang mga nakalaban ni Aia. Tingnan niya kung makatapos ang mga ito. Ni wala kasing patawad ang mga ito sa team nina Aia na mga babae pa. “Teka, kelan ka pa nagka concern sa kanya?” tanong niya sa sarili.

Biglang tumunog ang cellphone niya kaya tumayo siya at sinagot iyon ng hindi tinitingnan ang caller. “Hello?”

“Castellejos, nasaan ka ngayon?”

Si General Sebastian ang tumatawag. Tiningnan niya ang screen ng cellphone para masigurong ito nga ang nasa kabilang linya.

“Castellejos, are you there?”

Ibinalik niya sa tainga ang telepono. “Yes, Sir.”

“Inuulit ko, nasa’an ka ngayon?”

“Nandito ho sa apartment Sir. Dumiretso na ako kanina pagdating ko.”

“Good. Nasa’an si Aia?”

Tiningnan niya ang monitor ngunit hindi niya makita si Aia kaya sinabi niyang nasa gymn ito. Siguro ay nagbibihis. Nagsalita ang general ngunit hindi niya marinig. Masyadong maingay sa kinaroroonan nito. Parang tunog ng papa take off na helicopter. Tumalikod siya at lumabas ng silid.

“Castellejos, do you hear me?”

“Positive, Sir.”

“Listen, I’m flying to Manila this very minute. There’s an emergency. I want you to take Aia out of the University as soon as possible. Take her back to the camp. Huwag niyo siyang papalabasin, maliwanag ba? Call for back-up. And Castellejos, wait for my instructions. Do you copy?”

“Yes, Sir.” Nagtaka siya kung anong nangyayari. Ang sabi ng General ay may emergency daw at mukhang sangkot si Aia ngunit bakit lilipad ito papuntang maynila?

“Sir, si Miss Aia ho.” Sigaw ni Singson sa loob. There was panic in his voice kaya kinabahan siya.

Dali-dali siyang bumalik sa silid at tiningnan ang monitor. Napamura siya ng makita si Aia na nakatulala sa upuan nito. Walang may nakakapansin dito.

“Damn!” he swore. He turned to his men and barked orders, “Baldo, Malvar sumama kayo sakin. Pupuntahan natin si Miss Trinidad.” Initsa niya ang susi ng sasakyan niya kay Baldo. Gamit ni Alex ang sinakyan ng mga ito kanina. Nauna na ang mga itong lumabas ng silid. They what to do. He turned to Singson and said, “Singson, dito ka lang. Keep us updated sa sitwasyon ni Miss Trinidad. Pagdating ni Lt. Alcatraz tell him to send back up or better yet call him this instance. It’s emergency!”

Tumango ito. “Copy, Sir.”

“Castellejos, ano ang nangyayari diyan?” tanong ng General sa kabilang linya. Nakalimutan niyang kausap niya pala ito.

Double damn! “Tulala po Sir.”

“Ano pang ginagawa niyo diyan. Bring her to the hospital.

“Sir, sabi mo kanina sa ibalik siya sa kampo.”

“I said bring her to the hospital.NOW. MOVE!

“Yes, Sir! Naguguluhan na si Gabriel. Kanina ibalik sa kampo at huwag palabasin ngayon naman ay dalhin sa hospital. Ano ba talaga ang nangyayari? Inilang hakbang lang ni Gabriel ang gate kung saan naghihintay na sa kanya ang mga kasama niya. Si baldo ang nasa manibela. Agad naman siyang sumakay sa passenger seat. Ilang minuto lang ay narating nila ang University.

Genius in DistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon